Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 27
[Preenz POV]
"Preeeeeenz! B-Baby P! Baby P!" Humahangos na tawag ni Epok habang patakbong lumalapit sa akin. Tanghaling tapat pero bakit galing ito sa labas ng bahay?
"Oh? Bakit, Baby?" nagtatakang tanong ko. Ang pula pa ng pisngi nito at napahawak sa tuhod saka hinihingal.
"B-Baby? May b-bastos sa labas ng gate natin," naiiyak na sumbong niya.
"Ha? Binastos ka ba nila?" nag-aalalang tanong ko.
"O-Oo. Ang bastos nila!" sagot niya na naluluha pa. Ang gulo pa ng buhok nito na para bang tinakasan ang ilang demonyong humahabol sa kaniya.
"Halika," yaya ko at hinawakan ang kanang kamay niya pero hinila niya.
"A-Ayaw ko. Natatakot ako, Baby," sabi niya.
"Ituro mo sa akin at ako ang bahala sa kanila!" galit na sabi ko. "Mga tambay ba? Lasing?""B-Baka mga tambay lang sa labas,"
nakalabing sagot nito habang nagpapahila sa akin. Napatitig ako sa kamay naming naka-holdinghands. Ang Lambot lang ng mga kamay niya. Ang sarap pisilin."Baby P? Love mo 'ko?" tanong niya nang malapit na kami sa gate at napatigil saka tumingala sa akin.
"Oo naman," sagot ko saka nginitian siya.
"Ikaw ba, Baby E? Mahal mo rin ba ako?""Oo naman," sagot nito kaya tumango ako. "I love you, Preenz."
"I love you too," sagot ko saka ipinagpatuloy ang paglalakad namin. Ewan ko ba pero ang saya ko. Parang totoong magkasintahan lang kami.
Binuksan ko ang gate at inihanda ang sarili sa mga nambastos sa girlfriend ko.
"Nasaan na sila?" nagtatakang tanong ko.
Wala namang katao-tao rito. Ang tahimik pa nga ng paligid e."'Ayun oh," sabi niya sabay nguso sa dalawang asong magkadikit ang mga katawan. "Ang bastos nila. Alam mo bang sa harapan ko pa talaga sila nagjerjeran?" Parang batang sabi niya kaya napahilamos ako sa mukha.
"Seryoso ka ba talaga, Epok?" tanong ko.
Sunod-sunod na tumango siya.
"Paano, dadaan lang ako at bibili sa kabilang kanto pero nag-ano na sila. Ang bastos nila, 'di ba?"
Napa-poker face ako. "Ba't 'di mo bigyan ng pera para may pang-motel sila?" sagot ko kaya napasimangot siya. "Alam mo namang nag-aano sila, pinanood mo pa, Epok?"
"Baby P?" nakalabing tawag niya nang tumalikod ako para bumalik na sa loob ng bahay.
"What?" patanong na sagot ko pero hindi ako lumingon. Alam ko namang sumusunod ito sa akin.
"Gayahin natin sila, dali," excited na sabi ni Epok. Heto na naman po kami.
"Bumalik ka na sa bahay at mag-aral," sabi ko at binuksan ang gate.
"Baby P? Inggit ako sa kanila," sabi nito pero hindi ko na pinansin pa. Mula ngayon, hindi na talaga ako maniniwala sa kalokohan nito.
Pumasok ako sa kuwarto ko at agad na isinara para hindi na ito makapasok pa. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama pero kailangan ko rin ng pahinga mula sa kalokohan ni Epok.
Nahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame pero agad na napaupo nang makita si Epok sa harapan ko.
"P-Paano ka nakapasok?" nagtatakang tanong ko.

BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...