Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 47
Unedited...
[Preenz POV]
"Brent? Alam kong galit ka sa akin," sabi ko nang lapitan si Brent. Kakatapos lang ng final exam namin at gusto ko siyang makausap nang masinsinan kaya nandito kami ngayon sa rooftop nina Rylan.
"Ano ang gusto mong mararamdaman ko, Preenz? Matuwa ako dahil niloko mo ang kapatid ko?" tanong niya saka kumuha ng sigarilyo. Minsan ko lang siya nakikitang naninigarilyo. Kapag naiinip o masama lang ang loob niya.
"Alam kong nasaktan ko si Kylie pero mas masasaktan ko pa ang kapatid mo kapag tumagal pa kami," sabi ko kaya napailing siya.
"Niloko mo pa rin siya. Sana hindi mo na niligawan kung lokohin mo lang din naman!" sumbat ni Brent kaya hindi na ako nagsalita pa. Tama siya. Normal lang sa isang kapatid na magalit. Magkaibigan kami at aminado akong may gap na ang pagkakaibigang nabuo ng ilang taon.
"Hindi naman namin alam na buhay pa si Kylie.
Hindi ba't ikaw mismo ang natuwa nang magmahal si Preenz ng iba?" sabat ni Rylan at naupo sa tabi ko.
"Pero buhay ang kapatid ko," giit ni Brent.
"Nadoon na tayo sa point na buhay pala ang kapatid mo pero nalimot na siya ng puso ni Preenz. And what if totoong patay si Kylie?
Gusto mong habambuhay na manatiling single si Preenz nang dahil sa sumpaan?
Come on, dude. Nasasaktan din naman si Epok," depensa ni Rylan. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanila kaya tumingala ako sa langit. Bakit ba napakakumplikado ng lahat.
"May laban tayo sa Saturday, invited tayo," pag-iiba ni Brent kaya napatingin ako sa kaniya na sa akin nakatingin. "Lalaban pa ba kayo gayong alam ninyo na buhay si Kylie?"
Napatingin ako kay Rylan na kay Brent din nakatingin.
"Hindi ko alam na may laban pala sa Tagaytay," sabi ni Rylan.
"Hindi sa Tagaytay kundi sa Pangasinan," sabi ni Brent kaya napakunot ang noo ko.
"Saan sa Pangasinan?" tanong ko. Gusto kong ipaalam na nawalan na ako ng gana sa racing pero kaibigan ko pa rin naman siya at susuportahan ko ang hilig niya.
"Anda Pangasinan," sagot niya.
"Bakit hindi sa Tagaytay," seryosong tanong ni Rylan.
"Doon nila gusto kahit kaunti lang ang invited na team kaya sasabak ako. Kung ayaw ninyo--"
"Call ako," agarang sabi ni Rylan."Ako rin," segunda ko.
Ngumiti si Brent. "Good. Hayaan ninyo, last na 'to."
"Ilang team?" tanong ni Rylan.
"Five," sagot ni Brent.
"After ng relay, magkakaroon tayo ng individual race. Sasali si Kylie," sabi nito kaya nagulat kami ni Rylan. "Hindi mahigpit sa Pangasinan at puwede ang babaeng racer.
Nasa team na ang diskarte," sabi nito.
"Hindi kaya madumi ang race?" nagdududang tanong ko. Narinig ko na ang field sa Pangasinan at walang ID na requirement doon. Lahat ng gustong manood basta may pera ay makakapasok."Hindi naman kung matuto kang lumaban ng patas," sabat ni Rylan at ngumisi saka tinapik ang balikat ko. "Huwag kang mag-alala, gagawin nating patas ang laban."
"Mauna na ako," paalam ni Brent at bumaba na.
"Ako rin. Kailangan ko pang mag-ensayo sa karera," paalam ni Rylan kaya mag-isa na lang akong naiwan dito sa rooftop.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
Любовные романыSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...