Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 10
Unedited...
[Epok POV]
"Kain ka pa nang marami," alok ni Preenz at inilapag ang lechon paksiw sa harapan ko.
"Puwede bang bukas naman? Patay gutom lang?" ani ko. Para akong bibitayin bukas kaya puno ng pagkain ang mesa.
"Sure ka?" tanong nito na hindi kumbinsidong hindi ako kakain.
"Oo. Parang may fiesta lang tayo tapos ako lang ang bisita mo, ah. Bukas na. Wala ako sa mood kumain," sagot ko. Humihirit lang naman ako kapag may gusto akong kainin. Iyong hinahanap ng bituka ko. Pero hindi naman ako ganoon ka patay-gutom na ubusin ang lahat ng pagkain.
"Manang Darling? Kain po kayo. Hindi ko ho maubos ito," tawag ko sa katulong na dumaan.
"Busog pa kami," sagot nito. Sila lang kasi ang sumusuko sa pagkain sa bahay na ito dahil kung ano ang pagkain nina Preenz, iyon din ang kinakain nila. Kaya lahat ng katulong sa bahay na ito ay matataba.
"Bukas na lang ng umaga, kakainin ko ito," ani ko at humarap kay Preenz na nakaupo sa harapan ko at kumakain na rin.
"Bahala ka," tinatamad na sagot nito at napatingin sa tumutunog na cellphone na inilapag niya sa right side niya.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Manang saka umalis na.
"Sagutin mo na ang tawag," sabi ko kaya napasulyap siya sa akin tapos ipinagpatuloy muli ang pagkain.
"Hoy, kawawa naman si Bruhang Sheena," sabi ko nang muling nag-ring ang cellphone.
"Hayaan mo siya," sabi nito at tumigil sa pagkain saka hinarap ako at tinitigan sa mukha. "Cool off na muna kami. Pagod na rin akong umintindi sa kaniya."
"Wow! Napagod ka na rin? Bakit ngayon lang?" bulalas ko na kunwari ay gulat na gulat.
"Matagal na pero tinitiis ko lang," sagot nito kaya napataas ang kanang kilay ko.
"Really? Pero kailangan mo ng sexlife kaya nagtitiis ka?" prangkang tanong ko na gusto kong pagtawanan sila.
"Magaling siya sa ibabaw ng kama," pilyong sabi niya saka sinalubong ang mga mata ko.
"Bakit ka ganiyan 'pag makatingin?" tanong ko dahil ngumisi ito.
"Ikaw, Epok? Magaling ka rin ba sa ibabaw ng kama?"
Nanlaki ang mga mata ko. Hala, I didn't see it coming. "Bastos ka, ah!" singhal ko nang makabawi.
Malakas na tumawa ito. "Biro lang. 'To naman, parang hindi kaibigan."
"Hindi tayo friends!" sagot ko at inirapan siya.
"Seryosong tanong, Epok, may boyfriend ka na ba?" tanong nito kaya hindi ko na iniwas ang mga mata ko at sinuri ang mukha niya. Bakit naging blangko yata ang brain cells ko? Hindi niya mapasok ang utak ni Preenz dahil wala itong emosyon.
"Bakit mo natanong, Preenz?"
"Out of curiousity?" patanong na sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Pero kung ayaw mong sagutin, okay lang. Obvious naman na wala."
"Kapal mo! Sinasabi mo bang pangit ako?" naiinis na tanong ko. Iniinsulto ba niya ako?
"Ikaw ang may sabi niyan," sabi nito. "Pero maganda ka naman. Kulang lang sa 'yo ang kaunting ayos lalo na sa buhok mo. Try mo rin kayang itali?"
"Pakialaman mo ang lahat pero huwag lang ang buhok ko!" galit na sabi ko. Bakit ba palagi niyang sinasabing mag-ayos ako? Sa tuwing magkikita kami, hindi nawawala ang ganiyang suhestiyon. "Maganda ako kahit na basahan pa ang isusuot ko at hindi ako magsusuklay."
"Wala naman akong sinabing pangit ka. You should fix yourself naman kahit paano. Ang wais mo pero pagdating sa sarili, hindi ka marunong mag-ayos."
Natigilan ako at may kung anong lungkot na bumalot sa puso ko. Ganoon na ba talaga ako? Bakit lahat na lang ng tao, pinagsasabihan akong mag-ayos? Eh, ang ganda ko naman kahit na walang makeup o ano mang kaartehan sa katawan.
"Be a girl, Epok."
"T-Tomboy ba ako?" Out of the blue na tanong ko. Pero hindi naman ako tboom ah. Babae kaya ako. Idol ko pa naman ang BTS at EXO.
Natameme ako nang malakas na tumawa ito at napahawak sa tiyan.
"Stop laughing! Gusto mo bang mamatay?" sigaw ko at binigyan siya ng "deadly look".
"N-Nkakatawa ang mukha mo, Epok. Para kang ewan. Bakit? Tomboy ka ba?" tanong nito nang tumigil na sa kakatawa.
"Babae ako!" giit ko saka tumayo at tinalikuran siya. Bahala siya sa buhay niya dahil kapag mapikon ako, isasaksak ko talaga ang tinidor sa lalamunan niya hanggang sa mawalan siya ng hininga. Okay, masyado ng brutal ang laman ng isip ko.
"Yeah, you're a girl," pagsang-ayon nito. "So? Will you be my girl, Epok?"
Napatigil ako sa narinig saka blangko ang mukhang humarap sa kaniya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Preenz?"
"Biro lang. Babae ka nga," nakangiti nitong tanong.
"Ayaw ko ng ganiyang biro, Preenz!"
"E di totohanin na lang," sagot nito kaya napataas ang kilay ko. "Gusto kita, Epok." Dagdag niya kaya nanigas yata ang mga paa ko. "W-Well? I just realized na ikaw ang tipo kong babae. Kaya siguro asar na asar ako kasi noon pa lang, gusto na kita."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Ano ba ang dapat na itugon?
"Huwag mo nga akong biruin ng ganiyan! Mapapatay ka talaga sa akin!" pagsisinuplada ko at tinalikuran siya. Naninindig ang balahibo ko sa sinasabi nito.
"Seryoso ako, Epok. Liligawan kita." Pahabol niya pero isinara ko na ang tainga ko at nagbibingi-bingihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...