Playing Love With A School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 53
Unedited....
[Preenz POV]
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Epok.
Palabad kasi ito sa gate sa likod-bahay nila kaya hinabol ko.
"Pakialam mo?" pagtataray niya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Sama ako," sabi ko habang sinusundan siya.
"Bumalik ka na nga!" pagtataboy niya pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagsunod sa kaniya.
"Baby E? Saan--"
"Huwag mo akong tawaging Baby E! Umalis na nga ako sa inyo tapos sinusundan mo pa ako? Nagpapahabol ka ba, Preenz?"
"Hindi a. Ako nga ang humahabol sa 'yo," tanggi ko.
Pumasok kami sa kagubatan. Tanghaling tapat pero hindi mainit ang loob ng gubat dahil sa makapal na dahon ng mga punong tumatakip sa sinag ng araw.
Ang iingay ng ibong naglilipatan sa sanga ng kahoy na parang naglalaro lang.
Napatingala ako sa dalawang malaking ibon na dumaan sa ulo ko. Mga agila.
"Baby E? Sandali lang," tawag ko nang binilisan niya ang paglalakad.
Hinabol ko siya pero hindi ko maabutan dahil sa mabilis niyang paglalakad.
"Baby E!" tawag ko nang lumiko siya sa malaking puno. "Haist!"
Lumiko ako pero sa pagkagulat ko, hindi ko na siya nakita.
"Baby E naman!" tawag ko. "Hindi ako nagbibiro. Saan ka na ba?"
Tumingala ako sa makapal na puno pero wala akong nakita. Iginala ko anv paningin ko sa paligid pero ne anino niya, wala na.
"Nakikipagbiruan ka ba sa akin? Sorry na kung sa tingin mo ay niloko lang kita. Sorry na kasi inuna ko si Kylie kaysa sa 'yo noon," paumanhin ko pero wala pa rin. Napaatras ako nang magsiliparan ang mga ibon mula sa malaking puno ng narra.
"Mahal kita! Mahal na mahal kita!" sigaw ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. Naririnig kaya niya ako? Nag-iecho naman ang boses ko sa loob ng gubat kaya hindi malayong hindi niya ako naririnig.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pero habang tumatagal, mas lalong lumakas ang tunog ng mga palakang kumukokak.
"Ouch!" daing ko nang masagi ang kanang braso ko sa sanga ng isang kahoy na puno ng tinik. "Aw!" hiyaw ko nang tanggalin ang isang tinik na bumaon sa balat ko. Ang daming kahoy na hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita.
Naupo muna ako sa malaking ugat ng kahoy para magpahinga dahil mukhang iniwan na nga ako ni Epok.
Pinagmasdan ko ang isang rabbit na papalapit sa akin. Ang ganda ng kulay nito, puti at itim.
Napangiti ako sa naisip. Kunin ko 'to tapos ibigay kay Epok. Baka sakaling matuwa pa siya.
"Kaunting lapit pa," bulong ko habang nakatitig sa rabbit na palapit.
"Shuuu!"
Napatayo ako nang binato siya ni Epok kaya lumayo ang rabbit.
"Baby E," sabi ko.
"Kung ano man ang makita mo sa gubat na ito, pagmasdan mo na lang. Bawal hawakan, bawal ilabas," nakasimangot na sabi niya.
"Bakit?" tanong ko at sinundan siya.
BINABASA MO ANG
Playing Love With A School Heartthrob
RomanceSimple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, an...
