26

1.7K 77 4
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

[Epok POV]

Three days na kaming hindi nagpapansinan ni Preenz buhat nang madatnan ko siya sa labas ng unit ni Kale. Basta kinabukasan, hindi na siya kumikibo kaya hindi rin naman ako.

Kailangan din naman ng pahinga sa pakikipagplastikan sa relasyon naming mas peke pa kay Bes.

"Himala, ang tahimik yata ninyo ni Preenz?" tanong ni Brent nang maupo sa tabi ko ni Krista. If I know, gago rin 'to. Gusto lang makalapit kay Krista pero ginagamit lang ako.

"Hayaan mo siya," tinatamad na sagot ko.

"Bibili lang ako ng makakain natin," paalam ni Krista.

"Libre ko na kayo," sabi ni Brent kaya napataas ang kanang kilay ko.

"Libre kami sa pagkain kaya chill ka lang," sabat ko.

"Libre ba? Himala. Kayo lang yata ang may free food na working student," sabi ni Brent kaya ngumiti ako.

"Malakas ang kapit eh," sagot ko. Actually, allowance ko na talaga ang binabawas sa kinakain namin ni Krista. Bestfriend ko siya kaya libre ko na. Hindi iyon nakakabawas sa yaman ng pogi kong ama. Isa pa, wala rin naman silang inaabot sa akin. Mabuti pa nga si Kale, palihim na binibigyan ako. Mahal kaya ako no'n.

Umalis na si Krista kaya kami ni Brent na lang ang naiwan.

"Epok? Hindi nakapunta si Preenz sa practice namin. Ano ba ang nangyari?" usisa ni Brent.

"Ha? Hindi ba?" inosenteng tanong ko.

"Sabi niya, may mahalagang bagay raw siyang pupuntahan," sagot nito na nakatitig sa akin.

Ibig bang sabihin, doon lang siya nakatayo sa labas ng unit ni Kale at hinihintay ang paglabas ko? Inorasan pa nga niya ako e.

"Baka may mahalagang bagay nga na pinuntahan, hindi ko alam," inosenteng sagot ko. Ayaw gumana ng utak ko ngayon dahil natutulog ang braincells ko.

"Baka mag-isa siyang nag-imbestiga sa racing field," malungkot na sagot ni Brent kaya napatingin ako sa kaniya.

"Brent? Hindi ba talaga kayo naniniwalang aksidente ang nangyari?" usisa ko na medyo nagising na ang 30% sa braincells ko.

Umiling ito. "Kilala ko ang kapatid ko, Epok.

Mabuting tao siya at hindi niya iyon magagawa. Dalawa lang kami kaya isang malaking trahedya ang nangyari sa kaniya.

Pero wala na kaming magagawa dahil isinuko na rin naman ng mga Lacson ang kaso. Isa pa, baka tama nga sila na hindi lang namin alam na nagdo-droga si Kylie. Pagod na rin ako, Epok. Ang kaso, ayaw siyang isuko ni Preenz kaya nakisama na rin ako," mahabang paliwanag ni Brent at napatitig sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"Anong meron sa tingin na 'yan?" inosenteng tanong ko. Grabe si Brent, parang may masamang pakay ito sa akin.

"Epok? Puwede bang paibigin mo si Preenz?" seryosong sabi nito kaya natigilan ako. "Aware ako na nakipaglokohan lang kayo sa isa't isa pero mas gustuhin kong mapabago mo siya."

"Bakit mo ginagawa ito, Brent?" seryosong tanong ko. This is not a joke anymore. There is something na kailangan kong isugal.

"K-Kasi kaibigan ko siya. Kung nasaan man si Kylie ngayon, ayaw niyang nakikitang ganito kalungkot si Preenz. Wala na ang kapatid ko kaya kailangan na niyang magbagong buhay.

Kailangan din niyang maging masaya," sagot ni Brent.

"Hindi ko kayang turuan ang puso, Brent. Isa pa, hindi ko kayang palitan si Kylie sa puso ni Preenz. Hindi ako mang-aagaw," sagot ko.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon