51

2K 80 2
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 51

Unedited....

[EPOK POV]

"Kausapin mo ang bisita mo," sabi ni Daddy.

"Bahala siya. Hindi ko siya in-invite rito kaya ayaw ko siyang makausap," sagot ko. "Bakit pa kasi nandito 'yan?"

"Ang haba ng nilakbay niya papunta rito tapos ganiyan lang ang turing mo sa kaniya?" sabat ni Mommy.

"Sino ba ang nagturo sa kaniya ng lugar natin?" naiinis na sabi ko.

"Sinundan ka na nga niya kahit na delikado ang pagpunta rito, tapos ganiyan ka pa," ani Mommy.

"Kinausap ko naman ah. Tapos na kaming mag-usap kaya iuwi na ninyo siya sa Maynila," sabi ko.

"Ang bastos mo rin, ano?" naiinis na sabi ni Mommy. "Ang pogi kaya ng boyfriend mo tapos bastusin mo lang siya? Ang sama mo namang kasintahan, Empress!"

"Sige, Mom. Kampihan ko pa siya. Wala sa mukha ang pagmamahal. Kahot siya ang pinakaguwapong lalaki sa mundo, kung manloloko siya, wala pa rin siyang kuwenta!"

"Ano ba ang ikinagalit mo? Palagi ka naman niyang hinahanap," sabat ni Daddy.

"Kasi nga may Kylie na po siya. Si Kylie ang pinipili niya at nakalimutan niya ako ng twenty four hours nang dahil lang kay Kylie na 'yon!"
sumbong ko. "Hindi porket buhay pala ang babaeng 'yon, nakalimutan na niya ako?"

"Kaya nga nandito ang tao para magpaliwanag," ani Mommy.

Napasulyap ako kay Kuya Dale na pumasok at may hinahanap sa drawer.

"Ayaw ko na sa kaniya!" giit ko kaya napatigil si Kuya Dale at napatingin sa akin.

"Bigyan mo naman siya ng chance na magbago," sabi ni Mommy.

"Bakit ba napapansin ko, kinakampihan ninyo ni Daddy si Preenz?" puna ko.

"Eh kasi, kawawa naman 'yong tao. Wala siyang kakilala rito," depensa ni Mommy.

"Mahal mo ba siya?" sabat ni Kuya Dale.

"Hindi" tanggi ko.

"Nagkarelasyon kayo, 'di ba? Tapatin mo nga kami, Empress! May nangyari na ba sa inyo?"
tanong ni Kuya Dale.

"Wala ah! Virgin pa ako!" mabilis na sagot ko at inirapan siya. "Hindi naman ako easy to get noh!"

"Nag-kiss kayo?" seryosong tanong ni Kuya.

"Hindi ah! Hanggang holdinghands lang kaya kami," tanggi ko.

"Pinagloloko mo ba kami, Empress!" Tumaas na ang boses ni Kuya. Gusto kong tumakbo para magtago pero panindigan ko na 'tong kasinungalingan ko.

"Wala talaga. Never pa kami nag-kiss. Gusto nga niya pero ayaw ko. Promise." Itinaas ko ang kanang kamay para manumpa.

"Ano ang nasa Gallery ng cellphone niya?" tanong ni Kuya kaya natigilan ako at dahan-dahang ibinaba ang kanang kamay ko.

"A-Anong Gallery?" kinakabahang tanong ko. Hala, may ipinakita ba si Preenz?

"Huwag ka nang mag-deny dahil nakita ko na ang kalokohan mo! Hindi ba't mahigpit an ibinilin namin sa 'yo na ingatan mo ang pagkatao mo? Ikaw pa nga mismo ang humahalik sa kaniya tapos ang lakas mong mag-deny? Anong klaseng babae ka?"

Umuusok na ang ilong ni Kuya kaya napalunok ako ng laway at napatingin kay Daddy na palipat-lipat ang mga mata sa amin ni Kuya Dale.

"Hindi kasi ninyo ako naiintindihan!" singhal ko saka napapadyak pa ng paa sa pagkadesperada. "B-Bakit ba kinakampihan ninyo si Preenz? Eh, ako nga ang nasaktan.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon