CHAPTER 59

172 10 1
                                    

ASHELY POV'S

Mula sa silid ay nakatingin ako sa bintana, nakakita nalang ako ng isang lalaki na tumalon mula sa itaas at may kasunod ito na para siyang hinahabol. Nang pinagmasdan ko ng mabuti ay nakita ko si david na hinahabol ng isamg lalaki.

Mabilis akong tumakbo mula sa pinto at bukas pala itong iniwan ni jay, kaya madali akong nakalabas. Pinuntahan ko muna ang mga master  at pinakawalan sila , humanap ako ng daan palabas yung hindi kami makikita ng kahit sino na tumatakas. Doon kami lumabas sa may likuran, nagmadali na kaming tumakbo kahit na hirap na ang mga master sa pagtakbo ay pinilit pa rin nila.

"Tumakas na po kayo." aniya ko sa kanila.

Ang mga master ay napalingon nalang sa akin.

"Ano bang sinasabi mo hija." aniya ni master edward

"Mauna na po kayo, Babalikan ko po sila mom." aniya ko.

"Hija, ano ba yang pinagsasabi mo. Hindi ka namin pwede iwan." aniya ni master henry.

"Wag po kayo mag-alala, kapag nakita ko sila mom at dad. Babalik po ako kasama sila." nakangiting sabi ko.

"Hija, hindi ka namin maaaring payagan sa desisyon mo." aniya ni master kyle.

"Hayaan na natin siya." sabat ni master arthur.

Nagsitinginan ang mga master kay master arthur."Pero arthur." aniya ni master kyle.

"Pagbigyan natin siya kahit ngayon lang." aniya ni master arthur sa mga master. Bumaling ito sa akin. "Basta hija, mag iingat ka." dagdag nito.

Tumango ako dito at niyakap sila. "Wag po kayong mag-alala, ibabalik ko sila mom dito at hindi ko na sila hahayaang mawala pa." aniya ko sa kanila.

"Sige hija, Kapag nakita namin sila ace ay papapuntahin namin sila agad dito." aniya ni master edward.

"Salamat po master." aniya ko sa kanilang lahat at nagbigay galang. "Umalis na po kayo, baka makita pa tayo ng mga bloody gang." aniya ko sa kanila.

  Tinanaw ko ang pagtakas nila sa dilim hangang sa anino nalang nila ang natatanaw ko. Sinundan ko si david kung saan siya tumalon at pinuntahan ang daan na tinahak niya. Dahil siya lang ang nakakaalam kung nasaan sila mom.

Sa paghahanap ko kay david ay nakarating na ako sa may gubat malapit sa bangin. Nakarinig ako ng kaluskos na palapit sa akin at nagtago ako sa may puno.

Nagulat ako ng nakita ko na lumabas mula roon si david at nakasunod na sa kanya ang lalaki. Puro galos ang katawan ni david halatang galing siya sa pakikipaglaban. Pero bigla kong naalala nasaaan si aaron at jay.

"Kailangan mo ng mamatay." aniya ng isang lalaki at kitang kita ang ngisi nito na mapang-asar.

"Hindi pa ako pwede mamatay, mauuna ka muna." aniya ni david sa lalaki, kitang kita ang pagod niya sa pagsasalita.

"Kakaiba ka rin talaga david." lumabas mula roon ang isang lalaki at si canon iyon.

  Napanganga nalang ako. "Anong koneksyon niya kay david." tinakpan ko ang bibig ko, napapikit nalang ako na baka marinig nila ako.

"Sino yun?" tanong ni canon sa lalaki. Lumingon sila sa paligid.

Nang makita kong palapit ang lalaki dito ay naupo ako sa may puno at tinakpan ang aking bibig. Pinipigilan kong huminga, dahil nakahawak ito sa puno.

"Siguro ay hayop sa gubat lang ang narinig niyo master canon." aniya ng lalaki kay canon at bumalik na ito.

"Siguro nga." aniya ni master canon.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon