20

1.8K 76 5
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

[Sheena POV]

"Bakit ba ayaw niyang sagutin? Buwesit!" Padabog na naupo ako sa tabi ni Tashi.

"Alam mo, bantayan mo si Preenz dahil baka hindi mo namalayan, naaagaw na pala siya ni Epok sa 'yo," naka-smile na sabi ni Tashi.
Kaibigan ko siya, half-chinese ito at ang tangkad pero hindi naman ganoon kaganda. Mayaman lang at marunong magdala ng sarili.

"No! Never na maagaw ng pobreng iyon ang Preenz ko!" giit ko.

"Why? Marami ang puwedeng mangyari, Sheena. Nasa iisang bahay lang sila," sabi ni Tashi.

"Kaya nga paaalisin ni Preenz si Epok e!" sabi ko. Alam nila ang plano ni Preenz at suportado naman ako ng mga kaibigan ko lalo na ni Lily. Speaking of my bestfriend, nasaan na kaya siya?

"Si Lily pala?" tanong ko kay Tashi.

"Pinuntahan si Brent. Alam mo naman, malibog ang isang 'yon," natatawang sagot ni Tashi. Ito ang maganda sa aming magkakaibigan, magkaibigan din ang boyfriend namin kaya sabay na sa galaan.

"Ang tagal na pala nating hindi nakabalik sa race," puna ni Tashi.

"Wala na akong gana," sagot ko.

"Pero nasa field sina Preenz. Ayaw mo ba?" makahulugang tanong ni Tashi. Aware kami sa pagiging desperado ni Preenz na makapasok at magka-entry pass kaya tinulungan siya ng isang kakilala ni Brent na nasa loob.

"Hayaan mo siya, susuko rin naman siya," sagot ko.

"Paano kung hindi? Hahayaan mo na lang ba siyang habambuhay na mamuhay sa anino ng kahapon?" tanong ni Tashi.

"Kung iyon ang gusto niya, e di susuportahan ko siya. As long na akin siya, wala kaming problema," sagot ko. Bahala na ito sa gusto nito.

"Hmm? At si Epok?" tanong ni Tashi.

"Huwag siyang haharang sa daan ko dahil kapag mapuno ako, makikita niya ang hinahanap niya!" sabi ko.

"Sabi mo eh," sabi ni Tashi.

"Puntahan ko lang si Preenz," paalam ko saka tumayo. Ang alam ko, nasa tambayan siya sa ganitong oras.

Habang nasa hallway, nakita ko si Epok at ang kaibigan nitong nag-uusap sa lilim ng punong-mangga. Umpisa pa lang, hindi ko na siya gusto dahil masyadong matalim ang tabas ng dila nito. Isa pa, magkasama sila ni Preenz sa iisang bubong at blackmailer ang bruha.

"May araw ka rin sa akin!" bulong ko saka dumiretso kina Preenz.

Kumatok muna ako ng tatlong beses dahil locked ang pinto.

"Hey, Sheena," nakangiting bati ni Rylan kaya nginitian ko rin.

"Si Preenz?" tanong ko at sumilip sa loob. Nilagpasan ko siya nang makita ko ang hinahanap kong nakaupo sa sala at nakikipag-usap kay Brent.

"Babe," masiglang bati ko at lumapit kay Preenz saka hinalikan sa kanang pisngi matapos maupo sa tabi niya.

"Wala ka bang pasok?" malamig na tanong nito.

"Wala pa. Mamaya pa," sagot ko na nakaramdam ng kirot. Hindi ako manhid at aminado akong lumalamig na ang pakikitungo niya sa akin. Pero dahil mahal ko siya, pinamanhid ko ang puso ko. Aasa pa rin ako na balang araw, makakalimutan niya si Kylie at ako na ang iibigin niya.

"Alis na muna ako, dude," paalam ni Brent.
"Akala ko magkasama kayo ni Lily," wika ko kaya ngumisi ito.

"Kakaalis lang niya rito. Baka hindi lang kayo nagkasalubong," sagot nito. Alam ko na ang ngising iyan. Naka-score na naman ito kay Lily.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon