9

1.7K 72 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...

[Epok POV]

Nakakatuwang asarin ang bruhang Sheena. Putlang-putla naman si Preenz kaya tuwang-tuwa naman ako.

"Masaya ka yata?" puna ni Krista. Nandito na kami sa canteen at kumakain siya ng merienda.

"Konti lang," parang batang sabi ko at inayos ang nakalugay kong buhok. I love my long and curly hair. It is my crown. Sabi ng aking reynang ina, prinsesa raw ako ng buhay nila ng aking haring ama. Payag naman ang dalawa kong kapatid kasi mga lalaki sila. Wala. Doon na 'yon sa probinsya manirahan ang dalawa dahil mukhang doon na rin makapag-asawa ang isa pa.

"Bakit hindi ka kumain?" tanong nito.

"Busog ako kasi paggising ko, may Mcdo na sa mesa," sagot ko.

"Totoo bang nilibre ka ni Preenz ng breakfast?" Hindi naniniwalang tanong nito kaya tinapik ko siya sa braso.

"Mukha ba akong nagbibiro?

Nakikipagkaibigan si Preenz sa akin," pag-amin ko kaya namilog ang mga mata nitong bruha kong kaibigan.

"Totoo? Bakit?"

"Malay ko," inosentang sagot ko. "Baka may masamang binabalak. Kilala mo naman 'yon."
"Baka gusto ka niya? The more you hate, the more you love sabi nila," tukso ni Krista saka sinundot pa ako sa tagiliran.

"Heh! Tigilan mo 'yan. Ay!" Tili ko. Sa sinusumpong ako ng pagkakiliti ko e.

"Ayiee. Magkaka-lovelife na si Epok," tukso pa nito pero hinampas ko na sa balikat.

"Ang kulit mo at masyado kang advance," sabi ko. "Huwag kang ano kasi may masamang binabalak ang mokong na 'yon."

Sumeryoso ito. "Feeling ko nga. Hindi naman ganoon si Preenz na basta na lang sumusuko. Malay mo, baka paibigin ka lang niya tapos iiwan para lumayas sa bahay nila."

Napatingin ako kay Krista. "Alam mo? May utak ka rin, ano? Iyan din ang naisip ko kagabi pa," pagsang-ayon ko. Mahirap lang ako pero hindi ako bobo.

Lumapad ang ngiti nito. "Ingat ka, Epok. Matinik si Preenz sa babae."

"Bato 'to kaya hindi ako matatablan," sagot ko. Eh, ano kung matinik? Putulin ko 'yong pitotoy niya e. Isa pa, kailangan ko pang makapagtapos ng pag-aaral ko para may mapatunayan sa pamilya ko.

Ayun, maghapon kaming nakatunganga sa boring na klase. Ewan ko ba pero ang tamlay ko sa araw na ito at gusto kong kumain ng maasim. Baka magkakaroon na ako ng buwanang daloy ko.

"Hi," nakangiting bati ni Brent nang makasalubong namin ni Krista.

"Hello," tipid na sagot ni Krista.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Brent na kay Krista nakatingin.

"Krista. Bakit?"

"Ah, wala lang," sagot ni Brent at napakamot sa batok kaya napataas ang kanang kilay ko. Kanina lang, sinambit pa nito ang pangalan ni Krista nang mag-text sa akin kung si Krista pa rin daw ba ang kasama ko. Oo, textmate kami nitong mokong. Sa kaniya rin ako humihingi ng load.

"Si Preenz?" tanong ko.

"Lumabas. Pupuntahan yata ang ducating pinapaayos," sagot nito.

"Ah, mabuti naman. Kailan kaya ulit masira ang ducati niya?" tanong ko kaya ngumiti si Brent.

"Baliw ka talaga. Huwag mo ngang awayin si Preenz. Alam mo namang gusto na niyang magbago," sabi nito.

"Bago? As if seryoso siya."

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon