4

2.3K 86 0
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

[Epok Pov]

"Dude? Hindi sila nanakit kapag may babae silang kasama," sabi ni Brent.
"Ba't ba kasi naka-engkwentro natin sila?" naiinis na tanong ni Rylan.
"Hindi ko alam na may frat sila," sagot ni Preenz at naningkit ang mga mata nang makita ako.
"Bakit ikaw ang nagdala niyan dito?" tanong niya na halos lalabas na ang kaluluwa sa katawan pero dedma lang ako at inilapag ang tray sa ibabaw ng center table.
"Busy sina Manang," tipid na sagot ko. "Enjoy your merienda, guys."
"Hello, Epok. Okay na ba ang katawan mo?" tanong ni Brent.
"Okay lang," sagot ko at matamis na nginitian ito. Mabait siya sa akin, hindi kagaya nitong kaibigan niyang demonyo.
"Umalis ka na nga!" pagtataboy ni Preenz.
"Easy, dude. Ang harsh mo naman yata kay Epok," saway ni Brent at kinuha ang isang baso na may fresg orange juice.
"Kaya nga e. Baka nagseselos lang 'yan kasi kinakausap mo si Epok," biro ni Rylan na tumawa nang sapakin ni Preenz.
"Mga buwesit kayo!" ani Preenz.
"Bye, guys. Sa kusina muna ako. Patawag lang kayo kapag may kailangan kayo," sabi ko at tinalikuran na sila.
Malayo na ako pero naririnig ko pa rin ang usapan nila. Malakas ang pandinig ko, noh. Ang kay Preenz lang ang hindi ko naririnig dahil alam nitong nakikinig ako. Pero na-gets ko naman ang lahat. Siyempre napagtagpi-tagpi ko ayon sa sinasabi ng dalawa niyang kaibigan. May nakalaban silang grupo at miyembro ng fraternity.
"Manang? Kain lang po ako, ha," paalam ko. Walang problema sa pagkain dahil nakakain ko ang lahat ng gusto ko. Gadgets? Wala akong pakialam. Hindi ako mahilig sa mga ganiyang bagay.
"Sige. Kami na ang bahala rito," sabi ni Manang Darling kaya umakyat na ako sa kuwarto dala ang boyfriend kong pagkain.
Lovelife? Food is love; Food is life.
Kain lang ako nang kain ng carbonara tapos nang mabusog ako, natulog muna ako. Pagod ako sa kakatunganga mula pa kanina.
Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko. "Haist! Ba't ngayon ka lang tumawag?" tanong ko bago sagutin ang kuya ko. Nakakatampo lang. Actually, may asawa na siya kaya alam kong hindi na ako ang priority niya.
Matapos makipag-usap sa kaniya at kumustahin ang dyosa kong ina at pogi kong ama, bumaba na ako bitbit ang maliit na suklay. Iyong kasya lang sa bulsa ko.
Gusto kong magpahangin sa hardin at lumanghap ng sariwang hangin. Iba talaga ang probinsya kaysa sa ciudad. Noong una, nahihirapan akong mag-adjust at ang katawan ko pero ngayon, nasanay na ako sa polusyon at mga toxic na tao.
"Kyaah! Babe!"
Papalabas pa lang ako, naririnig ko na ang tili ni Sheena. Narinig ko rin ang pagtampisaw nila sa tubig.
"Epok? Wanna join us?" tanong ni Rylan at kumaway sa akin nang mapapadaan ako sa kanila.
"Yuck! Madumihan ang pool," nandiriring sabat ni Lily.
"Naligo na ako. Ayaw kong madumihan ang katawan ko," sagot ko at tinalikuran na sila. Siyempre tinakpan ko na ang tainga ko ng earphone. Kapal ng mukha ni Lily. Akala mo, banal eh, may tinatago rin namang sungay.
Paano kaya kapag malaman ni Sheena ang ginawa nila ni Preenz? Yuck. Boyfriend ng bestfriend, pinatos niya? Ganoon ba ang tropa? Hindi lang sa tagayan nagshi-share kundi pati sa jowa pa? Akala ko, sa probinsya na namin ang nakakamatay na ahas pero nandito pala ang pinakamakamandag sa kanila.
Naupo ako sa mahabang bench habang nakikinig ng music. Ang sarap sa pakiramdam dahil ang bango ng hangin dahil sa halimuyak ng namumukadkad na bulaklak.
Matapos ang isang oras ng pagmuni-muni, bumalik na ako sa loob ng bahay. Nasa sala na rin ang mga ito at nagme-merienda.
"Bakit ba hanggang ngayon, nandito pa rin ang babaeng 'yan?" tanong ni Sheena kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Selos ka?" pang-aasar ko kaya napanganga siya.
"What? Ako magseselos sa isang katulad mo? Feeler ka masyado!" maarteng sabi niya.
"Di naman. Nagtatanong lang naman. Araw-araw kasi magkasama kami ni Preenz dito," sagot ko na parang wala lang sa akin kaya umusok na ang ilong niya.
"Umalis ka na nga!" pagtataboy ni Preenz. Aba, nagmamatapang-tapangan ang mokong. As if na kaya niya ako.
"P-Pasensiya na po, mahal na prinsipe," paumanhin ko na kunyari ay natatakot sa kaniya kaya napahilamos siya sa mukha. Kilala na niya ako kaya alam niyang may kalokohan na naman akong gagawin pero wala naman. Trip ko lang na asarin siya.
"Sige. Makalabas na nga lang tapos maghahanap ako ng ahas sa hardin. Baka sakaling may makita akong nagtutukaan. Ang hirap kayang dumami ang lahi ng mga bes ko," paalam ko at bumalik na naman sa labas. Maglalakad-lakad na lang ako at pupunta sa kabilang subdivision para maghanap ng jowa.
So ayun, sa clubhouse ang diretso ko at sa tuwing may makita akong lalaki, hinuhulaan ko ang size ng pitotoy nila. Kahit si Lolo na uugod-ugod, hindi ko na pinalampas kaya natawa ako. Napatingin tuloy ang batang babae na katabi ko. Baka iniiisip nito na nababaliw na ako.
Ako lang yata ang virgin na madumi ang utak? Virgin pero manyak? Damn!
Nang magtatakip-silim na, bumalik na ako sa mansion ng mga Alcarde.
"Umalis na pala sila," sabi ko kay Preenz na nakaupo sa sala at nanonood ng TV.
"Puwede ba tayong mag-usap, Epok?" seryosong tanong niya saka pinatay ang TV.
"We're talking," sagot ko.
"Kapag nandito sina Sheena o kahit sinong barkada ko, puwede bang huwag kang bumaba o huwag kang magpakita sa kanila?" pakiusap nito.
"Sure," sagot ko kaya pansin kong nakahinga siya nang maluwag. "Pero bilhan mo ako ng invisible clothes para hindi nila ako makita."
Napanganga siya saka naikuyom na naman ang kamao.
"Hindi mo ba ako titigilan, Epok?"
Umiling ako. "Hindi mo ako naiintindihan, Preenz. Katulong ako sa bahay na ito pero hindi nakasaad sa kontrata ng isang katulong na pagbawalan ninyo ako sa karapatan kong gamitin ang mga paa ko sa paglalakad."
Speaking of paa, napatingin ako sa binti niya since nakakonek naman ito sa paa niya.
"Basa na naman ang sugat mo."
One month ang parents niya sa abroad kaya malaya itong magkapagsuot ng shorts sa loob ng bahay. Wala namang imik ang mga katulong dahil malilintikan ang mga ito kay Preenz kapag magsumbong.
"Tuyo na siya," depensa niya.
"Madumi ang pool dahil may bacteria at germs nina Sheena at Lily. Huwag mong bigyan ng infection ang sugat na pinapahilom ko!" naiinis na sabi ko.
"Katawan ko 'to kaya gawin ko ang lahat ng gusto ko!" depensa nito kaya napataas ang kilay ko.
"Utak ko 'to, bunganga ko 'to at katawan ko 'to kaya tingnan natin kung ano ang magagawa ng katawan mo kapag magsumbong ako!" sagot ko kaya namutla siya. "Sige pa. Inisin mo pa ako at tapos na ang racing mo pag-uwi ng parents mo!"
"E di magsumbong ka!" sigaw nito kaya napangisi ako at mabilis na umakyat sa kuwarto para ipaalam na talagang magsusumbong ako.
"Epokrita!" malakas na sigaw niya kaya tumakbo ako papasok sa kuwarto ko dahil alam kong hinahabol niya ako. "Damn! Huwag mo ngang gawin 'yan!"
Isasara ko na sana ang pinto nang malakas na tinulak niya ito at hinawakan ako sa kanang braso.
"Bitiwan mo nga ako! Tatawagan ko sina Tita Janine at Tito James!" sabi ko at tinutulak siya.
"Tumigil ka na sabi eh!" galit na sabi niya at malakas na tinulak ako pahiga sa kama. Ang lakas niya kaya tumilapon ako sa gitna.
Tatayo pa sana ako pero mabilis na dumagan siya sa akin kaya hinayaan ko na at hinintay ang kadramahan niya.
"Oras na magsumbong ka, papatayin na talaga kita!" Pagbabanta niya na nanlilisik ang mga mata. Hindi ako umurong. Sinalubong ko ang mga mata niya para ipaalam na hindi ako natatakot sa pagbabanta niya.
Paunti-unting nawala ang apoy ng galit sa mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko kaya nagtataka ako. Bakit ganito siya? Ilang segundo pa ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko? Titig na titig na para bang pinag-aralan ang hugis at kulay nito?
Napalunok ako ng laway lalo na't sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Bigla rin akong kinabahan nang ibinaba niya ang mukha palapit sa akin kaya naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Mataray ako pero honest naman. Mabango at mainit talaga ang hininga niyang dumadampi sa balat ng ilong ko.
"G-Gagawin mo?" natarantang tanong ko kaya ngumisi siya.
"Hey!" sigaw ko at malakas na tinulak siya sabay tayo. "Manyak ka ba? Ba't mo 'ko hahalikan?"
"Ba't naman kita hahalikan?" tanong nito saka tumayo at hinarap ako. "Assumera na lang sana ang pangalan mo at hindi Epokrita!"
"Pati pangalan ko, pinapakialaman mo?" singhal ko para pagtakpan ang pagkapahiya. Hindi ba niya ako hahalikan? Pero iyon talaga ang gagawin niya e.
"Psh! Huwag mo na akong isumbong dahil kapag makarating kina Daddy, hahalikan na talaga kita," pagbabanta niya.
"Tinatakot mo ba ako, Preenz?"
"Hindi iyan pananakot," sagot niya tapos napa-smirk. "Bawas-bawasan mo ang pangba-blackmail sa akin dahil kapag hindi ako makapagtimpi--"
"Ano?"
Malapad ang ngiting iginawad niya sa akin bago magsalita, "Hahalikan ko ang isang epokritang babae sa balat ng lupa."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Kaya if I were you, behave, Epok," sabi nito saka tinalikuran ako.
"Kapal moooooooo!" Ubod ng lakas na sigaw ko at dinampot ang unan sa kama saka itinapon sa nakasarang pintuan. Sinasabi ko na nga ba, hahalikan talaga niya ako kanina e. Napahawak ako sa virgin kong mga labi. No way! I must defend my lips! My dignity! My virginity!

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon