46

1.9K 70 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

[EPOK POV]

"Salamat po, guys!" sabay na pasalamat namin sa mga nanonood. Ang school kasi namin ang napiling magbigay ng intermission sa isang program dito sa mall para sa mga senior citizen.

"Ang cute mo," puri ni Krista habang nagliligpit na kami ng gamit dito sa backstage.

"Salamat," pasalamat ko at nagpapa-cute sa bestfriend ko.

"Naniwala ka naman?" biro niya.

"Siyempre, bestfriend kita eh," sagot ko saka binigyan siya ng isang napakamatamis na ngiti. "Ang cute ko talaga."

"Oo na lang," pagsang-ayon niya at kinuha ang backpack na nasa mesa.

"Hey, guys. Heto na ang pang-merienda ninyo," sabi ng talent manager namin at isa-isang binigay ang sobre.

"Salamat," sabay na pasalamat namin.
Tiglimang daan kami bawat isa.

"Here," sabi ko sabay abot kay Krista ng sobreng hawak ko.

"Ipapatago mo sa akin?" tanong niya.

"Sa 'yo na 'yan, may pera pa naman ako," sabi ko.

"Naku, huwag na. Kailangan mo rin 'to," tanggi niya.

"Kunin mo na! Marami akong raket at may pera pa ako galing kay Ex!" giit ko at binigyan siya ng deadly look.

"P-Pero--"

"Di na tayo bati kapag tanggihan mo 'to!" pagbabanta ko kaya napilitan siyang kunin.

"Hindi ako tumatanggi sa grasya," sabi niya at itinago sa bulsa ang puting sobre.

"Good," sabi ko at bitbit ang bag, lumabas na kami sa mall.

Naaliw ako sa pagsasayaw. Ang saya dahil exercise na rin namin. Isa pa, kasama ko si Krista. Siya lang ang babaeng naging malapit sa akin maliban sa pamilya namin.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"H-Ha?" Parang tangang sagot niya. Ang init! Naging malagkit ang hangin sa balat ko.
Gusto ko sanang mag-taxi pero kasama ko si Krista. Baka isipin nito, pasosyal ako.

"Ang sabi ko, may boyfriend ka na ba?" tanong ko.

"Wala pa. Masyado pang maaga. Firstyear pa lang ako," sagot niya.

"Hmm? May kapatid ako, gusto mo ireto kita sa kaniya?" tanong ko. Ang bilis ng iling niya.

"Guwapo 'yon," pagmamalaki ko.

"Ano ka ba, bawal pa," sabi niya.

"Ay, huwag na lang pala ang kapatid ko," pagbawi ko. "In love kasi 'yon sa iba. Para siyang tanga."

Natatawa na lang ako kay Kale. Alam ko kasi kung sino ang gusto ng mokong na 'yon pero hindi lang makaporma dahil palagi siyang sinusupalpal. Isa pa, inlove ang babaeng 'yon sa iba at may pagkamaarte pa.

"Sa mga pinsan ko na lang kita i-match," sabi ko. Ang ganda naman ni Krista at virgin pa kaya hindi na lugi.

"Haist! Huwag na nga naging pag-uusapan, magma-madre ako," sabi niya kaya natawa ako.

"Ang sarap kaya kapag may boyfriend ka," sabi ko at pinara ang sasakyang dumaan.

"Masakit kapag lokohin ka at ipagpalit sa iba kaya huwag na," pangontra niya.

"Ang harsh mo sa akin," naiinis na sabi ko saka sumakay na. Medyo siksikan dahil marami rin ang sumakay kaya tumahimik na kami.

Naunang bumaba si Krista kaya sa condominium building na ako ni Rylan bumaba. Kailangan ko siyang makita para mapugutan ng ulo ang tarantadong 'yon.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon