Playing Love with A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
[Preenz Pov]
"Preenz? Tapatin mo nga ako! Magkaibigan na ba kayo ni Epok?" tanong ni Sheena sa akin. Nasa tambayan kami at nakaupo sa sala habang siya ay naglilinis ng kuko niya. Isang tao na kami at legal ang relasyon namin. Tuwang-tuwa ang parents namin dahil boto sila sa relasyon namin. Kasosyo kasi ni Daddy ang ama nito sa negosyo kaya sobrang aprubado ang kami sa kanila.
Wala naman akong pakialam. Good catch na rin naman si Sheena dahil maganda at mayaman. May pagkamaarte nga lang pero mapagtiisan naman. Ganiyan naman ang mga babae eh.
"Katulong siya sa bahay namin," tipid na sagot ko.
"Eh, bakit kapag lumapit siya, parang ang close ninyo?" nakasimangot na tanong niya.
"Really?" inosenteng tanong ko.
"Alam mong ayaw ko talaga sa kaniya. Ang kapal ng mukha niya! Masyadong social climber!" prangkang sabi ni Sheena kaya napabuntonghininga ako.
"Huwag mo na kasing pansinin."
"Papaalisin mo siya sa bahay ninyo o makipaghiwalay ako sa 'yo?" matapang na sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Babe naman. Alam mo namang gusto siya nina Mommy," desperadong sabi ko. Isa pa 'to eh.
"Ako ang makipag-usap kay Tita Janine na palayasin siya sa bahay ninyo."
"Don't do that, Sheena," sabi ko. Ang pinakaayaw pa naman ni Mommy ay ang pakialaman ang desisyon nila.
"Why? Ayaw ba talaga ng parents mo na palayasin siya? O ikaw ang may gustong manatili siya sa inyo?" Nagdududang tanong niya.
"What? Huwag ka ngang magbintang! If given a chance, matagal ko na siyang sinipa sa pamamahay namin!"
"Bakit ba kasi ayaw mong palayasin ang ipokritang iyon!" sigaw niya at napatayo pa kaya napatingin sina Rylan sa amin.
"Babe, maupo ka," kalmadong sabi ko at hinatak siya paupo pero nagpupumiglas siya.
"Kung hindi mo kayang palayasin si Epokrita sa pamamahay ninyo, ako ang magpapalayas sa kaniya!" Puputok na yata ang ugat sa leeg niya sa lakas ng pagkasigas nito.
"Fine!" Pagsuko ko. "Bahala ka sa buhay mo! Kung ayaw mong makinig, wala akong pakialam pero huwag mo akong buwesitin dahil hindi ako natatakot na hiwalayan mo!"
Natigilan siya at hindi makapaniwalang tinitigan ako sa mukha pero hindi ko siya inurungan.
"Babe naman. Ano ba ang mahirap sa pinapakiusap ko? Simple lang naman e. Palayasin mo si Epok para tapos na. Hindi mo ba ako mahal?" Parang batang tanong niya at muling naupo sa tabi ko. Napupuno na ako kaya patawarin man sana ako ng nasa Itaas pero sarap niyang sapakin.
"Ang dami kong problema kaya huwag mo nang dagdagan pa!" naiinis na sabi ko saka tumayo at hinarap si Sheena na tatayo rin sana.
"Please lang, kung hindi mo ako kayang unawain, huwag mo na sana akong istorbohin!" sabi ko at lumabas ng tambayan.
"Dude!" tawag ni Brent na sumunod sa akin.
"What?" singhal ko at hindi tumigil sa paglalakad. Sa tree park na lang ako tatambay para walang istorbo.
"Mukhang malaki ang problema mo kina Sheena at Epok ah," sabi niya nang masabayan ako sa paglalakad.
"Huwag mo nang ipaalala sa akin ang mga babaeng 'yon!" ani ko saka pumasok na sa tree park at dumiretso sa tree house namin.
Si Brent na ang sumara ng pinto at nahiga ito sa couch.
"Ano ba ang problema ninyo kay Epok?" pangungulit ni Brent.
"Bakit ba interesado ka kay Epok? Gusto mo ba siya?" tanong ko at naupo sa harapan niya.
"Mabait siya at gusto ko ang personality niya," sagot ni Brent.
"Mabait? Gusto mo ang pagiging blackmailer niya?"
"Bakit hindi mo pa siya mapaalis sa inyo?" tanong na naman nito.
"Hindi ka ba nauubusan ng tanong? Bina-blackmail nga niya ako at huwag mo nang tanungin kung ano dahil alam na ninyong tungkol iyon sa race ko. Alam naman ninyong mahigpit na ipinagbabawal sa akin ang racing," sabi ko. Iniunan nito ang ulo sa mga kamay at napatingin sa bubong na gawa sa nipa.
"Kapag hindi mo siya sapilitang malayas, e di dahan-dahanin mo," sabi ni Brent.
"Dahan-dahanin pa?" ani ko.
"Oo. Paibigin mo tapos kapag mahal na mahal ka na niya, iwan mo na. Tingnan natin kung hindi pa siya lalayas," suhestiyon nito.
"Baliw ka na sa mga idea mo!"
"Seriously, Preenz. Kapag masaktan ang mga babae, lumalayo 'yan sila lalo na kapag makikita at mararamdaman nilang wala silang halaga," sabi nito at napabangon. "This is the only way para mapatalsik mo siya sa pamamahay ninyo. Hurt her emotionally at siya mismo ang lalayo sa 'yo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala akong magagawa sa ngayon pero kapag nagkataon, tama si Brent.
"What do you think?" interesadong tanong nito. "Come on, Dude. Huwag mong sabihing hindi mo kayang mapaibig ang isang katulong lang? Ganiyan na ba kahina ang sex appeal mo?"
"Tsk! Stop teasing me, Brent! Pag-isipan ko," sagot ko. Aminado akong maganda ang plano niya. "But what if I fail?"
"Bakit? Huwag mong sabihing hindi mo kaya si Epok?"
"Psh!" ani ko.
Natulog kami ni Brent. Nagising lang ako nang pumasok sina Rylan dahil ang iingay ng mga ito habang naninigarilyo at sumisigaw pa.
"Lumabas nga kayo! Ang ingay ninyo!" saway ko.
"Screaming hour, Dude. Ahoooooooo!" sigaw ni Rylan kaya tinakpan ko ang tainga gamit ang throw pillow hanggang sa tumahimik na sila.
"Balik na tayo. May klase na tayo," yaya ni Brent kaya tumayo na ako at inayos ang sarili. Second year college na ako pero sa tingin ko, wala akong natutunan lalo na nang dumating si Epokrita sa bahay.
-----------------------
Kakababa ko lang sa kotse nang makita kong palapit si Epok sa akin na may bitbit na balde. Nakahapit na black tshirt, white shorts na hindi naman ganoon kaiksi pero sapat lang na makita ang maputi at makinis nitong mga binti. Infairness, ang kinis pala niya.
"Ano ang gagawin mo?" tanong ko nang mapansing sa akin siya patungo.
"Hi," bati niya.
"Hello--puta!" Pagmumura ko nang buhusan ako ng tubig.
"Isa pang pambubuwesit ng girlfriend mo at kumukulong tubig na ang ibuhos ko sa 'yo!" galit na pagbabanta niya saka itinapon ang balde sa kotsw ko.
"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Kapag mabasag ang kotse ko, 'yang mukha mo ang dudurugin ko!" singhal ko na nagpipigil na masapak siya.
"Kinausap ako ni Sheena! Lalayas daw ako o makipaghiwalay siya sa 'yo!" Namumula na ang magkabilang pisngi niya sa sobrang galit.
"Anong sabi mo?" curious na tanong ko na hindi na inalintana ang basang damit. "Aalis ka ba?"
"Oo," tipid na sagot nito kaya natigilan ako. Tama ang pagkakarinig ko? Aalis na siya? Napa-yes ako sa utak ko.
"Kapag paalisin na ako nina Tita Janine at Tito James," sagot nito at padabog na tinalikuran ako.
"Hey!" tawag ko pero tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay. "Buwesit ka!" Pahabol na sigaw ko nang makaramdam ng lamig. Seriously? Ako lang ang boss na binuhusan ng katulong ng tubig. Isusumbong ko na talaga siya kina Mommy.
Dumiretso ako sa kuwarto ko at naligo saka nang makapagpalit ng damit ay lumabas para magpahangin. Hanggang ngayon, nasa pagawaan pa rin ang ducati ko. Sana matapos bago pa dumating sina Mommy.
Napatingin ako sa veranda nang makarinig ng kumakanta. Si Epok. Kumakanta habang nagsusulat.
Tumigil ito nang mapadako ang tingin sa akin saka sinimangutan ako.
"Hi," bati ko at lumapit sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo?"
Hinila ko ang isang silya saka naupo sa tabi niya. Alas singko na ng hapon kaya ang sarap tumambay rito dahil kitang-kita ang sunset mamaya.
"Hindi ba obvious?" mataray na taning nito pero pinigilan ko ang sariling patulan siya.
"Nag-aaral ka pala. Pasensiya sa istorbo," paumanhin ko at napasulyap sa makapal na libro niya.
"Nakakaistorbo ka!" ani nito.
Nginitian ko siya kaya napataas ang kanang kilay nito. Maldita talaga. Ipinagpatuloy nito ang pagsusulat at hinayaan akong tumingin sa ginagawa niya. Gusto ko sanang laitin sa penmanship niya dahil mukhang dinaig pa ang doctor sa sulat-kamay pero ayaw ko ng gulo.
"Epok? Hindi ka ba nagsasawa sa pakikipag-away sa akin?" tanong ko. Tumigil siya sa pagsulat saka tumingin sa akin.
"Hindi na. Nasanay na ako. Sa sobrang pagkasanay ko, ini-enjoy ko na nga e," sagot nito kaya naikuyom ko ang kamao ko para ilabas ang galit.
"Epok? Ako kasi, sawang-sawa na," pag-amin ko. Sa sobrang pagkasawa ko, gusto ko na siyang sipain palabas ng gate ng mansion.
"Ah, e di lumayas ka na sa bahay na ito." Suhestiyon nito kaya napanganga ako. Ako na anak ng may-ari, pinapalayas nito? Kaunti na lang at sasabog na ako pero kaunting control pa sa sarili.
"Can we be f-friends?" seryosong tanong ko na labag sa kalooban.
"Friends?" ulit niya. "May lagnat ka ba?"
"Bakit? Ano ang masama kung maging magkaibigan tayo? Isa pa, nasa iisang bahay lang naman tayo. Malay natin, puwede pala tayong maging matalik na magkaibigan?" ani ko.
Tinitigan niya ako sa mukha at pinag-aralan ako. Napatingin ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko, sinasala niya ang kaluluwa ko at inuusig ang budhi. Bakit ba ang lakas ng ispiritu ng babaeng ito? Hindi pa rin ito tapos sa kakasuri sa akin kaya nanlamig na ako. Inip na inip sa sagot nito.
"Sure." Sa wakas ay nakapagsalita na siya kaya napatingin na ako sa kaniya.
"S-Sure?"
"Sige. Friends na tayo," pagpayag niya at ngumiti. "Pero sayaw ka muna ng BBoom BBoom dance," nakangiting request niya.
"Ano 'yon?" inosenteng tanong ko. Madalas kong naririnig 'yan sa classmates ko pero hindi ko pinapansin.
Kinalikot niya ang cellphone saka ipinakita sa akin ang mga babaeng sumasayaw.
"Ganito oh. Sayawin mo," request niya.
"Never!" bulalas ko. "Anong tingin mo sa akin, bakla? Hindi ako sasayaw!"
"E di hindi rin tayo friends," sabi nito na naka-pout pa kaya naipikit ko ang mga mata ko.
"Ano ang gusto mong kainin?"
Umiling siya. "Busog pa ako."
"Mamayang gabi na lang," ani ko.
"Okay. Pero sayaw ka muna," hirit niya kaya nagtagis ang bagang ko. Sasabog na yata ang dibdib ko.
"Bigyan na lang kita ng iPhone," pakipag-bargain ko pero umiling siya habang naka-pout.
"Hindi ko kailangan ng mamahaling gadget."
"Bwes--"
"Ano 'yon?" agad na sabat niya kaya napabuntonghininga ako para pakalmahin ang sarili.
"Gadgets na lang. Laptop, gusto mo?" alok ko.
"Ayaw ko ng gadget," tanggi na naman nito. "Gusto ko talaga Bboom Bboom na sayaw mo."
"Epok naman! Ipa-rebond ko na lang ang buhok mo."
"Hindi ka talaga seryoso sa pakikipagkaibigan sa akin. Sasayaw lang, ayaw mo pa? E di huwag!" pagtataray niya saka muling nagsulat. Napatitig ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Oo na! Letse ka!" pagmumura ko na kaya tumigil siya at malapad ang ngiting binigay sa akin. Hihilain ko 'tong mahaba ang kulot niyang buhok e.
Ayun, pinatugtog niya ang cellphone kaya napilitan akong sayawin ang request niya. Tawa naman ito nang tawa habang pumapalakpak sa akin.
"Sige pa, giling pa, Preenz, igigiling mo pa!" Napapahawak na ito sa tiyan habang tumatawa. Ako naman itong si Tanga at sinusunod ang dance steps ng letseng Momoland na 'to sa cellphone niya.
"Para kang bakla," tumatawang sabi niya nang matapos na ako kaya nanghihinang naupo ako sa silya.
"Friends na tayo?" tanong ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako sumayaw sa harap ng isang babae para alukin itong maging kaibigan ko at isinusumpa ko ang araw na ito.
"Oo naman. Friends na tayo, Preenz," mabait na sabi niya saka inabot ang kamay para makipag-handshake sa akin.
"Friends," ani ko saka nakipag-handshake sa kaniya kahit na nakakasuka na. Ako ba talaga 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...