17

1.6K 69 1
                                    



Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

[Epok POV]

Wala akong magawa kaya nakabukaka ako sa kuwarto habang nanonood ng TV at dumidila ng lollipop. Hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ng ex ni Preenz. Ganito lang ako, paloko-loko pero nag-iisip din ako.

"Racing," sambit ko at napaisip. Walang duda, siya ang dahilan kung bakit nasa racing sina Preenz. Namatay ang girlfriend nito habang nagkakarera.

"Masakit sila sa bangs," sabi ko at tumayo saka itinali ang mahaba kong buhok. Ang init e. Hindi kaya ng aircon ang pagiging hot ko.

Nagpalit ako ng panlakad na damit saka inayos ang red ribbon na nakatali sa buhok ko. Palabas na ako nang bumaling ako sa salamin at nginitian ang sarili ko.

"I love you, Self. Ang ganda ko," puri ko sa sarili at lumabas na saka hinanap ang duwag kong boyfriend.

Pababa na ako sa hagdan nang makasalubong ko siya. Wala itong imik kaya matamis na nginitian ko ang mokong.

"Let's go, baby?" tanong ko kaya napatigil siya at tumingala sa akin. Bale 5 steps ang agwat namin.

"Ba't hindi ka pa nakabihis?" bulalas na tanong ko habang nakapamewang.

"Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong niya.

"Di ba magmo-mall tayo? Bakit hindi ka pa nakabihis?" Napatingin ako sa wristwatch ko na bigay ni Tita Janine. Alas tres na ng hapon kaya napamulagat ako. Grabe, kanina lang, alas dos pa lang nang tumayo ako. Ang bilis ng oras. Pero mas mabilis talaga ang pang-iiwan ng ex ng mga tanga kaya keribels lang.

"Anong mall ang pinagsasabi mo?" tanong nito. Nakita ko sina Tita Janine at Tito James na paakyat na ng hagdan galing sa labas ng bahay.

"May lakad ka, Epok?" tanong ni Tito James.

"Tito? Niyaya po kasi ako ni Preenz na mag-mall pero hindi pa siya nakabihis kaya hintayin ko na lang siya sa baba," sagot ko.

"What? Hindi ako nagyaya," tanggi nito na parang lulundag ang mga matang nandidilat sa akin.

"Sabi mo, mag-mall tayo ngayon. Ayaw ko pa nga pero sabi mo, sasamahan kita. Dapat sinabi mo na hindi tayo matutuloy para pinuntahan ko na lang si Krista na gumawa ng assignment namin," nagtatampong sabi ko.

Gusto ko sanang saluhin ang halos malaglag nitong panga habang nakatingala sa akin.

"Preenz? Samahan mo na si Epok," sabi ni Tita Janine.

"Naku, huwag na po. Baka may pupuntahan pa siya. Baka magkikita pa sila nina Brent at pupunta sa--"

"Nakalimutan ko lang! Fifteen minutes and we'll go. Just wait!" naiinis na sabi nito kaya lihim na napangiti ako.

"Okay," sagot ko. "Sure ka? Sasamahan mo na ako?"

"Oo!" sagot ng mokong na naikuyom ang kamao. Hala, galit na siya. Bahala siya.

"Okay, sige na lang," wika ko saka bumaba na at nilagpasan sila.

Naupo ako sa sala para hintayin si Preenz. Ang totoo, wala naman talaga kaming usapan. Bored lang talaga ako at wala naman akong makakasamang mamasyal kaya siya na.
Kapag kasi kausapin ko siya nang maayos, hindi 'yon sasama.

After 10 minutes, pababa na siya.
"Ganiyan ka ba talaga?" mahina pero galit na tanong niya.

"Oo," sagot ko at matamis na nginitian siya.
"Dyosa ako."

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon