37

1.4K 64 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

[Epok POV]

"Wala ka ba talagang balak na tapusin ang misyon mo? O baka naman nawili ka na kay Preenz?" tanong ni Daddy. Lumuwas sila sa Maynila dahil two weeks na lang ay magtatapos na ang klase.

"Baka mahirap talagang hanapin ang salarin," sabat ni Mommy.

Nasa conference room kaming lima: Ako, si Kale, si Kuya Dale at silang dalawa. Nakaupo kaming apat at si Daddy lang ang nakatayo sa amin habang sinesermonan ako.

"Baka pinapatagalan mo dahil gusto mo pang makasama si Preenz? This is just a minor case, Empress!" ani Kuya Dale. Alam ko namang mas mahirap pa ang misyon nito noon kaysa sa akin.

"What? Magtitigan na lang ba tayo, E?" galit na tanong ni Daddy. Kanina pa kasi sila salita nang salita at nakikinig lang ako sa kanila pero pasok sa kaliwa at labas sa kanang tainga.

"Buhay naman pala si Kylie  kaya madali lang na alamin kung sino ang salarin," sabi ni Kuya.

"Nakikinig ka ba sa amin, Empress?" napipikon na tanong ni Daddy.

Tumingala ako sa kaniya pero hindi pa rin nagsasalita.

Lahat sila ay tumahimik at kani-kaniyang tingin sa ibang direksyon maliban kay Daddy.

"So? What's the real problem here?" problemadong tanong ni Daddy.

"Haist! Huwag na nga tayong magkunwari!" sabat ni Kale na kanina pa nananahimik. "Let's all stop pretending na para bang wala tayong alam sa nangyayari kay Empress!"

Hindi pa rin ako kumikibo. Wala ako sa mood.

Silence is better than bullshit 'ika nga.

"Alam mo namang may mahal na siyang iba bago ka pa, 'di ba?" mahinang tanong ni Daddy.

I nodded.

"So, hindi mo siya makukuha. You can never force someone to love you back, Empress.

May rules tayo," sabi bi Daddy.

"Wala naman akong sinabi tungkol sa kaniya. Never naman akong humabol kahit na gusto ko sana. Hindi ako nagmamakaawa para ako ang piliin niya. Hindi ako ganoon kababa dahil alam kong wala akong laban. Yes, I am a fighter. But I know how and when to surrender the battle," sagot ko.

"Love is a battle, love is a war. If  he's a battle worth fighting, fight for it!" sabi ni Mommy kaya napatingin sa kaniya ang tatlong lalaki.

Oo nga pala, si Mommy ang babaeng never na isinuko si Daddy kahit sa harap pa ng pamilya. "Even if you had a hundred reasons to leave, look for that one reason to fight."

Palipat-lipat ang mga mata nila sa amin ni Mommy kaya napabuntonghininga ako.

"I c-can't," mahinang sagot ko kaya umaliwalas ang mukha nina Daddy.

"I love myself more than I love him. I still have my pride and dignity. I will never stoop down to their level because I'm on mine. I will never give them the satisfaction!" matapang na sagot ko. "As the saying goes, Don't ever wrestle with a pig, you'll both get dirty but the pig will enjoy it." Dagdag ko.

Kapag humabol at ipapakita kong nasasaktan ako, mas matutuwa lang ang mga kalaban ko lalo na si Sheena.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Mommy kaya nginitian ko siya.

"Of course, Mom," sagot ko but deep inside, I'm bleeding. Sino ba ang taong masaya na iwan ng mahal nila? Kagaguhang tanong na kailangan ng pekeng sagot. Pero hindi ko sasayangin ang tapang ko para ipaglaban ang taong mahal ko lalo na kung ibang babae naman ang ipinaglalaban nito.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon