Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 29
Uendited...
[EPOK POV]
"Ayaw mong sumali sa club?" tanong ni Preenz. Nakaupo kami sa ilalim ng mangga habang kumakain ng chichirya at nanonood ng mga estudyanteng naglalaro sa soccer field.
"Ayaw ko," sagot ko saka napasulyap sa kaniya.
"Why?" tanong nito.
"Kasi nga po, ayaw ko. Isa pa, hindi ako mahilig makihalubilo at makisama sa ibang tao," sagot ko. Mas pipiliin ko pang makipagkarera sa racing field kaysa sa makipag-usap at makipag-plastikan sa iba.
"Magaling ka namang sumayaw at may potential ka bilang rapper," pangungumbinse nito. Minsan na niya akong narinig na nagra-rap habang naghahanda ng breakfast ko.
"Ayaw pa rin," ani ko.
"Antisocial," bulong nito.
"Hmm. Totoong tao lang ako," sabi ko.
"Narinig mo 'yon? Ang talas talaga ng pandinig mo," nakangising sabi nito na ikinasimangot ko. Heto na naman siya, pinagdidiskitahan na naman ang tainga ko.
"Tainga ko na naman?" reklamo ko.
"Ang cute kasi, bagay sa 'yo, baby," sabi nito at inilagay ang slingbag sa lap niya saka parang may dinudukot kaya humaba ang leeg ko para tingnan kung ano ang laman ng bag niya.
"Ano 'yan?" curious na tanong ko dahil inilayo niya ang bag.
"Here," sabi nito sabay abot ng isang puting rosas. "Para sa 'yo."
Nakatitig lang ako sa hawak niyang bulaklak. Pasimpleng inipit ko ang buhok sa kanang tainga ko.
"B-Bakit mo 'ko binibigyan ng bulaklak?" Alam kong nauutal ako pero kasi, hindi ko na ma-control ang puso ko habang nakatitig sa bulaklak.
"Kasi nang makita ko 'to, ikaw agad ang pumasok sa isip ko," sagot nito kaya napalunok ako ng laway. Inilapot niya ang bulaklak kaya maingat na kinuha ko ito saka sininghutan. Ang bango.
"Salamat, Baby P."
"I love you," mahinang sabi nito kaya natigilan ako at sinalubong ang mga mata niyang nangungusap.
"I l-love you too," sagot ko saka pasimple na namang napasinghot sa bulaklak saka napasulyap sa kaniyang titig na titig sa mukha ko. Nakakailang.
Paano ko kaya matatakasan ang kaguwapuhan nito? Tumayo ito at hinarap ako.
"Ngayon lang kita nakitang namumula, Baby E."
Jusko, uminit ang buong katawan ko. Sabi ni Daddy, bawal akong manghina. Bawal padadaig sa mapang-akit na nilalang para hindi ako malinlang pero bakit ngayon, paunti-unti kong nilalaglag ang sarili ko sa isang butas na alam kong patibong?
"Ang cute mo," puri niya kaya namamawis ang magkabilang kamay ko.
"K-Kasi--" Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Masyadong kinain ng boses ng puso ang utak ko.
"Kasi?" ulit niya na hinihintay ang sagot ko.
"K-Kasi natatae na ako, Preenz," nakangiwing sagot ko.
"Seryoso ka?" nagdududang tanong niya kaya humalakhak ako.
"Halika na nga, uwi na tayo?" tanong ko at napatingin sa wristwatch na bigay ni Tita Janine. Hindi niya alam na isa akong Lacson-Angeles kaya kung nagkataong mahirap nga ako, ang suwerte ko kay Tita.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...