Playing Love With A School Heartthrob
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 34
[Preenz Pov]
"Mahal mo na ba talaga si Epok?" tanong ni Brent sa akin.
"Bakit?"
"Wala lang. Sa tingin ko kasi, ang lalim na ng pagtingin mo sa kaniya," sabi nito.
"Siguro, ganun na nga," pagsang-ayon ko.
Nasa tree park kaming tatlo at hinihintay ang iba pa naming kasama.
Tinapik ako ni Brent sa balikat at inakbayan.
"I'm happy for you, dude. Mabuti 'yan para maging masaya ka na."
"Siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan 'yan," sabat ni Rylan na nasa kanan ko. Napagitnaan ako nitong dalawa kaya nasisikipan ako. Ang dami namang upuan at bench pero dito pa talaga sila sumiksik sa mahabang bench na inupuan ko.
"Walla ka bang tiwala kay Preenz? At hindi mo ba nakita ang pagbabago niya?" tanong ni Brent. "Bakit parang hindi ka masaya?"
"Masaya ako," ani Rylan. "Pero ayaw ko lang makitang may babaeng dehado."
"Come on, dude. Huwag mong pansinin si Rylan, baliw na 'yan," bulong ni Brent na naririnig naman nitong isang katabi ko.
"Psh! Paalala lang naman ang sa akin.
Mahirap ang umasa sa panahon ngayon. Hindi lang naman si Preenz kundi si Epok ang kawawa sa bandang huli."
"Ba't ba concern ka kay Epok? May gusto ka ba sa kaniya?" puna ni Brent kaya tumahimik si Rylan. Napasulyap ako sa kaniya at pinag-aralan ang reaksiyon niya.
"Noong una, kay Kylie ka may gusto tapos kay Sheena. Ngayon naman kay Epok? Aba, lahat na lang ba ng tira-tira ni Preenz, titirahin mo?" biro ni Brent.
"Ulol!" singhal ni Rylan na mukhang napikon na kaya napailing na lang ako. Hanggang ngayon, wala pa itong ipinapakilala sa amin ni Brent.
Pero guwapo naman ito. May pagka-badboy nga lang dahil sa hikaw at salubong ang mga kilay pero siya ang tipo ng badboy na puwedeng magbida sa isang pelikula.
"Kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba para may maipakilala ka na sa amin. Guwapo ka naman. Habulin nga ng mga bakla e.
Huwag mong sabihin, supot ka pa?"
pang-aasar ko kaya nagtagis ang bagang ni Rylan. Siya pa naman ang tipo ng taong mahirap biruin dahil minsan ay pikon."Baby P!"
Lahat kami ay napatingin kay Epok na patakbong lumapit sa amin.
"Sumali na ako sa dance club," masiglang pagbalita niya sa akin at naupo sa pagitan namin ni Rylan. "Natanggap nila ako."
"Nag-audition ka?" tanong ko.
"Biglaan," naka-pout na sagot niya at inihiga ang ulo sa braso ko. "Nakakapagod."
"Mabuti at naisipan mong sumali," wika ko at inayos ang mahabang buhok niya. "May pantali ka? Itali mo ang buhok mo."
"Here." Inabot niya ang ponytail na nasa kanang kamay niya. "Ikaw na magtali."
"'Di ako marunong."
"Itali mo lang kasi," naka-pout na sabi nito kaya sinubukan ko.
Tumayo si Rylan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Epok habang nakatingala kay Rylan.
"May pupuntahan kami ni Rylan," sabat ni Brent. "Nagsidatingan na kasi ang mga langgam kaya baka papakin nila kami."
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...