Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 15
Unedited...
[Preenz Pov]
"Tita? Magpapasama po ako kay Preenz sa Tagaytay sa night swimming ng mga kaklase ko. Debut po kasi niya," paalam ni Epok habang kumakain kami.
"Bakit? Sa Tagaytay?" tanong ni Daddy kaya kinakabahan ako.
"Kasi po, tagaroon po siya. Actually, iilan lang ho kaming invited. Nakakahiya naman pong tumanggi pero wala ho akong choice eh," kampanteng sagot ni Epok. Best actress talaga siya.
"Ganoon ba? Okay lang ba kay Preenz?" tanong ni Mommy at napatingin sa akin kaya napasulyap ako kay Epok dahil hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan siya magpapaalam.
"Actually, okay lang naman ho sanang hindi ko isama si Preenz kaso crush ho niya ang anak ninyo and I want to make a surprise for her.
Gusto ko pong si Preenz ang maka-last dance niya pero surprise lang po talaga. Mabait po siyang kaibigan at kahit na mayaman, hindi niya ako iniiwasan," sagot ni Epok kaya napangiti si Mommy. I have no idea sa plano ni Epok. Ang sabi niya, siya ang bahala sa lahat."Same as my friend, Diana," sabi ni Mommy na ang tinutukoy niya ay ang bestfriend niya na nakilala noong college. Arranged marriage ang nangyari sa parents ko and my mom told me that she seduced my father dahil may girlfriend si Dad noon-- Si Tita Maricar na mommy ni Lily.
"Isa pa po, nahihiya ho ako kasi mayayaman sila at may mga lalaki pa. Kapag kasama ko si Preenz, at least hindi ako mabu-bully ng meanies kong kaklase," naiiyak na dagdag ni Epok.
"Naku, isama mo na si Preenz. For sure wala namang gagawin 'yan bukas. Kaysa naman kina Brent lang siya parati," sabi ni Mommy. Okay, it's a yes for us. Ang galing talaga nitong girlfriend ko..
"Samahan mo siya, Preenz," sabi ni Daddy.
"Wala naman akong choice," sagot ko pero gusto ko na talagang magtatalon sa tuwa.
Kumindat si Epok nang magkasalubong ang mga mata namin. Para akong nasa cloud 9 dahil sa pagpayag nina Daddy. Pero kailangan hindi ako magpapahalata sa kanila.-----------------------
Angkas ko si Epok kaya mabagal ang pagpatakbo ko ng ducati. Maliban sa madilim ang daan, natatakot din ako na madisgrasya dahil may kasama akong babae. Isa pa, kanina pa kami nagtatalo. Paano, totoong may debut nga kaming pinuntahan kani-kanina lang at ginawa akong last dance ng babae. Ang tindi pa ng pagkakadikit ng katawan nito sa akin kaya muntik na akong madurog. Nasa 80kgs yata siya kaya kahit matangkad ako, wala pa ring laban ang katawan ko sa debutant.
"Hindi ako sinungaling," pagtatanggol ni Epok sa sarili.
"Sana man lang, inabisuhan mo muna ako," sabi ko. Pinagkaguluhan tuloy ako ng mga babae at tadtad ang katawan ko sa pagpapa-picture nila.
"Biglaan eh. Isa pa, hindi talaga ako invited dahil hindi kami friends. Paano kung magtanong sina Tita ng pictures? Ano ang maipakita ko? Paano kung mag-imbestiga sila? E di nganga ako at ako pa ang lalabas na sinungaling? Huwag na uy!" mahabang sagot nito kaya napahigpit ang pagkakahawak ko ng manibela.
"Ang ingay ah," pasigaw na sabi nito. Naririnig ko na rin ang ugong ng sasakyan at motorsiklo. Natatanaw ko na rin ang maliwanag na ilaw sa 'di kalayuan.
"Tingin mo, malulusutan natin ang guards?" kinakabahang tanong ko.
"Kapag may butas, lulusot tayo sa papasukan natin," sagot nito.
"Wala ka ba talagang takot?" galit na tanong ko. Kanina pa ako kinakabahan. Mahirap kayang ma-ban. Isa pa, mahigpit talaga ang seguridad nila.
"Wala. Kapag kasi kabahan ako, mas lalo nila tayong mabibisto. Don't cha worry, hindi kita idadamay kapag mabuko ako," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...