ASHLEY POV'S
Nang magsimula na ang kasalan ay lumapit na sa akin si ace at inilahad ang kanyang balikat, hinawakan ko ito nang nakangiti sa kanya at ganun din siya.
Naglakad na si ethan at lorraine paharap sumunod si drix at si alex at kasunod kami, nasa likod namin si chloe kasama si master
arthur at master edward. Nasa harap naman ang dalawang master kasama si kuya. Sa mga oras na ito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi lumuha sa sobrang saya lalo na nakikita ko na masaya ang kapatid ko.Nang nandito na kami sa harap ay naghiwalay na kami ni ace dahil hiwalay ang upuan ng lalaki sa babae. Nang nasa harap na si chloe inilahad ni kuya ang kanyang balikat para alalayan ang kanyang magiging asawa. Nagsimula ng magsalita ang pari para sa kanilang pag-iisamg dibdib. Ilang oras din ang inabot at sa wakas ay kinasal na din sila.
Naiyak na ako ng makita kong nagkiss na sila ibig sabihin ay mag-asawa na sila. Kung nakikita lang ito ni mom at dad masaya sila para sayo. Nang matapos ay hindi ko na napigilan tumakbo kay kuya at niyakap siya habang umiiyak.
"Kasal ko ito, bakit mas umiiyak kapa sakin." pagbibiro ni kuya pero naramdaman ko ng hawakan niya ang ulo ko. "Wag ka mag-alala, kahit kinasal ako hindi kita papabayaan." kumalas ako sa pagkakayakap kay kuya.
"Okay lang kuya, may pamilya kana kaya mas unahin mo sila." aniya ko habang pinupunasan ang luha gamit ang sariling mga kamay.
"Kahit may pamilya na ako, hindi kita kakalimutan. Ikaw lang ang kapatid ko." niyakap ako ni kuya ng mahigpit.
Habang abala ang lahat sa pagkain ay naglakad lakad muna ako sa gilid ng beach dahil ang sarap pagmasdan ang mga alon sa dagat. Kahit na hirap ako sa suot kong gown. Hinubad ko na ang heels ko dahil kanina pa ako nahihirap na suot ito mas gumaan ang aking pakiramdam ng matapakan ko ang malambot na buhangin, mas lalo akong sinipag maglakad. Hindi ko na tuloy napigilan ang sumayaw habang naglalakad para tuloy akong baliw. Bigla akong nawalan ng balanse pero natigil ako ng saluhin ako ni ace nakangiti ito sa akin, pero ako ay napatulala dahil sa gwapo siya o kinikilig ako, ewan ko basta...
Itinayo niya ako pero hindi parin ako nagsasalita sa pagkatutulala feeling ko tuloy namumula na ang mukha ko.
Pinitik niya ang noo ko, hindi naman ganun kasakit. "Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya.
"Ah eh... wala lang." mahinang sabi ko na kinakabahan.
"Galit kaba sakin?" tanong niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Hah! Hindi ah." sigaw ko.
"Kanina ang hina ng boses mo, ngayon naman sumisigaw ka." nagtatakang aniya.
"Pasensiya na" nakangusong sabi ko.
Nagtaka naman ako ng bigla siyang ngumisi. Sabay sabing. " Ang kyut mo baby."
"Hah?" yun nalang ang nasabi ko.
"Marunong ka palang sumayaw." napansin ko na pinipigilan niyang tumawa.
"Ace!!!" naiinis na sabi ko.
"Bakit, nagsasabi naman ako ng totoo." tumatawang sabi niya.
"Nakakainis ka talaga." pinagpapalo ko siya sa balikat niya.
"Sorry na baby, halika sumama ka sakin." hinawakan niya ang kamay ko.
Hawak ni ace ang kanang kamay ko habang naglalakad kami. Mas nauuna siyang maglakad sa akin, kaya pinagmamasdan ko ang kanyang likuran. Kahit nakatalikod ay gwapo pa rin siya. unang tingin mo palang sa buhok niya ay alam mo na agad na mabango ito.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...