39

1.7K 79 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

[Kylie POV]

Kakapasok ko lang sa gate ng SJU at bitbit ang turon na niluto ko para kay Preenz.
May mga nakakilala na rin sa akin dahil araw-araw akong nandito. Ayaw kong sayangin ang bawat araw na hindi ko nakikita ang taong mahal ko.
Gusto kong bumawi. Gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin.
"Hi, Kylie," bati ni Sheena na sinasalubong ako.
"Wala ka bang pasok?" tanong ko.
"Meron. Pero sinadya kong abangan ka dahil gusto kitang makausap," sagot nito.
"Wala tayong dapat na pag-usapan pa."
"Meron. Magkaibigan naman tayo, Kylie."
"Pasensiya na Sheena pero mula nang maging kayo ni Preenz, tapos na ang pagkakaibigan natin," sagot ko.
"Oh, really? Hindi tayo magkaibigan noon pa at never na naging kaibigan kita," pagtatapat niya.
"I know. Sayang nga ang panahong iginugol ko na kasama kayo nina Tashi at Lily," sagot ko.
"Matapang ka na ngayon, ah. Sino ang sinasandalan mo, si Preenz?"
Humarang pa talaga ito sa daan ko.
"Umalis ka na at dadaan ako!" naiinis na sabi ko.
"At kung ayaw ko?" pagmamaldita niya.
"Haist! Huwag mo na ngang istorbohin si Kylie," saway ni Rylan na palapit sa amin.
"At sino ka para sawayin ako?" Nakapamewang na tanong nitong bruha.
"Huwag mong ipakita ang tapang mo sa akin, Sheena! Baka kalimutan kong babae ka!" saway ni Rylan. "Umalis ka na bago pa ako mapikon."
"Fine! Kampihan ninyo ang babaeng 'yan!" Pagsuko ni Sheena saka tinalikuran kami.
"Okay ka lang?" tanong ni Rylan.
"Kailan ka pa naging concern sa akin?" pagtataray ko pero ngumisi lang siya.
"Bakit? Masama ba kung maging concern ako sa kapatid ng kaibigan ko?"
"Stop pretending, Rylan! Alam kong sarili mo lang ang iniisip mo!" sabi ko.
"Stop playing the role of a victim, Kylie. We both know the truth," makahulugang sabi ni Rylan kaya natigilan ako.
"Huwag kang matakot sa akin, isipin kong wala akong alam," sabi nito.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," wika ko.
"Hindi ko naman sinasabing tama ako." Depensa niya. Napabuntonghininga ako.
"Maiwan na kita, pupuntahan ko pa si Preenz sa tambayan ninyo," paalam ko.
Hindi na siya nagsalita pa kaya nagpapasalamat ako. Hanggang ngayon, napapaisip ako kung bakit ginagawa ito ni Rylan sa akin. At kung bakit niya ako pinapahirapan? Wala naman akong kasalanan sa nangyari pero bakit ganoon na lang siya kung makipag-usap sa akin?
Pagpasok ko sa tambayan, nakaupo sa sahig si Preenz at mukhang may malalim na iniisip.
Napatingin siya sa akin pero hindi siya nagsasalita.
"H-Hon? May problema ba?" tanong ko.
Umiling siya saka tumayo.
"Ano ang dala mo?" malamig na tanong niya saka lumapit sa akin at kinuha ang bitbit ko.
"Banana turon," sagot ko kaya ngumiti siya.
"Sigurado akong masarap," wika niya saka tumungo sa kusina. Sinundan ko siya. Naupo siya sa mesa at binuksan ang box saka kumain.
"Gusto mo ng juice?" tanong ko at lumapit sa ref.
"Can I have a can of softdrink?" tanong niya.
Kinuha ko ang Sprite saka ibinigay sa kaniya.
"Kain ka," yaya niya.
"Kumain na ako sa bahay," sagot ko at naupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya, tumigil siya.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya at pinahidan ng panyo ang mukha niya.
"Maliban sa nunal mo sa ilong, wala na," biro ko kaya natigilan siya at lumungkot ang mukha. "M-May nasabi ba akong masama? Na-offend ba kita, Honey?" nag-aalalang tanong ko.
Napakamot siya sa ulo at umiling. "W-Wala. Ubusin ko 'to, ha," sagot niya kaya tumango ako.
"Sige lang. Dinamihan ko talaga 'yan dahil alam kong paborito mo 'yan," sagot ko at magiliw siyang pinagmamasdan habang kumakain.
Ngumiti siya at kumindat sa akin kaya natawa ako. Kahit buong maghapon ko pa siya titigan, hindi ako magsasawa.
"Are you sure na busog ka?" tanong nito at inalok sa akin ang isang turon pero tinanggihan ko.
"Yes, sure ako," sagot ko.
"Uy, may turon!" masiglang sabi ni Kuya nang pumasok sila ni Rylan. "Pahingi ako."
"Kay Preenz lang 'yan!" nakasimangot na sabi ko at sinamaan siya ng tingin pero hindi ito nagpatinag at kumuha pa talaga ng dalawa saka ibinigay kay Rylan ang isa.
"Nakakainis kayo!" reklamo ko.
Naupo sila sa harapan ko. Ang popogi nilang tatlo. Siyempre si Preenz ang pinakapogi pero sikreto ko lang 'yon. Baka magtampo ang dalawa.
"Pang wife material ka na talaga, sis," proud na sabi ni Kuya. "Kuhang-kuha mo ang luto ni Mommy."
"Baka iyon lang ang ginagawa niya noong akala natin ay patay siya?" makahulugang sabi ni Rylan kaya napasulyap ako kay Preenz. Wala lang ito sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagkain ng natirang turon.
"Puwede bang huwag na nating pag-usapan ang nangyari sa kapatid ko? Hindi ka nakakatulong sa pamilya namin!" saway ni Kuya at sinapak si Rylan.
"Tama ka, nagluluto nga ako noong wala ako sa bahay," pagsang-ayon ko kay Rylan at tumingin kay Preenz. "Para pagbalik ko, handa ko nang pagsilbihan ang boyfriend ko."
Ngumiti si Preenz pero hindi ito nagsalita.
Pagkatapos nilang mang-istorbo sa amin, umalis naman ang dalawa kaya kami na lang ni Preenz ang naiwan. Naupo kami sa sala at nanonood ng TV. Pinakiramdaman ko siya dahil ang tahimik niya.
"Preenz? This summer, saan tayo magbabakasyon? Gusto ko sa abroad. Iyong malayo sa mga tao sa atin," tanong ko. Gusto kong magpakalayo at masolo siya.
"Pag-isipan ko," tipid na sagot nito. Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga nito.
"M-May problema ba?"
"W-Wala," sagot nito at napatingin na naman sa cellphone.
"May hinihintay kang tawag?"
"M-Mommy ko. Sabi niya, tatawag daw siya sa akin," sagot niya. He's lying pero hindi ako nag-usisa pa. Ayoko. Alam kong kapag mangulit ako, masasaktan lang ako. Mas mabuti nang wala akong alam para hindi ako masaktan.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Baka mag-alala ang parents mo," tanong niya.
"Bakit? Gusto mo na ba akong umuwi?" pabirong tanong ko kahit na alam kong iyon naman talaga ang totoo.
"Hindi ah. Nagtatanong lang," sagot niya.
Tumayo ako.
"May naalala ako. Gagawa pa raw kami ni Mommy ng lasagna. Dadalhan kita bukas," masiglang sabi ko.
"Ihatid na kita sa labas," alok niya kaya sabay kaming lumabas sa tambayan.
Malapit na kami sa gate nang makasalubong namin si Epok.
"Epok!" malakas na tawag ni Preenz kaya napatingin si Epok sa amin.
"Hello," nakangiting bati nito sa amin.
"Thank God at nakita kita. Okay lang ba ang nilipatan mo? Kumain ka na ba?" usisa ni Preenz at hinawakan ang kamay ni Epok.
"K-Kumain naman ako," naiilang na sagot ni Epok at pasimpleng hinila ang kamay nang magkasalubong ang mga mata namin.
"H-Hindi mo sinasagot ang tawag ko," mahinang sabi ni Preenz. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito kaya napakagat ako sa ibabang labi.
"Busy lang sa pag-arrange ng mga gamit. Mabuti at napasyal ka, Kylie."
Pilit na ngumiti ako kay Epok. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang nanliliit ako sa sarili ko? Ayaw ko mang tanggapin pero sumisibol ang pait sa puso ko.
"Mauna na ako, may pasok pa ako," paalam ni Epok at nilagpasan kami.
"Lumipat ba siya ng tirahan?" tanong ko nang ipinagpatuloy namin ang paglalakad.
"Oo, kagabi lang," sagot ni Preenz.
"Concern ka ba sa kaniya?" Palipad hangin na tanong ko.
"Mahilig kasi siya sa gulo kaya baka nakikipag-away siya sa kapitbahay niya," sagot nito at napatingin sa akin.
"Mahirap pala siyang pakisamahan?" tanong ko kaya natawa siya.
"Sinabi mo pa."
"Eh, paano naging kayo kung ganoon ang ugali niya?" tanong ko. Ayaw ni Preenz ng ganoong babae. Hindi siya sanay sa babaeng madaldal, bungangera at eskandalosa.
"Hindi ko rin alam," sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pa. Habang tumatagal na topic namin si Epok, mas lalo akong nahihirapan at naiinggit sa mga panahong magkasama sila. Pero maikli lang naman iyon ah.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon