"baby, umalis ka sa harap ko" mahinang sabi ko kay ace.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka nila" aniya ni ace.
"nababaliw kana ba talaga ace, baka mapatay ka nila" unti nalang ay lalabas na ang mga luha sa mata ko.
"Hindi ako natatakot mamatay baby, pero yung saktan ka nila. Mas masakit para sakin yun"
"Ace...," Nag-aalalang sabi ko.
"Ang drama niyo naman sa buhay" singit ni canon sa aming usapan.
"Canon, pakiusap ako nalang wag na si ace,"
"Kung yan ang gusto mo. Sige pagbibigyan kita" ngisi nito. "Alam niyo na ang gagawin" aniya nito sa mga tauhan.
Lumusob ang mga tauhan nito sa amin ni ace.
"Hindi niyo siya masasaktan" pilit ako hinarangan ni ace.
"Ace, tumabi ka jan" tinulak ko siya dahilan para siya ay mapahiga sa lupa.
Hinapas ako ng hinampas ng mga tauhan ni canon. Halos mapadiin ang mga kamay ko sa lupa at mapapikit sa sakit na nadarama. Nasulyapan ko si ace na tatayo pero bago pa mangyari yun pinalo na siya ni canon sa likod.
"Kaya ko" ngumiti ako sa kanya ng may kasamang luha.
Patuloy ang paghampas nila sakin. Kasabay nang aking panghihina, unting unti nalang ay hihiga narin ako sa lupa gaya ni ace. Pero kailangan kong tatagan ang aking sarili. Kung hindi baka kung anong mangyari saming dalawa.
"I...Itigil niyo na yan" pakiusap ni ace. Nakadapa siya sa lupa habang apak ng isang tauhan.
"Tumahimik ka" nahawak ko ang mga palad ko sa aking labi nang hampasin si ace sa ulo.
"Ace..." Sigaw ko walang tigil sa pag-iyak. Halos tumulo na ang kanyang dugo sa lupa.
Nalamukos ko ang aking kamay sa lupa dahil sa galit, nandilim nalang bigla ang aking paningin.
"Pagbabayaran niyo ito" nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanila.
Kinuha ko ang pamalo na hawak ng isang tauhan at pinalo ko iyo na sa ulo niya. Habang palapit sila ganun nalang ang paglayo nila.
"Ashley," narinig ko ang boses ni kuya jaxon. Ngunit patuloy parin ako sa paglapit sa tauhan ni canon.
"Ashley, itigil mo yan" sigaw ni harvey. Pero ayaw sumunod ng sarili ko sa sinasabi nila.
Hinugot ng isang tauhan ang baril sa kanyang tagiliran. Ang hawak kong pamalo ay binato sa kanya, kaya natumba ito at nabitawan ang hawak na baril. Tumalon ako papunta sa kanila. Sinunggaban sila ng aking kamao pinagsusuntok ko sila hanggang si canon nalang ang matira ngunit wala na siya sa aking harapan pagbaling ko at mukhang tumakas na ito.
"Ace, gumising ka" narinig ko ang sigaw ni kevin. Tumakbo ako palapit sa kanila.
"Huwag niyo siyang hawakan" pinigilan ko sila na alugin si ace dahil hindi makakabuti iyon.
"Tumawag na ako ng ambulansya parating na sila" sabi ni harvey.
Hindi ako nakinig sa usapan nila. Tanging si ace lang ang inaalala ko sa oras na ito. "Ace, parating na ang tulong." Walang humpay ang aking pag-iyak.
---*
Isang linggo narin ang nakalipas ng dinala namin si ace sa hospital. Ngunit hindi parin ito nagmumulat. Halos ako ang nag-aalaga sa kanya magdamag hindi ko magawang magpahinga dahil gusto ko ako mismo ang unang makita ni ace paggising niya. Pinagpapahinga ako ni mommy pero hindi ko magawa dahil nandoon parin ang pag-aalala ko lalo na at buhay pa si canon. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ng doktor na posibleng mawala ang alaala ni ace, kaya nalulungkot ako kung mangyayari nga iyon at mas lalo iyong nagdudulot ng sakit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...
