50

1.8K 68 1
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 50

Unedited...

[Preenz Pov]

Nandito ako sa presinto bitbit pa rin ang mga gamit ko.
"S-Sir? Baka puwede hong palabasin na ninyo ako? Wala naman po akong ginawang masama. Gusto ko lang po talagang makita ang girlfriend ko," pakiusap ko. Baka maabutan ako ng gabi rito. Saan ako matutulog? Sana may hotel sa islang ito. Lintik kasi. Wala man lang address. Sketch lang ang nandito.
"Wala ngang Matapobre sa lugar na ito," sabi ng pulis.
Napatingin kami sa pinto nang may pumasok. Tumayo ang mga pulis at binati ang dumating.
"Magandang hapon, Mayor," sabay na bati nila.
"Magandang hapon," sagot ng tinawag nilang mayor. Napatingin siya sa akin kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"Ano ang problema sa kaniya?" tanong niya.
"Hinahanap daw po ang girlfriend niya sa isla pero wala naman dito ang hinahanap niya," sagot ng pulis na humuli sa akin.
"Sino?" tanong nito.
"Epok Matapobre daw po," sagot ng pulis.
Humarap ito sa akin.
"Ano ba ang hitsura, hijo?"tanong niya.
"Maganda po," sagot ko.
"Madami ang maganda sa islang 'to, boy," sabat ng pulis at nagtawanan sila kaya naikuyom ko ang kamao ko. Kanina pa 'to sila e.
"Mukhang bagong salta ka lang dito," sabi ng mayor.
Tumango ako. "Maganda ho siya, maputi, kulot at mahaba ang buhok at--" Napalunok ako ng laway. Ayaw pa naman ni Epok na ilarawan ko ang hitsura niya pero wala akong choice. "M-Matulis ho ang tainga niya na parang duwende."
Napataas ang kilay ng mayor at napatingin sila sa akin lahat. Iniwas ko ang mga mata ko dahil tumahimik silang lahat. Anong meron? May nasabi ba akong mali?
Biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang lalaki na mas bata pa kay Mayor. Unang napansin ko ay ang tainga niya.
"Tito? Dadalaw ho kami ni Suin bukas sa inyo," paalam nito kay Mayor at napatingin sa akin. "Bagong salta?" tanong niya na parang kinikilala ako.
"Hinahanap niya ang girlfriend niya, Dale," sagot ni Mayor.
"Wala ka bang litrato?" tanong ni Dale.
Naalala ko ang cellphone ko kaya dinukot ko sa bulsa at hinanap ang picture ni Epok.
"Heto ho," sabi ko at tumayo saka pinakita sa kanila. Walang matinong litrato si Epok. Lahat ay naka-kiss sa pisngi ko. Siya kasi ang may hawak nito bago kami nagtampuhan o mas tamang sabihin na bago dumating si Kylie.
Pinakita ko kay Mayor at sa lalaking tinawag niyang Dale.
"W-Wala na hong medyo matino eh," nahihiyang sabi ko. Ini-scan ni Dale ang cellphone ko kaya napangiwi ako sa picture namin ni Epok. Naka-lips to lips kasi kami habang nagpi-picture siya. Remembrance raw namin kaya ginawan niya ng album sa Gallery.
Napatingala ako kay Dale na biglang dumilim ang mukha.
"Sumama ka sa akin, bata!" madiing sabi niya.
"K-Kilala mo ho?" Nabuhayan ako ng pag-asa. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa. Nahihiya ako. Baka mga conservative ang mga tao sa islang ito. Nakakahiya ang mga litrato namin ni Epok. Pero no choice ako e.
"Sumama ka at ihatid ka niya sa girlfriend mo," sabat ni Mayor na nakangiti.
Nakahinga ako nang maluwag nang iabot sa akin ng isang pulis ang maleta ko.
Walang imik na lumabas si Dale kaya sumunod ako sa kaniya. Sa tantiya ko, mga tatlo o apat na taon yata ang agwat ng edad niya sa akin.
"Sir? Kilala mo ba talaga si Epok?" tanong ko.
"Sumakay ka na," sagot nito kaya sumakay na ako sa pick-up niya. Mayaman siguro siya. Latest model ang sasakyan e.
Hindi ko na siya kinausap dahil mukhang wala siyang balak na kausapin ako.
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa panonood ng malalaking puno sa gilid ng kalsada. Sobrang laki ng mga kahoy na hindi ko alam kung ano ang mga pangalan nila. Malaya rin ang malalaking ibon na lumipad sa kalawakan. Para akong nasa paraiso.
Napapreno siya nang may dumaan na malaking baboy-ramo sa kalsada. Ang pangit ng mukha at makapal pa ang itim na balahibo tapos may pangil pa.
Huminto pa talaga ito sa gitna at tumingin sa amin kaya napahigpit ang pagkahawak ko sa seatbelt ko. Susugurin ba niya kami? Jusko, malapit na akong mahimatay.
Nang makatawid na, ipinagpatuloy niya ang pagmaneho. Ang bilis niyang magpatakbo. Kung sabagay, solo naman namin ang cementadong kalsada.
Matapos ang kalahating oras, napanganga ako nang makita ang malaking gate at malapad na building na may ilang palapag na napapalibutan ng punong-kahoy. May mga estudyanteng lumabas sa malaking gate habang bitbit ang libro.
"Central Philippine University," pagbasa ko sa nakaukit sa malaking arko ng paaralan at nanlaki ang mga mata.
"CPU?" bulalas ko nang ma-absorb ng utak ko ang paaralan. Nananaginip ba ako? Sa pagkakaalam ko, lahat ng na-kickout sa CTU o Westbridge ay dito nila itinatapon para tumino. May mga haka-hakang assasins ang professors dito.
"Nandito ako sa Paradise island?" bulalas ko pero hindi ako pinapansin nitong katabi ko hanggang sa makarating kami sa bahay na may malaking bakod. Automatic na bumukas ang malaking gate kaya tumambad sa mga mata ko ang malawak na hardin na puno ng paru-paro. Ang laki at lawak ng mansion. Wala pa nga sa kalahati ng bahay namin. May mga kubo sa isang sulok at maraming rabbit na naghahabulan sa paligid.
"Baba na," sabi nito nang tinanggal ang seatbelt kaya alinlangang bumaba ako.
Sa pagkaaalam ko, ang unica hija ng fraternity king ang piniling manirahan sa islang ito at bumuo ng pamilya kasama ang asawang Angeles na naging mortal na kaaway ng mga Lacson ang ninuno.
Ibig sabihin, totoo ang paradise island? Haka-haka lang ito at walang kumpirmasyon sa social media dahil bawal mag-upload ng litrato ng isla dahil sa mahigpit na pangangalaga ng mga taga isla sa kanilang likas-yaman.
"Dale," tawag ng magandang babae na palapit sa amin.
"Si E, Suin?" seryosong tanong nito matapos humalik sa magandang babaeng lumapit. Ne hindi ko man lang nakitang ngumiti ito mula pa kanina.
"Hindi ko alam," sagot nito at napatingin sa akin. "May bisita pala tayo?"
Ibig sabihin, isang Angeles itong si Dale?
"Dale, nasaan ang kambal?" tanong ng babaeng palapit sa amin. Nagulat ako nang mamukhaan ang kasama nitong lalaking mukhang asawa niya. Ito ang lalaking nakausap ko nang lumabas ako sa elevator sa condo building ni Kale. Napatingin ako sa tainga niya. Kapareho nitong kay Dale.
"Nasaan si Empress, Dale?" ulit nito at napatingin sa akin.
"Malay ko. Ang sabi niya, mangabayo lang siya, Dad," sagot ni Dale at humalik sa ina na ang bata pa ng mukha.
"Bakit ka nandito?" tanong ng ama ni Dale kaya napalunok ako ng laway.
"H-Hinahanap ko po ang girlfriend ko," magalang na sagot ko at pilit na iwinawaksi ang nabuong bagay sa isipan ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.
"Sa tuwing magkita tayo, palagi na lang nawawala ang girlfriend mo," sabi nito.
"K-Kaya nga po eh," ani ko. Matulis ang tainga nito. Si Dale matulis din. Hindi kaya--.
Napatingin kami sa lumilipad na ducati na biglang sumulpot sa kung saan.
"Wew! Ang saya!" hiyaw ng boses babae nang nag-landing ang mamahaling black ducati sa tabi namin.
Tinanggal nito ang helmet at bumaba. Halos mawalan ako ng ulirat nang makita ang mukha ng babaeng racer.
"Na-miss ko po ito," masayang sabi niya at lumapit sa amin pero biglang napahinto nang magtama ang mga mata namin. Gusto ko siyang lapitan, yakapin, at hagkan pero nawalan ako ng lakas.
"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong niya at napatingin kay Dale na madilim pa rin ang mukha.
"B-Baby E," usal ko. Wala akong masabi. Para akong natakluban ng langit sa natuklasan ko.
"Anong ginagawa mo rito, Preenz?" galit na tanong niya na inismiran ako. "Paano ka nakapasok sa isla?"
"G-Gusto lang kitang makausap," nanlulumong sagot ko.
"Mag-usap kayo sa loob ng bahay," sabi ng ama nila.
"Bumalik ka na sa Maynila! Hinahanap ka na ni Kylie mo!" pagtataboy niya. Ang sakit. Tinataboy niya ako sa harap ng mga ito.
"Huwag mo siyang pauwiin!" madiing bilin ni Dale at hinila na ang asawa papasok sa mansion.
"Baby E? Pagkatapos ninyong mag-usap, papasukin mo na siya. Magpapakatay ako ng native na manok para sa kaniya," nakangiting sabi ng ina nila at niyaya na rin ang asawa papasok sa bahay.
"H-Hindi ko alam na tagarito ka pala," mahinang sabi ko nang kaming dalawa na lang ang naiwan. Nanlulumo ako nang mapasulyap sa ducati niya. Ibig sabihin, siya ang babaeng nasa racing field na isinakripisyo ang katawan para protektahan ako? Sigurado akong siya iyon.
"Ngayon alam mo na kaya umalis ka na," pagtataboy niya.
"B-Baby E, I'm sorry. Hindi ko alam na i-isa ka palang Lacson-Angeles," paumanhin ko. Ilang buwan kaming nagsama pero ngayon ko lang nalaman. Ibig sabihin, setup lang ang lahat. Fuck! Ang tanga ko.
"Kung nandito ka para humingi ng tawad, makakauwi ka na," walang ganang sagot niya kaya nanlambot ako. Gusto kong umiyak. Gusto kong magmura. Ang galing niyang umarte. Niloloko lang pala niya ako.
Mapaklang tumawa ako. "Lahat pala ay pagkukunwari lang. So, may mission ka, ha. Kasama pa ba sa misyon mo ang mapaibig ako? Ang mahalin kita pagkatapos ay iiwan mo rin lang?" sumbat ko. Hindi ako kagaya nilang fighter. Oo, mayaman kami pero wala sa kalingkingan nila ang yaman namin. Pobre pa rin kami kapag sila ang kaharap namin.
"Oo, kaya makakaalis ka na. Si Kylie, siya ang tunay na nagmamahal sa 'yo! Siya naman ang inuuna mo, 'di ba?" pagtataray niya. Ang sakit. Ganito na lang ba ako sa paningin niya? Isang puppet?
"Kasama ba sa pagkukunwari mo ang pakikipaghalikan sa akin?" tanong ko kaya natigilan siya.
"Wala ka na roon! Lumayas ka nga sa harapan ko!" singhal niya at tinalikuran ako. Galit siya.
"Hindi ba't ako ang dapat na magalit dahil sa umpisa pa lang, ako ang pinaglaruan? Ako ang ginagawang tanga?" pahabol ko pero tuloy-tuloy siya papasok sa mansion nila.
Binitbit ko na naman ang maleta ko at naglakad para sundan siya.
Nakapasok na ako sa bahay nang lumingon siya.
"Umuwi ka na! Ipapahatid kita sa chopper!" singhal niya.
"Hindi ako uuwi!" giit ko.
"Ano ba ang kailangan mo? Tapos na tayo!" Nagbabaga ang mga mata niya pero hindi ko na siya isinaisip.
"Ikaw ang kailangan ko," sagot ko.
"Kaya kong buhayin ang sarili ko, Preenz! See? Mas mayaman ako kaysa sa 'yo!" giit niya. Nakakalula ang loob ng mansion dahil halos lahat ng gamit ay gawa sa matibay na kahoy at ang gaganda pa ng desinyo.
"Alam kong mahirap lang ako kaysa sa 'yo pero kaya ko ring ibigay ang pangangailangan mo, Epok!" giit ko.
"Hindi ako si Epok! Alam mo bang galit na galit ako sa putang inang pangalan na 'yan?" pasigaw na sabi niya.
"Pero iyan ang pangalan mo na minahal ko," giit ko.
"Lokohin mo sarili mo! Sinungaling ka! Hayop kayo ni Kylie mo!" singhal niya.
"Watch your mouth, young lady!" saway ng ina niya na papalapit sa amin.
"Mom? Iuwi na ninyo siya!" sabi ni Epok. Nag-iba na siya. Kung matapang siya noon, mas lalo na ngayon. Kung maaga ko lang sanang natuklasan ang pagkatao niya, baka sakaling nakaiwas pa ako sa kaniya.
"Bisita natin siya kaya kausapin mo siya nang maayos," mahinahong sagot ng ina niya.
"Ewan ko sa inyo!" pagsisinuplada ni Epok saka padabog na iniwan kami.
"Pagpasensiyahan mo na, Preenz. Ganiyan lang talaga siya. May pagka-spoiled brat," paumanhin ni Tita.
"Sanay na po ako sa kaniya," magalang na sagot ko.
"Anndy," pagpakilala niya. "Just call me Tita Anndy. Si Zero naman ang ama niya."
"Salamat po," pasalamat ko.
"Pagpasensiyahan mo na muna si Baby E, nasaktan lang siya sa nangyari. Hindi kasi niya inaasahan na sundan mo siya rito."
"M-Malaki ho ang kasalanan ko sa kaniya," mahinang sabi ko.
Ngumiti ito. "Magpahinga ka muna. Ipapahatid kita sa katulong sa guest room. Kakausapin lang namin si Baby E."
"Maraming salamat ho," pasalamat ko kay Tita Anndy. Lumapit ang katulong at kinuha ang maleta ko.
Napatingin ako sa Kuya Dale ni E. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Naalala ko ang mga litratong ipinakita sa kaniya kanina. Napalunok ako ng laway at iniwas ang mga mata. Malamang iyon nga ang ikinagalit niya. Damn!
"Shit! Huwag na sana niyang ipaalam kay Baby E," lihim na panalangin ng isip ko bago sumama sa katulong na maghahatid sa akin ng kuwartong tutuluyan ko. Tiyak, double ang galit na naman ng babaeng 'yon kapag malaman niya ang katarantaduhang ginawa ko sa harapan ng kuya niya.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon