Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
Unedited....
"Magpasalamat ka kasi nanalo kayo!" sabi ko kay Preenz pero dedma lang siya at tuloy-tuloy sa kuwarto niya.
Alas singko ng umaga kami nakarating at pagod na pagod pa ako. Dagdagan pa nitong kasama kong tila naputulan ng dila.
"Ayaw mo akong kausapin? Fine! Tingnan nating kung--"
"Isusumbong mo na naman ako kina Daddy? Go ahead!" galit na sabi nito kaya napasimangot ako.
"Problema mo, Preenz?"
"Why don't you answer that stupid Kale?" galit na sabi nito nang tumunog na naman ang cellphone ko. Nang marinig kasi niya ito kanina, siya na ang sumagot at si Kale nga ang tumatawag.
"He's not stupid! Ang pogi kaya niya!" Depensa ko kay Kale kaya mas lalong umusok ang ilong niya.
"Alam mo, Epok, sana hindi na kita isinama! Pinagsisisihan kong ninakaw ko pa ang ID ni Sheena!" sabi nito. Alam ko namang natakot siya nang mahuli ako ng dalawang guwardiya.
Pakialam ko? Ang mahalaga, nakapasok ako at nakapanood ng laban. Napansin kong mas mabilis nga ang kalaban nina Preenz. Siguro kay Rylan ang problema dahil medyo nahuli ito. Nakabawi lang sila nang si Preenz na pero kinapos sila sa oras at naging second place lang. Hindi na masama."What? Hindi mo pa rin ba sasagutin si Kale?" tanong nito nang muling tumunog ang cellphone ko matapos ng ilang segundong namatay.
"Hindi pa siya nanliligaw kaya kalma ka lang," sabi ko at pinandilatan siya.
"Gusto mo ba talaga siya?" Namumula pa ang magkabilang pisngi nito sa galit kaya nabuhayan ako ng dugo para asarin siya.
Parang hindi nagdadrama kung magalit e. Hamp! As if real girlfriend niya ako."Di ba, Lacson-Angeles siya? Ibig bang sabihin, mas mayaman siya sa inyo?" interesadong tanong ko. "Mas malaking isda siya kaysa sa 'yo."
"Gold digger!" naiinis na wika nito pero tinawanan ko lang.
"Ang popogi kaya ng lahi nila. Nakita mo si Luis, ang cute niya," kunyari ay kinikilig na sabi ko.
"E di do'n ka sa mga Lacson magpaalipin!
Ililipat na kita next school year sa CTU at huwag ka nang bumalik pa sa St.Jo!" napipikon na sabi nito."Sige, sige. Para makita ko parati si Kale," excited na sabi ko kaya natigilan siya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. Hala, ano ang problema nito? Hindi ako nagsisinungaling dahil pogi naman talaga sina Luis at Kale. Honest yata 'to.
"Psh! Break na tayo, Epok," seryosong sabi ko kaya napatitig ako sa mukha niya at binigyan siya ng "fuck you" sign. Kapag ito talaga ang kasama ko, mas lalong tumutubo ang sungay ko.
"Break-in ko ang leeg mo, gusto mo?" tanong ko.
"Ewan ko sa 'yo!" pagsisinuplado nito at dumiretso sa kuwarto. Hala, may topak yata si Preenz. Siguro dahil second place lang sila?
Eh, mabagal naman talaga silang magmaneho.Maingat ko siyang sinundan patungo sa silid nito pero hindi naman siya lumilingon.
"Bumalik ka na sa kuwarto mo," walang ganang sabi nang lingunin ako matapos niyang buksan ang pinto niya.
Ay, bakit ba parang pumopogi siya kapag nagagalit siya? Parang may sira na yata ang mga mata ko. Baka may katarata o glaucoma na si Ako?
"Gusto kong tumabi sa baby ko," paglalambing ko at pumasok na rin bago pa niya isara ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...