Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6
Unedited....
[Epok POV]
Akala niya siguro, tatanggihan ko ang ibinigay niyang pagkain. Never. Pero siyempre ang mukhang cockroach, hindi ko kayang kainin. Mabuti na lang dahil nasuka siya kaya may rason akong um-exit.
Napangiti ako habang papasok sa shower room para magsipilyo. Ang funny niya. Akala nila ang tapang-tapang na ni Preenz pero hindi naman pala matibay ang sikmura. Sanay akong kumain ng wild animals dahil taga probinsya ako at mahilig akong tumikim ng mga lutong ganoon sa kapitbahay.Nakatikim na ako ng ahas na parang manok lang ang lasa. Ganoon din ang palaka. Ang pinaka medyo nandidiri lang ako ay ang aso. Hindi ko kaya ang lansa. Okay pa ngang kainin ang baboy-ramo dahil masarap ang karne nito.
Speaking of palaka, kailangan ko palang manghuli kasi gagamitin namin bukas sa Biology.
"Kasalanan talaga 'to ni Krista kung bakit ako ang magdadala ng palaka eh!" naiinis na wika at sinimangutan ang maganda kong mukha sa mirror. Siya kasi ang nag-suggest na shoulder ko na ang palaka kasi marami raw sa probinsya. Parang tanga lang. Alam naman niyang nandito na ako sa Maynila e.
Nang matapos na akong magsipilyo, lumabas na ako at ipinusod muna ang mahabang buhok ko dahil naiinitan ako. Ayaw ko namang buksan ang aircon.Dumungaw ako sa bintana at iginala ang mga mata. Tahimik na ang paligid at mukhang natutulog na ang lahat kaya pagkakataon ko nang maghanap ng lintik na palaka. Wala akong naririnig na ingay kaya bahala na. Hinawi ko ang kurtina at lumapit sa dresser.
"Kyaah! May dyosa!" tili ko nang masulyapan ang sarili sa salamin. Inipit ko ang buhok ko sa magkabilang tainga saka kinindatan ang sariling reflection. Walang sinuman ang makapagsabing pangit ako. May kaunting deperensiya lang sa katawan pero dyosa pa rin naman.
Kinuha ko ang flashlight at muling tinanggal ang tali ng buhok ko. Sanay na akong ilugay ang mahaba kong buhok.
Bumaba ako sa kuwarto at bumaba na bitbit ang flashlight. Sinadya ko talagang magpajama para kahit na bubukaka ako mamaya sa kakahabol ng palaka, walang malignong makakakita ng palaka kong may manipis na buhok.Sa hardin ako tumungo at pinakinggan ang tunog ng mga insekto pero wala talagang palaka. Mula nang dumating ako sa mansion na ito, wala akong nakita kahit na isa. Medyo madilim dito dahil patay ang ilaw ng poste sa kinaroroonan ko pero naaaninag ko naman ang buong paligid.
"Gosh!" bulalas ko nang makita ko ang palakang nasa ilalim ng santan. Pinatay ko ang flashlight ko at sinipat ang mga mata at dahan-dahang lumapit sa palaka.
Isang hakbang, dalawang hakbang, tatlong--
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Shit!" bulalas ko at napatalon dahil sa pagkagulat nang isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mukha ko.
"B-Bakit nandito ka? Ginagawa mo?" nagtatakang tanong ng istorbong si Preenz."Buwesit ka!" singhal ko nang wala na ang palaka sa puwesto nito kanina. "Nangangaswang ako. Magta-transform na ako sa pagiging manananggal pero nasira ang orasyon ko!" Binuksan ko ang flashlight ko at itinuon din sa mukha niya.
"N-Nagbibiro ka lang, Epok, 'di ba?" tanong niya kaya natawa ako dahil nawalan na naman ng kulay ang mukha niya.
"Ang tanda mo na, naniniwala ka pa rin sa aswang?"
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" singhal niya para pagtakpan ang pagkaduwag. Nagmamatapang-tapangan naman ang mokong."Nahuli ko na sana ang palaka kung hindi ka nanggulat," sabi ko saka tinitigan siya nang maigi.
"B-Bakit ganiyan ka 'pag makatingin?" inosenteng tanong niya.
"Siguro ikaw ang palaka, noh? Kaya siguro Preenz ang pangalan mo dahil ikaw ang frog preenz?" nagdududang tanong ko sabay lapit sa kaniya. Napaatras ang mokong pero ang flashlight, sa mukha ko pa rin nakatuon. Para patas, nasa mukha rin niya ang flashlight ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...