Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 30
Unedited...
[Preenz POV]
Nasa Cebu kami ngayon kasama ang mga kaklase ko para sa educational tour namin. 3 days lang naman. Friday-Sunday at sa Lunes, uuwi na kami.
"Here. Drink this," sabi ko kay Epok at ibinigay ang milkshake. Nasa labas na kami ng Jumalon Butterfly garden. Ang problema ay wala kaming dalang pagkain.
"Salamat. Kanina pa ako nauuhaw," sabi nito. Sino ba ang hindi makahalata? Eh, habang naglalakad kami, panay ang tigil niya sa kainan at humihingi ng pagkain pero bawal naman bumili dahil maiiwan kami.
"Ubusin mo na 'yan. Kumusta na ang paa mo?" tanong ko. Napagod na raw siyang maglakad kaya naupo na rito at ako na ang bumili.
"Baby P? Gutom na po ako," parang batang request niya. Alas onse na at mamaya pa ang lunch time namin. Balak nilang dumaan sa SM para don na kami kakain.
"Kaunting tiis na lang. Dapat kasi nagpaiwan ka sa bahay," sabi ko.
"Tapos nganga ako bukas?" galit na tanong niya kaya napakamot na lang ako sa ulo.
Febuary 14 na kasi bukas at hindi ko naman siya puwedeng iwang mag-isa sa bahay. Gusto kong i-celebrate ang Valentines day kasama siya kaya pinasunod ko siya rito kanina after ng klase niya.
"Dude!" tawag ni Rylan na papalapit sa amin.
"Here. Waffle Time lang kasi ang nandito," sabi nito at inibinigay ang dalawang tuna waffle kay Epok.
"Salamat. Nagugutom na nga ako," sabi ni Epok at inunat ang mga paa saka binuksan ang isa at kumain. Napasulyap siya sa akin na tila nag-iisip.
"What?" tanong ko.
Inabot niya ang isang waffle. "Here. Hati na tayo kasi alam kong nagugutom ka na."
"Huwag na, ubusin mo 'yan," tanggi ko kaya mas lalong naningkit ang mga mata niya na para bang kakainin niya ako. Naging dragon na naman siya.
"Kakainin mo o hindi?"
"Kainin na," sagot ko at kinuha ang waffle.
"Psh!" ani Rylan at nginisihan ako.
"Ano na naman 'yang ngisi na 'yan?" tanong ko at binigyan ng 'warning look'.
"Wala ah. Kumain ka na nga ng waffle mo, Mister Nice Guy," sabi nito at napa-smirk.
"Fuck you!" pagmumura ko pero tinawanan lang niya ako.
"Bunganga mo, Baby P. Bad 'yan," saway ni Epok kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaniya.
"Alam mo bang ayaw ng ama ko ng badwords? Ayaw ng family ko ng taong palamura," inosenteng dagdad niya kaya napabuntonghininga ako.
"Ayan, sabi ni Girlfriend, bad daw ang magmura," sabat ni Rylan.
"Isa ka pa eh!" naiinis na sabi ko at kinain na ang tuna waffle.
Talaga lang, ha. Alam kaya ng pamilya nito na mas malinis pa ang bunganga ng aso kaysa kay Epok?
"Patabi ako, Epok," sabi ni Rylan saka tumabi kay Epok na magiliw na kumakain ng waffle.
"Salamat dahil nakahanap ka ng pagkain," pasalamat ni Epok at matamis na ngumiti kay Rylan.
"Walang anuman, E," sagot ni Rylan.
"Uy, saan kayo nakahanap ng pagkain?" tanong ni Brent na papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomantikSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...