CHAPTER 4

1.1K 47 6
                                    

JAXON POV'S

Nandito kami ngayon sa isang resto ni kevin. Ang SWEET DESSERT RETREAT. Dahil sa dami naming ginawa pagbalik sa manila ay kailangan din namin magrelax.

Nakita ng mata ko ang papasok na si ashley kasama ang harvey na yun. Tinignan ko ang mga kasama pero ayun nagtatawanan lang sila at mukang hindi napansin ang presensiya ng dalawa.

"Hey" aniya ko sa apat.

"Bakit jax may problema ba?" tanong ni ethan.

"Wala naman" ngiti ko. "Pero diba si ashley yun" turo ko sa gawi nila.

Nakita kong lumingin sila sa bandang gawi ni ashley.

"At kasama si harvey" aniya ni ethan.

"Hindi kaya inamin na ni harvey na gusto niya si ashley" sabi ko.

"Bagay naman sila ni miss cute transferee" natatawang tugon ni drix.

"Shut up drix!" Galit na aniya ni kev.

"Just eat" angil ni ace samin.

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso kami sa gamezone sa loob ng mall. At halatang bad mood ang dalawa. Naglaro kaming tatlo at hinayaan nalang ang dalawa. Nang lumapit sa akin si drix.

"Jax look, she's here miss cute transferee" aniya ni drix.

Lumingon ako at nandoon nga si ashley kasama si harvey. Pumunta si harvey sa likod ni ashley at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Inalalayan itong makaupo, hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila 'nakita ko naman na abutan ni harvey si ashley ng controller at mukang maglalaban sila. Nakita ko ang saya nilang dalawa habang
naglalaro. Nilingon ko ang dalawang katabi ko na ngayon, nababasa ko sa kanila ang inis na makita iyon.

Ringing....

Nang may tumawag kay ace, agad niya iyong sinagot.

"Kailangan na natin bumalik sa underground sabi ng mga master" aniya ni ace.

"Bakit daw?" Tanong ni kev.

"Isang impormasyon daw na kailangan natin malaman" seryosong sabi niya.

Pagkababa namin sa sasakyan ay dumeretso agad kami sa underground.
Napansin namin ng itaas niya ang envelope at ipakita samin.

Ano naman kaya yan..

Binuksan niya ang envelope at inilatag doon ang mga litrato.

"Sino sila master" di ko mapigilan ang magtanong.

"Sila ang mga grupo ng black gang ng kalaban natin" seryosong sabi ni master arthur.

Kinuha ni ace ang isang litrato at ang litrato na iyo ay si harvey.

"Si harvey yan diba" aniya ni drix.

"Kung ganun nakita niyo na siya" aniya ni master edward. Tumango kaming apat.

"Siya ang bagong transfer sa school" paliwanag ni ethan.

"Kung ganun wala na akong dapat ipag-alala" nakangising aniya ni master jake.

"Bakit master?" Tanong ni kev.

"Dahil mas malapit na sa inyo ang kalaban at hindi nila alam ha-ha-ha" natutuwang aniya ni master henry.

"Ano ba ang katayuan niya sa black gang" tanong ni ace.

"Siya ang Black King" pinakadiinan ni master kyle ang sinabi.

"Kung ganun siya pala ang black king, imposible dahil wala sa itsura niya" di makapaniwaang aniya ni ko.

Wala talaga sa itsura niya ang maging ganun.. dahil sa itsura palang niya halatang hindi kayang gumawa ng masama, makakita palang ata ng langgam takot ng patayin..

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon