56

2K 75 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 56

[Preenz POV]

Kakalipad lang ng chopper na sinaskyan ni Lola Ann at masaya ako dahil hindi ko na kailangan pang maghanap ng alibi para hindi makakain ng luto niya. Pero nakakalungkot dahil ang bait niya. Kung hindi lang sana dahil sa luto niya, gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Ang bait kasi niya tapos ang ganda pa.

"Ikaw? Kailan ka uuwi?" tanong ni Epok.

"Depende sa 'yo kung kailan ka sasama," sagot ko.

"Hindi ako sasama!" pagsisinuplada niya saka inirapan ako at bumalik sa bahay.

"Hindi ka ba talaga sasama? Bati na kasi tayo," sabi ko habang sinusundan siya.

"Ayaw ko. Break na tayo kaya wala ka nang karapatang manatili rito."

"Baby E naman, ayusin natin 'to," sabi ko at sinundan siya papasok sa loob ng bahay.

Hindi na ako umimik nang makasalubong namin si Kale.

"Usap tayo," sabi ni Kale na sa akin nakatingin.

"Ano ang pag-uusapan ninyo?" tanong ni Epok.

"Kami lang ni Preenz mag-uusap," sabi ni Kale.

"Makikinig ako!" giit ni Epok at naupo sa mahabang sofa rito sa sala.

"Bahala ka," tinatamad na sabi ni Kale. "Maupo ka, Preenz. May pag-uusapan tayo."

"Dito ka sa tabi ko," parang donyang sabi ni Epok kaya naupo ako sa tabi niya.

"Ano ang pag-uusapan natin,Kale?" tanong ko.

"Si Brent," sabi nito kaya naikuyom ko ang kamao ko.

"Ano ang tungkol sa traidor na 'yon?" galit na tanong ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya mapapatawad. Pinagkatiwalaan ko siya.
"Patay na siya," sagot ni Kale kaya napatingin ako sa kaniya.

"P-Patay na?" Nagulat ako pero may kung anong tuwa sa puso ko. Gusto kong mawala na siya sa mundo pero kaibigan ko pa rin siya. Itinuring ko siyang tunay na kaibigan at kay hirap pa rin tanggapin ang lahat.

"He killed himself," sabi ni Kale kaya natigilan ako.l

"What?"

"Nagpakamatay siya," ulit nito kaya nanayo ang balahibo.

"Nagbibiro ka ba, Kale?"

"Nagpakamatay siya sa kulungan dahil sa sobrang hiya lalo na sa ginawa niya sa kapatid niya. Sinisisi niya ang sarili dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana nailagay sa bingit ng kamatayan si Kylie," sabi ni Kale at napatingin kay Epok saka napabuntonghininga. "At hindi mo sana nakilala si Epok na naging dahilan para iwan mo ang kapatid niya."

Hindi ako makapagsalita. Tama ang sinabi ni Kale. Kung hindi nagloko si Brent, kami ni Kylie at masaya pa rin sana kami. Pero nangyari na ang nangyari at si Epok na talaga ang mahal ko.

"H-Hindi na natin maibalik pa ang nakaraan," sabi ko na lang but deep inside, naghihirap ang kalooban. Naisip ko si Kylie. May sugat pa siya nang iwan ko dahil sa pagligtas sa akin at ngayon naman, namatayan siya ng nag-iisang kapatid. Sila na lang ni Brent ang magkakampi at alam kong mahal na mahal niya ang kapatid niya pero ngayon, wala na si Brent na handang gawin ang lahat para mapasaya lang siya.

Gusto ko siyang puntahan at yakapin bilang kaibigan pero hindi ko na iyon magagawa dahil alam kong may Epok na mawawala sa buhay ko.

"Totoo," pagsang-ayon ni Kale. "Kasalanan naman ni Brent ang lahat. Siya ang pasimuno ng kaguluhan kaya wala silang dapat na sisihin. I just want you to know kasi matalik mo siyang kaibigan. Alam kong may pinagsamahan din kayo."

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon