Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
[Epok POV]
"Hoy," tawag na naman nitong katabi ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng Biology. I love biology kasi bio means life tapos logo means study. So study of life. Funny. Trip ko talagang magbaliw-baliwan ngayon lalo na sa katabi ko. But seriously, bet ko talaga ang human biology. I really don't know why.
Nagising na lang ako na gusto ko na siya. Parang relasyon lang. Nagising ka na lang na mahal mo na pala siya tapos nang hapon, kayo na. Nang gabi, may kasama na siyang iba sa kama at kinabukasan paggising mo ulit, break na kayo.
"Epok kausapin mo naman ako," pangungulit niya saka sinundot ako sa tagiliran pero dedma lang. Medyo nahihirapan pa akong kabisaduhin ang 206 human bones kaya kinuha ko ang makapal na aklat ng Physiology and Anatomy. Pero kakayanin ko 'to dahil alam kong mas makapal pa ang mukha nitong katabi ko.
"Magdo-doctor na lang kaya ako?" tanong ko sa sarili. Nai-imagine kong hinihiwa ko ang tiyan ni Preenz tapos isinara ko ulit kasi ang itlog talaga niya ang ooperahan ko kasi may cancer daw siya sa testes. Pero joke lang pala kaya tinahi ko ulit at ang foreskin sa penis ang tatanggalin ko dahil ang totoo, ici-circum ko lang siya. Tumawa ako.
"Epok!" malakas na sigaw ni Preenz kaya bumalik ako sa realidad.
"Nakakabingi ka!" naiinis na sabi ko at itiniklop ang libro. "Huwag mo 'kong kausapin dahil nag-aaral ako!"
"Kausapin mo naman ako. Bati na kasi tayo," pangungulit niya.
"Hindi kita bati dahil maluib ka!" singhal ko kaya napakunot ang noo nito.
"Anong maluib?" inosenteng tanong niya.
"Traidor, manloloko, taksil!" sabi ko. Maluib is bisaya or ilonggo term for taksil. May nagturo lang sa akin.
"Nakuha ko na ang ID ni Sheena," giit na naman nito.
"The fuck about her fucking ID? Fuck her!" galit na sabi ko at sinamaan siya ng tingin. "Pakyu kayong dalawa!"
"Epok--baby naman. Bati na kasi tayo at huwag ka nang magalit," pangungulit niya. Tinawag na niya akong baby kaya gusto ko siyang pagtawanan.
"K-Kayo kasi eh, nagjerjer kayo," naiiyak na sabi ko. Ang arte ko at nakakasuka na ang umarte. "A-Alam mo namang nagseselos ako."
Natigilan siya kaya gusto ko na talagang humalakhak. "G-Girlfriend mo ako tapos sa kaniya ka nakipag-jerjer? Ano na lang ang isipin ko? H-Hindi naman yata tama iyon? Sino ang matinong girlfriend na hindi magagalit? Sa totoo lang, Preenz, gusto na talaga kitang ipakulam. Kayo ni Sheena."
Namutla ang mokong nang marinig ang salitang kulam. Ang funny niya. Funny-walain. Palibhasa duwag.
"B-Baby naman, walang ganiyanan. Last na talaga 'yon, promise. Kailangan ko lang siyang linlangin para manakaw ni Brent ang ID pass niya sa racing para masama kita sa Sabado," sabi nito.
Lumabi ako. "B-Basta baby, ayaw ko nang maulit iyon. Selosa ako at oras na lokohin mo pa ako o makipagjerjer ka ulit sa kaniya, hindi na kita kakausapin pa ulit," sabi ko at pinalungkot ang mukha. Gusto kong umiyak pero ayaw makisama ng lacrimal glands ko kaya binabawi ko na lang sa facial expressions. Oh, special thanks to my facial muscles: Levator labii superioris and levator angulioris.
"Promise, last na iyon," pangako niya kaya tinapik ko ang right cheek ko gamit ang right index finger.
"H-Ha?" inosenteng tanong niya na hindi ma-gets ang senyas ko.

BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...