35

1.6K 59 1
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

Unedited...

[Epok POV]

Buong gabi akong umiyak. Paano, ne hindi na niya ako naalala. Kahit text o tawag, wala. Ang sabi ni Manang, umalis daw siya kasama ang barkada kaya hindi na ako lumabas sa kuwarto. Bumaba lang ako nang madaling araw dahil nagutom ako.

"Epok, kain ka muna," sabi ni Tita Janine nang bumaba ako.

"Huwag na po. Sa canteen na lang," sagot ko.

"Epok? Nasaan si Preenz? Gising na ba siya?" tanong ni Tita kaya napakunot ang noo ko.

Ibig sabihin, hindi pa alam nina Tita ang nangyari?

"Baka nauna na po sa school. Sabi kasi niya dapat maaga pa siya," sagot ko saka umalis na.

Sumakay ako sa dyip. Trip ko lang.

Masyadong siksikan dahil punuan ang sinakyan ko pero parang mga langgam lang ang mga nasa tabi ko.

Minsan lang ako sumakay sa dyip. Well, sanay naman ako dahil madalas akong sumasakay sa de-pasaherong sasakyan sa probinsya namin.

Hanggang sa bumaba ako ay wala pa rin ako sa katinuan ko. Ang hirap pala kapag hindi ka na mahal ng mahal mo. Alam ko namang may girlfriend siya noon pa pero bakit pakiramdam ko, ako ang inagawan?

"Bakit ba kasi minahal ko siya?" naiinis na tanong ko habang papasok sa gate.

"Bakit nga ba?"

Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko na sinasabayan ako sa paglalakad.

"Kailangan mo? Lumayo ka nga!" Pagtataboy ko kay Rylan.

"Alam mo, para kang baliw," sabi nito.

"Pakialam mo?" pagsisinuplada ko saka binilisan ang paglakad. Badtrip na nga ako, dagdagan pa niya.

"Si Preenz," sabi nito kaya napatigil ako.

"Nagmamahalan sila ni Kylie kaya kung ako sa 'yo, huwag ka nang umasa pa sa kaniya."

Galit na nilingon ko siya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!"

"Concern lang ako," depensa nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Concern ka? Para ano?"

"I know nasasaktan ka," anito.

"So?" Pagtataray ko.

"Lumayo ka na sa buhay ni Preenz at lisanin mo na ang bahay ng mga Alcarde," suhestiyon nito kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"You know what? Kung ako sa 'yo, umalis ka na sa harapan ko bago pa kita masapak, Rylan!"

Sa halip na mainsulto, ngumisi ang loko. "Bilib din ako sa 'yo, Epok. Sa kabila ng sakit, nagawa mo pang magmatapang-tapangan."

"Mind your own fucking business, Rylan!"

"Hello, Rylan! Have you seen my ex?" maarteng tanong ni Sheena habang palapit sa amin. "I heard the news. Buhay raw Kylie?"

Nasa akin pa talaga ang nanunuyang mga mata nito. "Ano ang pakiramdam ng inagawan, Epok?" nakangising tanong niya.

"Hindi ko alam. Ikaw, Sheena? Ano ang pakiramdam ng nang-agaw?"

"Okay lang. Ganoon talaga ang buhay. Ang mahalaga, hindi siya mapasa iyo," sagot niya.

"Mas lalong hindi mapasa iyo," sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Hmm? Paano kaya siya nakaligtas? I'm sure may tumulong sa kaniya para itago ang katotohanan. Bakit kaya?" Parang imberstigador na tanong ko.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon