3

2.8K 91 2
                                    


Playing Love with A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited...
"Hmmm... Ang sarap talaga ng donuts," wika ko tapos dinilaan ang middle finger dahil may kumalat na chocolate sa daliri ko. Napatigil ako nang mapansin kong may nakamasid sa akin. Oo nga pala, nasa harapan ko si Preenz.
Kumakain ako ng binili niyang donuts sa Krispy Kreme nang maupo siya sa harapan ko. Wala sina Tita Janine at Tito James kaya feeling donya ako. Nasa theater kasi ang mga katulong at nanonood ng movie dahil pinayagan sila ni Preenz na manood ayon sa request ko kanina.
"Kadiri ka talaga!" nandidiring sabi niya na parang nasusuka pa.
"Pakialam mo?" sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. May lakad ang mokong at sa race na naman. Bahala siya. Basta kapag marami siyang kalokohang gagawin, mas pabor sa akin.
"Sana manalo ang team ninyo," sabi ko kaya umarko ang kanang kilay niya. "Para may balato ako."
"Mukhang pera ka talaga, ano?" nanggigigil na sabi niya saka sinipa ang mesa pero tinawanan ko lang para mas lalong mapikon.
Ipinatong ko ang mga paa sa center table. Malinis naman ang paa ko.
"Pagkain ang hinihingi ko at hindi pera. Bakit? Kailan pa ako nanghingi ng pera?" depensa ko. May monthly allowance ako mula sa parents nito pero hindi ko naman nagagastos. Libre naman lahat: pagkain, pamasahe, at damit. Madalas na may pasalubong ang mag-asawa kapag mag-abroad sila.
Marami kami ang pinagpipilian noon na magbantay kay Preenz. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang napili nila gayong puro pagtataray lang ang sinagot ko sa interviewee.
"Aalis na ako. Kapag magtanong sina Daddy, pasabing natutulog na ako," paalam nito.
"Natulog kasi pagod sa--"
"Tumigil ka na nga! Kapag hindi mo itikom 'yang bibig mo, masasapak na talaga kita!" Pagbabanta nito.
"Don't you dare put your fucking hands on me!"
"Psh!" aniya saka tumayo. Alas otso na ng gabi at kadalasan ay midnight ang karera ng mga ito.
"Good luck! Sana manalo ka," pahabol ko pero more on pang-insulto. Paano, may pagkalampa ang mokong.
"Mananalo talaga kami kaya shutup ka na," saway niya na pinasundan ko lang ng tawa.
Nang makaalis na siya, iniwan ko ang apat na donuts para ibigay sa katulong. Hindi naman ako madamot. Basta makatikim lang ako ng pagkaing na-miss ko, okay na ako.
Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig.
"Tapos na ho ba kayo?" tanong ko kay Manang Darling nang pumasok ito.
"Oo. Ang ganda ng pinanood namin. Sana nakinood ka na rin," sabi nito.
"Busy po ako sa pagkain. May itinira po ako sa inyo," sagot ko kaya lumiwanag ang mukha nito. Siyempre foodtrip kami palagi.
"Naku, binigyan ka na naman ni Sir? Sabing may gusto iyon sa 'yo," tukso nito.
"Maganda po ako eh," pabirong sagot ko pero sa kaloob-looban ko, gusto ko na talagang masuka. Nunca na magkagusto ako kay Preenz. Wala silang alam sa pangba-blackmail ko sa amo nila. Hindi naman pala 'yon blackmail. Siya pa nga ang naka-benipisyo sa akin dahil nagagawa nito ang gusto.
"Matulog na po ako, Manang. Kayo na po ang bahala rito," paalam ko.
"Si Sir?" tanong nito.
"Tulog na po," sagot ko. Paminsan-minsan, tulong-tulong din sa mokong 'pag may time.
Preenz Pov
Kakarating ko lang dito sa Tagaytay. Ngayong gabi ang madugong laban dahil matitinik na racer ang masasagupa namin.
"Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ni Brent na sinasalubong ako.
"Mamaya pa naman ang simula," sabi ko. Maaga talaga kami para i-double check ang motorsiklo namin. Ang ingay ng paligid. Mga ugong ng motor ang naririnig ko kaya mahirap makipag-usap.
"Do you think, mananalo tayo?" tanong ni Joseph nang makalapit sa amin habang nakatingin sa ilang grupo ng racer na makakalaban namin. By team ang labanan ngayon. Every 5 kilometers, may nakaabang na player hanggang sa makaabot sa finishing line. Parang sack race ang laro at may five members each team.
"Think positive, dude," sabi ni Brent.
Napabuntonghininga ako at inayos ang ducati ko. Mahirap na dahil baka maaksidente na naman ako. Naalala ko na naman ang katulong na babaeng iyon! Hindi pa nga nagsisimula ang laban, na-badtrip na ako.
Ala una na nagsimula ang karera. Madalas ay madaling araw para walang istorbo at tulog na ang mga karatig bayan.
"Dude? Good luck!" sabi ni Brent at sumakay na sa ducati. Ako ang finishing namin at nakasalalay sa akin ang lahat.
Pinaandar ko na ang ducati patunga sa line ko. Malalakas ang kalaban kaya alanganin kami. Mahirap mang aminin pero para na kaming nakikipagkarera sa world champions. Galing pa sa ibang bansa ang iba sa kanila. But who cares? Kailangan kong maging magaling at mabilis. Tatlong taon ko nang ginugugol ang buhay ko sa pagkakarera at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.
Lahat kami ay nakapuwesto na at inaabangan na lang ang go signal. Isang malakas na putok ang narinig namin kaya nagsimula na ang hiyawan. Naririnig ko na rin ang maugong na tunog ng nagkakarera palapit sa amin.
Natigilan ako nang makita ko ang isang ducati palapit sa amin.
"Shit!" pagmumura ko. Hindi ko pa natatanaw si Brent pero dalawa na ang malapit sa amin.
Mahigpit na hinawakan ko ang manibela. Kailangan kong maging mabilis dahil sa akin nakasalalay ang lahat.
Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang makita si Brent na humaharurot palapit sa akin.
Agad na inabot ko ang flag at nakipagkarera sa nauna. By hook or by crook, kailangan ko silang maabutan.
Wala na akong naririnig sa buong paligid. Ang goal ko lang ay ang finishing line pero bago ko pa maabutan ang nasa unahan ko, humiwalay na ang katawan ko sa ducati.
"Tol! Gising. Okay ka lang?" Narinig ko si Brent na niyuyugyog ako sa balikat.
"O-Okay lang ako," sagot ko at bumangon.
"Dude? Huwag kang tumayo. Baka may bali ka," sabi ni Rylan pero sumenyas ako na okay lang ako at paika-ikang naglakad habang hinuhubad ang helmet. Nasa malayo ang ducati ko at wasak ang ibang parti nito kaya nanlumo ako.
"Ihatid ka na namin," alok ni Brent kaya nanlumo ako. Talo kami. Kami ang pinakakulelat dahil hindi ako nakaabot sa finishing line. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Masyado akong naka-focus sa finishing line kaya hindi ko na-control ang manibela ng motorsiklo ko.
"Kami na ang bahala sa ducati mo, 'tol," ani Rylan.
Inakbayan ako ni Brent. "Okay lang. Pera lang 'yan, Preenz. Mas mahalaga ang buhay mo. Babawi tayo nextime."
Wala akong kibo hanggang sa nakarating kami sa bahay.
"Salamat," tipid na pasalamat ko nang tumigil ang sasakyan sa likod-bahay.
"Huwag ka na ngang mag-isip. Babawi tayo at ilalampaso natin sila!" sabi ni Brent kaya tumango ako at pumasok na sa gate sa likod-bahay. Alam na ni Epokrita iyon kaya bago matulog, binubuksan na niya ang gate kapag siguradong wala nang taong lalabas.
Madilim ang buong kabahayan kaya binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko saka maingat na dumiretso sa kuwarto.
Binuksan ko ang ilaw at naupo sa gilid ng kama saka ibinaba ang pantalon.
"Haist!" ani ko saka napahawak sa malaking gasgas sa kanang binti ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi. Palibhasa namanhid kanina.
Napatingin ako sa bumukas na pinto. Huli na para pagtakpan ko ang tuhod ko.
"Ba't gising ka pa?" naiinis na tanong ko sa babaeng palapit sa akin at nakatingin sa sugat ko. As usual, magulo na naman ang mahabang buhok nito na halatang hindi na nag-abalang magsuklay pa. May pang-blackmail na naman 'to sa akin kaya mauubos na naman ang allowance ko sa kaniya.
"Naalimpungatan ako sa kaluskos kaya napabangon ako," sagot nito at lumapit sa cabinet at kinuha ang medicine kit.
Okay lang naman kasi naka-boxer shorts naman ako kaya walang problema kahit na maglagi ito sa loob ng kuwarto ko. Sanay na ako sa kaniya kasi naglilinis ito kahit na nandito ako. Kung paglilinis nga ang matatawag dahil wala talaga siyang ginagawa. Buhatin ang libro ko tapos ibalik naman. Ne wala man lang punas kaya pinapaulit ko kina Manang.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pagkakarera mo?" tanong niya saka kumuha ng gauze at nilagyan ng normal saline at hinugasan ang sugat ko.
"Buhay ko na ang pagkakarera." sagot ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
"Hmm? Buhay mo rin ang magiging kapalit diyan," sabi niya saka nilalagyan ng betadine ang cotton.
"Ouch!" daing ko. Ang hapdi.
"Kaunting tiis lang. OA mo naman," sabi nito kaya tiniis ko na lang. Nagulat lang ako. Kaya ko pa namang tiisin e.
Tinakpan niya ng gauze at dinikitan ng plaster.
"Huwag mong basain itong dressing ko, ha. Kung hindi, malilintikan ka sa akin bukas!" pagbabanta nito at sinamaan ako ng tingin na para bang bata lang ako na tinatakot ng pulis.
"Fine. Salamat. Ano ang gusto mong kainin bukas?" tanong ko. Inunahan ko na dahil doon naman kami papunta. Ngumiti siya at nagpa-cute na naman sa akin kaya lalong naningkit ang medyo singkit nitong mga mata. Kasalan 'to nina Mommy e. Baka totoo ngang marunong manggayuma ang mga tagaprobinsya at ginayuma nito ang parents ko?
"Cookies. Masarap na masarap na cookies," sagot nito kaya napabuntonghininga ako.
"Fine. Lumabas ka na," pagtataboy ko. "Letse! Parang ikaw ang amo ah!"
"Hindi ko na problema kung bakit ka gumagawa ng gulo. Pasalamat ka nga, hindi kita sinusumbong sa parents mo, sa kaibigan mo at sa girl--"
"Tama na!" saway ko nang ipaalala na naman ang bina-blackmail niya sa akin. Kung ba't ba kasi siya ang palaging nakakakita sa kalokohang ginagawa ko. Ang tsismosa talaga niya. "At huwag mong ipaalam kahit kanino ang nangyari, okay?"
"Basta ibigay mo lang ang gusto ko, walang problema sa akin," pagpayag nito kaya naikuyom ko ang kamao ko. Kaunti na lang at makakasakit ba talaga ako ng babae.
"Lumabas ka na!" mahinang singhal ko dahil baka may magising pa at kung ano ang isipin ng mga ito kapag makita si Epokrita sa kuwarto ko sa ganitong oras.
"Tumigil ka na, talunan ka naman," pang-aasar pa nito kaya dinampot ko na ang tsinelas ko pero bago ko pa ibato sa kaniya, nakalabas na ang epokrita. Eh, kung kaibiganin ko na lang kaya siya? Hell, no. Not a good idea. Never.
"Paano ko kaya matatakasan ang pagiging tuso niya?" desperadong tanong ko. Nasobrahan yata ito ng tiki-tiki noong bata pa kaya masyadong wais ang epokrita.

A/n:
Wala pang title talaga basta may School Heartthrob na naman. Hahaha. Clichè man pero iyon talaga ang gusto kong isulat. Gustuhin ko mang ibahin pero ako rin naman ang nahihirapan.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon