31

1.6K 78 2
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

[Preenz POV]

"Happy valentines day," bati ko at niyakap siya mula sa likuran. Nagulat pa siya nang pagpasok niya sa silid namin, puno ng roses and candles sa sahig.

"Hala. Bakit may ganito pa, Baby P? Sabi mo magdi-dinner lang tayo sa labas," sabi nito saka humarap sa akin pero nasa bewang pa rin niya ang mga kamay ko.

"Kasi hindi na 'yon surprise," sagot ko at nginitian siya.

"Hmm? Gigil mo ako," nakalabing Sa i ni Epok.

"Hindi ka ba masaya?" tanong ko.

"Masaya," sagot niya saka itinaas ang mga kamay at ipinulupot sa leeg ko at hinagkan ako sa mga labi. Sinalubong ko ang mga halik niya pero agad naman niya akong tinulak at bahagyang lumayo sa akin.

"Salamat sa paghanda. Sobrang na-appreciate ko, Baby P. Mas lalo lang nahuhulog ang loob ko sa 'yo at natatakot ako," seryosong sabi nito na naguguluhan ang mga mata.

Isinisigaw ng mga mata nito na natatakot siya kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Walang pagtutol mula sa kaniya. Hinayaan lang niya akong yakapin siya nang mahigpit.
"Huwag kang matakot. Kahit na ano ang mangyari, mamahalin kita," bulong ko at hinagkan ang gilid ng mukha niya. "Alam kong pinagtatawanan lang ako ng mga kaklase ko dahil ipinagpalit ko si Sheena sa 'yo pero mahal kita."

"Hayaan mo na si Sheena, traidor lang siya," pabulong na sabi nito.

Inilayo ko ang katawan ko saka sinuri ang mukha niya.

"Bakit siya traidor?"

"Kasi bestfriend niya si Kylie at gusto ka niya. Hindi mo ba naisip na baka siya ang nagpapatay kay Kylie para maagaw ka niya?" seryosong sagot nito kaya natigilan ako.

"N-No," sabi ko. "Maaaring maldita si Sheena pero hindi niya kayang pumatay ng tao."

Babae si Sheena at hindi siya ganoong tao. Isa pa, bestfriend ito ni Kylie. Masyado silang malapit sa isa't isa para magawa niya ang bagay na iyon.

"Why? Lahat ay kayang gawin alang-alang sa pagmamahal. Nagbibigay lang naman ako ng mga possible answer sa mga katanungang bumabagabag sa isipan mo. Hindi ko sinasabing tama ako," anito kaya tumango ako.

"Alam kong hindi ka naniniwala sa akin,
Preenz!"

Napahilot ako sa sintido ko. "Let's talk about this in some other time, okay? Matulog na tayo, baby." Pag-iiba ko ng usapan.

"Fine! Pero huwag mo akong kausapin!" nakasimangot na sabi niya saka padabog na pumasok sa shower room pero agad namang bumukas ang pinto. "Pakikuha naman ng panty ko sa maleta. 'Yong kulay red," pakiusap nito.

"S-Sige..." nahihiyang sagot ko at binuksan ang maleta niya. As usual, branded ang mga gamit. Madiskarte lang talaga ito kaya nakukuha nito ang gusto.

"Ang tagal mo!" reklamo niya kaya nang may nakita akong underwear, kinuha ko at dinala sa kaniya.

"Salamat," pasalamat nito nang kunin sa akin.
"Epok? Pupunta lang ako sa lobby," paalam ko.

"Ano ang gagawin mo?" tanong nito na nakapamewang hawak ang binigay kong panty.

"Makipag-usap kina Brent at Rylan," sagot ko. Isang malakas na pagsara ang naging sagot sa paalam ko.

"Aalis ako, ha. Basta nagpaalam na ako sa 'yo," malakas na sabi ko.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon