Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 52
Unedited....
[Preenz POV]
"Are you sure na gusto mong lumipat dito?" tanong ni Tita Anndy.
"Opo. Okay na po sa akin dito," sagot ko.
"Ipapahatiran na lang kita ng pagkain sa katulong," sabi niya kaya ngumiti ako. "Pero mas okay na sa bahay ka na para kapag may kailangan ka, hindi na mahirap sa 'yo."
"Okay lang po ako rito, Tita. Isa pa, alam kong ayaw akong makita ni Baby E," sagot ko.
"Basta kapag gusto mong mamasyal, isama mo si Kale para makapag-ikot ka sa isla."
"Huwag na ho. Si Epok naman ang ipinunta ko rito," sabi ko.
"Pero kailangan mo ring mag-enjoy," aniya.
"I can't," malungkot na sagot ko.
"Preenz? Nangako kami sa daddy mo na aalagaan ka namin habang nandito ka sa isla," sabi niya.
"Alam pala ni Daddy," bulong ko.
"Bago pa dumating si Epok sa pamamahay ninyo, alam na niya," sagot ni Tita. Tumango ako. Ang sama ng loob ko kay Daddy. Paano kaya niya nagawang ilihim sa akin ang lahat? Kaya pala pinayagan niya akong dumayo rito kahit mag-isa lang.
"Basta kapag may kailangan ka, magpatawag ka lang. Kumpleto naman ang ref mo," bilin niya saka lumabas na.
Nakakatampo. Bumalik ako sa silid ko at nahiga sa malambot na kama saka napatingin sa nipang bubong. Ang lamig na ng loob kaya hindi na kailangan ng aircon o electric fan dahil sa mga punong nasa paligid.
Bumangon ako at binuksan ang bintana dito sa kuwarto.
"Saan na naman kaya siya pupunta?" bulong ko nang makita si Epok na palabas ng gate.
Araw-araw siyang umaalis at alam kong ginagawa niya iyon para iwasan ako. Pero hindi pa rin ako susuko. Two days pa lang ako sa lugar na ito kaya susuyuin ko siya. Bahala na.
Tinawagan ko si Daddy at sinumbatan pero sinigurado niya sa akin na nasa safe na lugar na raw ako. Nabalitaan ko rin na ni-raid na ng pulisya ang nasabing laboratoryo ng barkada at pinsan nina Brent at nahuli na ito sa tulong ng mga Lacson.
Gusto kong tawagan si Kylie para kumustahin siya pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi na dapat. She needs my help, emotionally. Pero dahil ex ko siya at siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito kami ni Epok, walang nakakaintindi sa akin. She's my friend. She always will. Ipanalangin ko na lang na sana makakaya niya ang lahat.
Kagabi pa ako hindi nakatulog kaya mabilis lang akong dinalaw ng antok.
Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko pero si Rylan lang ang tumatawag. Nangangamusta. Isa pa 'to. Kilala ko ang parents niya at alam kong konektado sila sa mga Lacson pero malay ko ba na-close pala sila talaga siya sa mga ito.
Alas singko na palang kaya napabangon ako at tumingin sa ref. Magluluto ako ng makakain. Nahihiya akong pumunta sa mansion para manghingi ng pagkain.
Nagpapasalamat ako dahil may itlog at hotdog.
Lumabas ako nang may kumatok.
"Magandang hapon po, sir," magalang na bati ng dalagang katulong. Baka matanda lang ito sa akin ng dalawang taon. "Ano raw ho ang gusto mong ulam?"
"Huwag na po. Magluluto na lang ako.
Pakisabi po kay Tita Anndy na salamat," pasalamat ko at nginitian siya. Napansin kong namula ang magkabilang pisngi niya kaya mas lalo akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...