Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 28
Unedited....
[Epok POV]
"Sino sa amin ni Epok?" tanong ni Sheena kaya napatigil ako sa pagsipsip nitong milkshake ko. Nasa canteen kami at niyaya ko si Preenz.
"S-Sheena, huwag kang mag-eskandalo," pakiusap ni Preenz na tumayo. Ako? Chill, chill lang habang nakatingala sa dalawang nag-aaway.
"Ano ba, Preenz? May usapan tayo! Ang sabi mo, makipagrelasyon ka kay Epok para saktan siya at lumayas na sa bahay ninyo! Pero ano ang nangyari? Ilang buwan na! May pasko at new year na na dumaan, wala pa rin!"
Pagwawala niya na para bang gustong sabunutan si Preenz kaya gusto kong matawa.
"Sheena naman, let's talk this sa ibang lugar," nahihiyang pakiusap ni Preenz at hinila si Sheena palabas ng canteen pero nagpupumiglas ito at galit na hinarap ako.
"Ikaw! Alam mo bang pinaglalaruan ka lang ni Preenz? Na kaya ka lang niya shinota para makaalis ka sa bahay at buhay nila? Pathetic!"
Nakapamewang na sabi nito.
"Sheena, halika na!" Galit na yaya ni Preenz.
Tumayo ako. Bawal sa akin ang dinuduro ako ng kahit na sino dahil nagiging killer ang katawan ko."Oo, alam ko!" Taas noo kong pag-amin kahit na marami ang nakikinig. "Aware ako."
"So? Hindi ka na nahihiya?" bulalas ni Sheena.
"Bakit ako mahihiya? Eh, mahal ako ni Preenz.
At sabi niya sa akin, break na kayo. Hindi ba't nakakawalang respeto sa isang babae na payagan ang boyfriend niya na magsyota ng ibang babae para lang lokohin ito?" Matamis na ngumiti ako para lumabas na kalmado lang ako at hindi ako apektado.
"Hindi ka niya mahal!"
"Mahal niya ako!" giit ko.
"Pinapasakay ka lang niya!" Pakipagsagutan ng bruha.
"Pero hindi ko siya pinapasakay sa akin.
Pinapaibig ko siya. Pasensiya na pero akin na siya!" sagot ko saka tinapatan ang mataas niyang kilay.
"Tama na!" saway ni Preenz. "Sheena, halika na! Huwag ka ngang mag-eskandalo rito!"
Malakas na tinulak ni Sheena si Preenz. Aba, kapal ng mukha para saktan ang Baby P ko.
Pero hindi ako nakialam.
"Manloloko ka, Preenz! Nagtiwala ako sa 'yo!" singhal niya saka umangat ang kanang kamay pero bago pa nakadapo sa pisngi ni Preenz, napigilan ko na ito at pinisil kaya napangiwi siya.
"Walang sinuman ang puwedeng manakit sa kaniya nang walang pahintulot sa akin!" mahina pero puno ng galit na sabi ko saka sinalubong ang mga mata niya.
"Mang-aagaw ka!" singhal niya na sinusubukang makawala ang kamay sa mga palad ko.
Ngumisi ako at binigyan siya ng mala-demonyong tingin. "Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, iyon din ang gagawin sa 'yo. Hindi ba't inagaw mo rin siya sa bestfriend mo?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mga nata nito kaya lihim na napangiti ako.
"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya saka bumulong, "Really? The last time I checked, kaibigan mo si Kylie."
"A-And so?" nauutal na pagtataray niya.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...