Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
Undited...
[Epok POV]
Galit siya sa akin dahil sa palakang nangitlog sa tub niya. Naunawaan ko naman siya dahil alam kong sumusobra na nga ako. OA, 'ika nga. Eh, sa gusto ko siyang asarin, eh. Para siyang timang kahit na nagmumukha akong isip-bata. Well, hindi lahat ng oras, ang childish ko.
Gumaganti lang ako dahil alam kong may binabalak siyang masama sa akin. Pero ang nakakainis, ay ang halikan niya ako. He stole my first kiss at pagbabayaran niya ang lahat ng ito. Hayop siya e. Asaran lang sana pero walang halikan. Para tuloy baboy na gutom ang humalik sa akin. Sinakop pa talaga niya ang buong labi ko e.
"Tanggalin mo ang palakang iyon sa bathtub ko!" Ayan, sumisigaw na naman siya habang palapit sa akin.
"Tanggalin mo. Wala namang problema sa akin basta magsusumbong ako sa parents mo."
"Magsumbong ka! Mas mabuting malaman nila ang kagagahan mo!" Wala na talagang preno ang bunganga nito kaya blangko ang mukhang hinarap ko siya.
"Alam ng parents mo na playboy ka at ano na lang ang isipin nila na pati ako, pinapatos mo?"
Natigilan ito kaya sinamantala ko na. "See? Hindi ba't nanliligaw ka sa akin? Dapat alagaan mo ang palakang iyon."
"I hate frogs!"
"It was a present from my family kaya ingatan mo!" giit ko. Okay lang naman kung normal na palaka iyon but it was rare. Nag-effort ang kuya ko sa paghuli ng palakang iyon kaya dapat pahalagahan niya.
"Epok nam--"
"Kahit kailan, hindi kita sasagutin. Palaka pa lang, hindi ka na marunong magpahalaga, sa akin pa kaya?" hamon ko. Kunyari ay naniniwala na akong seryoso siya sa akin.
"Iba ka, iba ang palaka. Ayaw ko sa palaka!" giit na naman niya na kino-control ang sarili.
"Ayaw mo sa palaka at ayaw mo rin sa akin?"
"No," mabilis na sagot nito. "G-Gusto kita pero huwag na nating e-involve ang palaka."
"Anong mali kay Froggy?"
"Epok naman." Ikinumpas na niya ang kamay. "Dangerous iyon. Poisonous at--"
"Bumili ka ng malaking aquarium at ilipat sila roon para tapos ang usapan," sabi ko kaya nanlumo siya. As in hinang-hina na talaga ang utak niya sa akin. Well, pasensiya na siya.
Gumagana ang malikot kong utak e.
"Ayaw mo, Preenz? Kapag ilipat mo sa aquarium si Froggy at ang mga itlog niya, sasagutin na kita."
Tinalukuran ko na siya dahil may gagawin pa akong assignment.
"T-Talaga? Sasagutin mo na ako?" tanong nito at hinabol ako saka hinawakan sa kanang kamay. Gusto ko sanang baliin ang radius bone niya pero sa tingin ko, hindi ko kaya. Ang higpit kasi ng pagkahawak niya para hindi ako makawala.
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko at sinimangutan siya.
"Sabi mo 'yan, ha," nakangiting sabi nito.
"Oo," pagsang-ayon ko.1
"Usapang matino 'yan, Epok, ha," sabi nito na mukhang nagdududa pa kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Aminado akong mahilig akong mang-blackmail pero sa maniwala ka o sa hindi, wala sa dugo ko ang pagiging sinungaling," seryosong sagot ko at binigyan siya ng 'bored look' para iparating na kapag pumalag siya, wala na itong mapapala pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...
