45

1.6K 61 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 45

[Preenz POV]

"Kyl? Sana maintindihan mo ako." Alam kong mahirap unawain ang sitwasyon pero pagod na rin ako. Sinadya ko siyang puntahan sa bahay nila at nag-uusap kami ngayon dito sa pavilion nila.

Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

Marami kaming masasayang alaala bilang magkasintahan. Hindi naman basta mawawala iyon. Isa iyon sa magagandang alaala na itatago ko habambuhay.

"S-Siya ang pinipili mo?" mahinang tanong niya habang nakayuko.

Napahilamos ako nang tumulo ang mga luha ko. Kung puwede lang na huwag siyang saktan, gagawin ko. Ngayon, sinasaktan ko ang babaeng pinangakuan ko ng kasiyahan noon. Ang sama ko man pero wala akong magagawa.

"I t-tried my best. G-Ginawa ko ang lahat para bumalik tayo sa dati, K-Kyl. S-Sinubukan ko, maniwala ka," pag-amin ko.

"P-Pero siya na ngayon ang mahal mo," humihikbing sabi niya at pinahidan ang mga luha.

"P-Pinaniwala ko a-ang--a-ang sarili ko na ikaw pa ang mahal ko," mahinang sabi ko. "K-Kaso hirap na hirap na ako. S-Sa bawat pagdaan ng araw, m-mas lalo akong nahihirapan."

Wala akong naririnig mula sa kaniya kundi mga hikbi niya.

Hahawakan ko sana ang kamay niya pero maagap na inilayo niya at umusod palayo sa akin.

"I k-know na hindi na kita pagmamay-ari.

G-Gusto kong sumbatan ka. Gusto kong sabihin na nasasaktan din ako. S-Sobrang sakit, Preenz. M-Masakit na sa pagbalik ko, w-wala nang natira sa akin. H-Hindi sa sinusumbatan kita pero b-bakit? B-Bakit nagawa mo akong ipagpalit sa iba nang ganoon lang kabilis? Akala ko, a-ako pa rin ang pipiliin mo sa pagbalik ko," nahihirapang tanong niya. Nahihirapan ako pero alam kong mas nasasaktan siya.

"I k-know sorry is not enough, Kyl. You're an amazing person na nakilala ko. I hope we could be friends sa kabila ng lahat--not today but someday. H-Hindi na ako ang lalaking kayang ibigay ang kaligayahan mo. Sa p-piling ko, mas masasaktan ka lang," nahihirapan ko ring pagsabi. Hindi ko na kailangan pang bigkasin na si Epok na ang mahal ko dahil mas lalo ko lang siyang sasaktan.

"S-Sana natuluyan na lang ako p-para hindi na ako nasasaktan ng ganito," mahinang sabi niya kaya mas lalo akong umiyak.

"H-Huwag mong sabihin 'yan, Kyl. Marami ang natutuwang buhay ka. Nandiyan ang pamilya mo. Mahal ka nila lalo na ni Brent," sabi ko.

Mapait na ngumiti siya saka pinahidan ulit ang mga luha.

"P-Pero mas kailangan kita," mahinang sabi niya saka tumawa. "Ano ba? Ang drama na natin. Dapat maging m-masaya ako kasi malaya na ako sa pagmamahal na puro kasinungalingan lang. P-Pero masakit pa rin eh," tumatawang sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang umiyak habang tumatawa.

Humarap siya sa akin at matamis na ngiti. Ngiting nagpapahiwatig ng pagkabigo pero hindi nawawalan ng pag-asa.

"S-Sana maging masaya ka sa kaniya. S-Sana alagaan ka niya at mahalin nang higit pa sa p-pagmamahal ko sa 'yo. We can be friends pero tama ka, hindi sa ngayon. S-Salamat sa lahat, Preenz. M-Minahal kita nang higit pa sa sarili ko p-pero siguro, ito na ang tamang p-panahon na mahalin ko naman ang sarili ko," sabi niya kaya napalunok ako ng laway at hindi inalis ang mga mata sa maganda niyang mukha.

"H-Huwag mo akong kaawaan. Huwag mo akong isipin kasi someday, maghihilom din ang sugat na 'to. Maging masaya ka.

Someday, mahahanap ko rin ang forever ko," sabi niya saka matamis na ngumiti.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon