43

1.6K 67 0
                                    


Playing Love With A School Heartthrob

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 43

[Preenz POV]

"Namumutla ka na," sabi ni Brent.

"May problema ka ba, Hon? Bakit kaunti lang nakain mo?" nag-aalalang tanong ni Kylie.

"Okay lang ako," walang ganang sagot ko. Ang sakit na ng mata ko sa kakatutok sa cellphone ko pero wala pa ring tawag mula sa kidnapper ni Epok.

"Ba't wala si Rylan? Alam ba niyang may long tayo mamaya sa last subject?" tanong ni Brent.

"Ewan ko. Umuwi siya," sagot ko. Ang kulit ng magkapatid na 'to. Hindi sila nakakatulong.

"Tubig."

Napatingala ako kay Kylie na nakatayo sa harapan ko na hawak ang mineral bottle.

"Salamat," pasalamat ko at kinuha ang tubig.
Naupo siya sa tabi ko. "Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit wala kang ganang kumain?"

"I'm fine," sagot ko at hinawakan ang kanang kamay niya. "I-I'm sorry," paumanhin ko.

"Okay lang. Mamaya, babalik din ang appetite mo. Nag-aalala ka ba dahil baka malaman nilang nag-racing ka?" tanong niya.

Akala talaga nila ay tungkol sa pagkarera ang problema ko.

"M-Medyo," tipid na sagot ko.

"S-Sorry kung nangyari iyon sa 'yo. Kung hindi dahil sa akin--"

"Sssh... Huwag mong sisihin ang sarili mo," saway ko. "Wala kang kasalanan dahil ginusto ko iyon."

Kung maibabalik ang nakaraan, ganoon pa rin ang gagawin. Wala akong pinagsisisihan.

"Umuwi ka na, Kyl. Baka hinahanap ka na nina Mommy," sabi ni Brent.

"Mamaya na po, Kuya," tanggi ni Kylie.

Nataranta ako nang tumunog ang cellphone ko kaya nabitiwan ko.

"Hey," ani Kylie at pinulot ang cellphone kaya mabilis na inagaw ko.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"S-Sorry. Napagalitan kasi ako ni Mommy kaya baka sila ang tumatawag," paumanhin ko at napatingin sa cellphone. Thank God at hindi nabasag. Si Mommy nga ang tumatawag.

"Siya nga," sabi ni Kylie na nakatingin din sa screen ng cellphone ko. "Sagutin mo ba?"

Napabuntonghininga ako at naupo. "Huwag na. Mamaya na lang. Sabihin ko na lang na natutulog ako nang tumawag siya."

"Preenz? Kung pagalitan ka, punta ka lang sa bahay, ha. Welcome ka sa amin," nag-aalalang sabi ni Kylie. She's so perfect. Wala akong mahihiling pa pero bakit hindi ako masaya?

Lahat nasa kaniya na pero bakit nakukulangan ako?

"Magpakasal na lang kaya kayo?" sabat ni Brent kaya sabay kaming napatingin ni Kylie sa kaniya.

"Bata pa kami, Kuya," nakasimangot na sabi ni Kylie kaya napatitig ako sa mukha niya.

Mula noong una ko siyang makita, palagi kong nai-imagine na ikinakasal ako sa kaniya. Na bubuo kami ng masaya at malaking pamilya.

Na magpapatayo kami ng bahay para sa mga anak namin pero bakit ngayon, wala na. Ne hindi ko na nai-imagine ang ganoong scenario? Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

"Doon din naman 'yon papunta," sabi ni Brent.

Mula noon, boto talaga siya sa pagmamahalan namin nang mapagtanto niyang mahal ko talaga ang kapatid niya.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon