Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 33
[Someone POV]
Nakatayo ako sa dalampasigan at nakatanaw sa malawak na karagatan. Ang payapa ng paligid at tanging ingay ng malalakas na along humahampas sa malalaking bato ang tila musikang umaawit sa aking mga tainga.
Napayuko ako sa mga paa kong lumulubog sa maputi at pinong buhangin.
Papalubog na ang araw kaya hindi na nakakasakit sa mga mata kapag titigan. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
Sana balang araw, masilayan ko ang tunay na kulay ng mundo. Dahil sa ngayon, natatanaw ko lang ang araw pero hindi nito kayang bigyan ng liwanag ang aking buhay.
"Lumabas ka pala."
Napalingon ako sa nagsalita. Palapit ito sa akin.
"Ano ang ginagawa mo rito?
Nagmumuni-muni?"
"Wala kang pakialam!" naiinis na sagot ko pero ngumisi lang ito.
"You know what? Huwag mo akong pagtarayan dahil malaki ang utang na loob mo sa akin!" paalala niya kaya inirapan ko siya.
Dumukot siya ng isang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick saka sinindihan."Want some?" alok niya.
"I don't smoke!" sagot ko. Kung puwede nga lang itong takasan, matagal ko nang ginawa.
"May ipapagawa ako sa 'yo," diretsahang sabi nito kaya napatitig ako sa maamong mukha niya. Maamo pero sa likod nito ay may tinatagong sungay at buntot na mula sa diablo.
"Hindi ko gagawin!" Agad na tanggi ko kahit na hindi ko pa alam kung ano.
"Are you sure?" nakataas ang kilay na tanong niya na para bang sigurado itong wala akong kawala. Humithit ito saka ibinuga sa mukha ko kaya napaatras ako ng isang hakbang at napaupo.
"Kahit ano man iyon, hindi ko papatulan ang gusto mo. Hindi ko kayang makipag-deal sa isang diablo!" sagot ko kaya tumawa ito nang malakas na parang isang taong nasiraan ng bait.
"Hindi ako ganoon kasama, my dear. Mabait ako at alam mo iyon," sabi niya.
"Noong hindi ko pa nakita ang tunay na kulay mo," ani ko.
Sumeryoso ito at napabuga sa hangin.
"Sirain mo ang buhay ni Epok!" diretsahang sabi nito kaya napatitig kunot ang noo ko."Pasensiya na, hindi ko gagawin at hindi ko siya kilala," walang ganang sagot ko saka naglakad pabalik sa resthouse na tinutuluyan ko.
"Siya ang bagong kinababaliwan at girlfriend ni Preenz," sabi nito kaya napatigil ako. "Oo, girlfriend ni Preenz."
"Marami siyang babae," ani ko.
"Seryoso siya ngayon at nagpapakabaliw siya sa babaeng iyon," giit niya.
"Wala na akong pakialam doon. Hindi ba't maging masaya ka na lang para sa kaniya?" tanong ko at nilingon siya.
Naikuyom niya ang kamao at nagbabaga ang mga matang sinalubong ang mga mata ko.
"Ikaw? Hahayaan mo na lang ba na mangyari iyon?" tanong niya kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"Bahala na sila," sabi ko.
"Really? Sabi mo e." Pero alam kong hindi ito titigil hanggat ito ko nagagawa ang gusto niya.
[Epok POV]
"Ano pa ang gusto mo?" tanong ni Preenz.
Nasa mall kami ngayon at nagpapabili ako ng headband at pantali. Mabait naman siya at walang reklamo.

BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...