41

1.8K 69 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

[Someone POV]

Madaling araw na akong nakatulog dahil sa kakaisip kung sino ang gumawa no'n kagabi. Kaunti na lang at matatamaan na si Preenz sa batok pero may sumalubong sa punyal ko at ibinaon iyon sa pinto.
"Siya kaya?" tanong ko at naikuyom ang kamao. Pero hindi ko siya nakita sa SJU kahapon. Isa pa, gabi na at kami na lang ang estudyanteng natira.
Habang naglalakad, nag-iisip ako. Walang duda at siya nga. Ibig sabihin, binabantayan niya si Preenz kaya dapat double-ingat din ako.
Napasulyap ako sa gate. Nakita ko si Kylie na may bitbit na paperbag. Kagaya ng kaugalian, may pasalubong na naman ito kay Preenz.
Sinalubong ko siya. Natigilan siya nang makita ako pero ilang sandali pa'y ngumiti ito at itinago ang takot. She's improving.
"Can we talk?" tanong ko.
"Okay," napipilitang pagpayag niya. Naupo kami sa bench na malayo sa ibang estudyante. Sinigurado kong kahit na nakikita kami, walang makakarinig sa usapan namin.
"Ano na? Alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin?" inosenteng tanong nito.
"You know what I mean, Kylie. Hindi mo na hawak si Preenz at paunti-unti na siyang inaagaw sa 'yo ng iba," sabi ko kaya natigilan siya.
"M-Mahal ako ni--"
"Stop it!" saway ko. "Alam natin ang totoo na hindi na buo ang pagmamahal ni Preenz sa 'yo!"
Nanlumo siya kaya napabuntonghininga ako.
"Hanggat kaya pa, hanggat pwede pa, gawin mo ang lahat para mabawi si Preenz," sabi ko.
"Mahal ko si Preenz," pabulong na sabi niya.
"Alam ko," ani ko. Kaya nga nagpapakatanga ito kay Preenz.
"Magpapatalo ka na naman ba ulit sa kaniya?" nakangising tanong ko kaya napakunot ang noo niya.
Bumuga ako ng hangin at hinarap siya. "Si Epok ang babaeng palaging nakakatalo sa 'yo sa race," sabi ko kaya nagulat siya.
"P-Paano? Hindi--"
"Siya ang apo ng sorority queen na mahilig makipag-race. Siya ang kinikilabutan ng babaeng racer sa field. Si Empress at Epok ay iisa," pagbibigay alam ko sa kaniya kaya napanganga siya.
"N-No," hindi makapaniwalang sabi niya kaya mapait na ngumiti ako.
"Yes, my dear. Kaya kung ako sa 'yo, habang maaga, kunin mo na ang loob ni Preenz. Hurt her sa bagay na masaktan siyal nang sobra," pagbibigay payo ko.
Umiling siya. "I won't hurt anybody. As long na mahal ako ni Preenz, iyon ang mahalaga."
"Kung iyon ang paniniwala mo, wala na akong magagawa. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, 'yan ang dapat mong gawin," sabi ko saka tumayo. Wala na akong magagawa kung iyon ang desisyon niya pero siya mismo ang kakagat sa payo ko kapag maramdaman niyang lumalayo na si Preenz sa kaniya.

---------------------

[Preenz POV]

"May problema ba, Hon?"tanong ko kay Kylie. Ang tamlay kasi nito at hindi nagsasalita habang kumakain kami. Kanina nang dumating siya rito sa tambayan, parang wala siya sa sarili. Magkaharap kami ngayon dito sa dining table at kinakain ang spaghetti na pasalubong niya.
"Wala. May iniisip lang ako," sagot niya at ngumiti sa akin.
"Ano ang iniisip mo?" curious na tanong ko.
"Preenz? M-Mahal mo ba ako?" tanong niya kaya napatitig ako sa kaniya.
"Bakit mo natanong?"
"K-Kasi, parang nag-iba ka na," malungkot na sagot niya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa.
"Ako pa rin 'to, Kyl. Mahal kita," sagot ko at pinisil ang kamay niya.
Umaliwalas ang mukha niya.
"Bakit ba ganiyan ang tanong mo? May problema ba tayo?" tanong ko.
Umiling siya. "P-Preenz? Puwedeng humingi ng pabor?"
"Ano 'yon?" curious na tanong ko. Ngayon lang kasi ito humingi ng pabor sa akin magmula nang bumalik siya.
"Puwede bang huwag ka nang mag-entertain ng ibang babae?" pakiusap niya kaya natawa ako.
"Iyon lang ba? Wala naman," sagot ko.
"Puwede bang huwag ka nang makipag-usap sa ex mo?" pakiusap niya. "A-Ayaw ko lang na makitang lumalapit at nakikipag-usap pa sa kanila."
"As in bawal talaga?" tanong ko.
Nakalabing tumango siya.
"Kung kaya mo. Pero ikaw pa rin naman ang masusunod. Pero bilang girlfriend mo, iyon lang naman ang concern ko," aniya.
"K-Kahit si Epok?" tanong ko. Kapag usapang ex, si Epok talaga ang unang pumapasok sa utak ko e.
"Mas lalo na siya," seryosong sagot niya.
Ganoon na nga siguro, kailangan ko nang iwasan si Epok dahil mukhang okay naman sila ni Kale. Isa pa, ayaw rin niyang kausapin ko siya. Tama nga si Epok, kapag ex, ex na.
"Okay, hindi na," mahinang pagpayag ko. It's time na siguro para pakawalan ko si Epok kahit na masakit.
"Sure ka?" bulalas niya. Masaya siya.
"Oo naman," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Bigla yatang pumait ang lasa ng spaghetti kaya tumigil na ako sa pagkain.
"Tapos ka na ba? Bakit kaunti lang ang kain mo?" tanong ni Kylie.
"Busog ako. Kumain ako ng breakfast sa bahay," pagsisinungaling ko. Nagmamadali ako kanina kaya hindi ako nakakain. Pero nawala yata ang appetite ko sa pakiusap ni Kylie. Ex ko si Epok at aminado akong kung ako sa kalagayan ni Kylie, iyon din ang hihilingin ko. Pero hindi ko lang maintindihan ang sarili ko.
"Sige, punta na lang tayo sa sala," yaya ni Kylie kaya tinawag ko si Manang at pinaligpit ang pinagkainan namin.
Magkatabing nanood kami ng TV.
"Wala ka pa bang pasok?" tanong ni Kylie at inihiga ang ulo sa balikat ko.
"May kalahating oras pa ako," sagot ko at sinuklay ang maiksing buhok niya gamit ang mga daliri ko. Malambot ang buhok niya pero malambot din naman kay Epik at mas mahaha. Kahit na kulot lang iyon, hindi mo akalaing sobrang lambot. Ganoon na nga siguro kapag mga halamang bukid ang gamit. Napangiti ako. Kaya pala palaging nakalugay ang buhok niya dahil tinatago nito ang patulis na tainga.
"I can see the love in your eyes," masayang sabi ni Kylie habang nakatingala sa akin.
"Really?" tanong ko at hinaplos ang pisngi niya. Ito kasi ang madalas kong gawin kay Epok kapag naglalambing ito sa akin at gusto niyang magpahalik kapag kaming dalawa lang sa sala. Kabisado ko na ang babaeng 'yon kahit na madalas magpasaway sa akin.
"Yes," masayang sagot niya. "I love you, Preenz." Ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko
"I love you too--Epok..."
Nagulat ako nang itinulak niya ako.
"What did you say?" galit na tanong niya at napatingin sa pinto. Nakatayo si Epok at nakatingin sa amin. Nakangiti ito na para bang walang pakialam sa nadatnan.
"Hinahanap ko si Rylan," sabi ni Epok. "Sorry sa istorbo."
Lumabas na ito kaya napakamot ako sa batok.
"You saw her?" tanong ni Kylie. "Kanina pa ba siya?"
Napilitang tumango ako kahit na hindi ko naman talaga napansin na pumasok si Epok.
"I thought-- wala," sabi niya at nginitian ako.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon