44

1.7K 74 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 44

Unedited....

[Epok POV]

Kanina ko pa hinahanap si Rylan pero hindi ko siya makita. Nagising ako kanina na nasa loob ng isang kuwarto at nang makita ko ang picture frame niya, doon na kumulo ang dugo ko.

Pati cellphone ko, kinuha pa niya. I want to kill him but where the fucking is he?

"Peste!" pagmumura ko. Sinuyod ko na ang buong SJU pero ne anino ng tarantado, wala.

I tried to call my twin brother pero unattended si Kale.

"Saan ka na namang bundok nanggaling?" sabi ko habang nagta-type. Malilintikan talaga 'to si Kale sa akin kapag lumuwas siya rito o kapag uuwi na ako. Ang sabi ko, tulungan niya ako pero hindi na siya bumalik pa.

"Ba't absent ka kanina? Saan ka galing?" tanong ni Krista nang makasalubong ako.

"Hindi ba puwedeng kumustahin mo muna ako? Like, ba't ka absent? Anong nangyari sa 'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?"
pagtataray ko kaya natigilan siya. "Pero joke lang," pagbawi ko. Iiyak na siya e.

"Mabuti pa si Preenz," bulong ko. Halos mahimatay na ito kanina nang makita ako pero ayaw kong sumaya dahil nandoon si Kylie. Isa pa, break na kami. Bawal nang kiligin sa ex. Pero secret na lang 'yon kung kinilig man ako. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng kapwa babae. Isa pa, mabuting tao si Kylie.

Maliban na lang sa kung nagkukunwari ang bruha.

"Wala tayong pasok ngayon," sabi ni Krista.

"Ngayon pa na nandito ka na."

"E di mabuti," sabi ko. Hindi pa handa ang utak kong sumabak sa pag-aaral. Masyado pang magulo.

"Pupunta lang ako sa library, maglilinis ako para maaga akong uuwi," paalam niya.

Tumango ako.

Masipag si Krista kaya gusto kong bigyan siya ng gantimpala balang araw. Bibigyan ko siya ng cellphone, laptop at house and lot sa Camella. Mabait akong kaibigan kaya bigyan ko rin ng negosyo ang parents niya sa probinsya. Pero hindi pa ngayon.

Pumunta ako sa tree park para hanapin si Rylan. Baka nandoon lang iyon.

"Kung member siya ng alpha sigma rho, ibig sabihin, planado ang lahat at si Preenz at Brent lang talaga ang punterya nilang patayin," bulong ko habang naglalakad. Nadaanan ko sina Lily at Sheena na naglalaro ng volleyball pero hindi nila ako napansin.

"Mabuti nga at nagkalabuan na sina Preenz at Kylie. Nakita mo ang hitsura ni Kylie kanina?

Kawawa namab siya," natatawang sabi ni Lily kay Sheena habang nagse-serve ng bola.

"Yeah! Buti nga sa kaniya," pagsang-ayon ni Sheena.

"Thank you Papa God at hindi ko sila kaibigan," pasalamat ko at binilisan ang paglalakad. Ang saya pa nilang mga hayop sila. I feel pity kay Kylie. Masyado siyang mabait para magkaroon ng ganitong friends.

Pagpasok ko sa tree park, marami-rami na rin ang estudyante na nakatambay rito.

Dumiretso ako sa tree house. Bahala na ang mga nakatingin sa akin. Wala kasing ibang lumalapit dito maliban kina Preenz at barkada niya.

Sarado ang pinto kaya pasimple kong binuksan ang seradura gamit ang hairpin ko.

Nagulat ako nang pagpasok ko, sumalubong sa akin ang gulat din na mga mata ni Preenz na nakaupo sa sofa.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon