Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38
[Epok POV]
"So what kung bumalik si Kylie?" sabi ni Sheena. Nasa labas sila ng veranda ng resthouse nila at wala akong choice kundi mag-ala ninja sa galaw at ginamit ang dilim. Pagod na ako at kailangan ko nang matapos ang mission ko at kay Sheena ako magsisimula.
"Hindi ka ba nahihirapan? Dalawa na sila ni Epok ang makakalaban mo kay Preenz," tanong ni Lily. Isa pa 'to e. Alam kaya ni Sheena na bes din itong si Lily?
"Mas madali lang na agawin si Preenz kay Kylie dahil uto-uto siya," sagot ni Sheena.
"Gaga! Bakit ba parang hindi ka yata nagulat na buhay si Kylie?" tanong ni Tashi.
Humalakhak si Sheena at humithit ng sigarilyo.
"Kasi alam kong babalik siya," sabi ni Sheena. "Hindi siya basta-basta mamatay."
"D-Don't tell me, may kinalaman ka sa nangyari sa kaniya?" nagdududang tanong ni Tashi.
"Ba't ko naman gagawin 'yon?" napipikong tanong ni Sheena. "Pinagdududaha n'yo ba ako?"
"Nagtatanong lang. Friends naman tayo," sabi ni Lily kaya napaismid ako.
Mula sa puwesto ko dito sa puno, nakikita ko sila gamit ang binocular ko. Inayos ko ang earpiece para mas marinig pa ang usapan nila. Kailangan kong makuha ang maliit na chips sa ilalim ng mesa nila mamaya kapag makapasok na sila.
"Basta huwag na kayong magtanong!" naiinis na sabi ni Sheena.
"Mahal ni Preenz si Kylie at alam nating lahat iyon. Do you think, hahayaan niyang mawala ulit si Kylie sa buhay niya?" tanong ni Lily. Bakit ba uso ang agawan sa barkadang ito? Sarap gilitan sa leeg.
"I have ways, girls," puno ng kumpiyansang sabi ni Sheena.
"Inaantok na ako, tulog na tayo," yaya ni Tashi.
"Basta ako masaya ako sa lovelife ko."
Napamura ako. Kailangan ko pa ng impormasyon pero pumasok na sila sa loob ng resthouse kaya maingat na lumipat-lipat ako sa sanga at walang ingay na tumalon sa veranda nila saka kinuha ang chips sa ilalim ng mesa para walang matirang ebidensiya.
Dali-dali akong bumalik sa puno at tumalon sa bakod nila at sumakay sa ducati."Woooh!" malakas na sigaw ko habang pinapaharurot ang sasakyan. Ang sarap ng feeling. Heaven. I miss this. Mahahalikan ko talaga si Kale sa pagpayag sa akin na gamitin ko ang ducati niya. Hindi na niya ako matiis e.
Ipinarada ko ang sasakyan sa condo ni Kale saka bumalik sa mansion ng mga Alcarde.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto rito sa kusina pero nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw.
Nakatitig lang kami sa isa't isa. Pinakalma ko ang sarili ko para pigilang masigawan si Preenz. Hanggat maaari, ayaw kong ipakita o iparamdam na apektado ako. Kapag magwala ako, wala naman akong mapapala.
"Saan ka galing?" seryosong tanong niya.
"Nagpahangin lang," sagot ko at binigyan siya ng 'bored look'.
"Sa ganitong oras?" tanong niya.
"Masarap magpahangin sa labas sa ganitong oras lalo na kung tahimik ang mundo," ani ko at lalagpasan na sana siya pero pinigilan niya ako sa kanang braso ko.
"Nasa pamamahay ka namin, Epok! Kaya magpakita ka ng respeto sa mga tao rito!" madiing sabi niya saka pinisil ang braso ko.
"Nirerespeto ko kayo. Hayaan mo, kapag magpahangin ulit ako bukas, i-inform kita," tinatamad na sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/323410617-288-k809412.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...