CHAPTER 30

424 30 0
                                    


ASHLEY POV'S

Nandito kaming lahat sa court dahil nagpapractice na kami para sa darating na graduation sa susunod na araw. Ang bilis ng panahon hindi ako makapaniwala na gagraduate na ako. Sa oras na makagraduate kami ay lalo kaming magiging busy.

Matapos ang pagpapractice namin ay nagpunta ako ng canteen kasama ko si alex. Naupo kami sa paborito naming pwesto sa harap ng counter. Naalala ko pa na nakipag-away kami dahil lang sa pwesto na ito.

"Best, pag graduate natin. Sana may oras parin tayong magkita" aniya ni alex na pinaikot ang spaghetti sa may tinidor.

"Oo naman. Pero sana wag mo kong kalimutan" aniya ko.

"Bakit ko naman kakalimutan ang matalik kong kaibigan" aniya ni alex sabay subo ng spaghetti.

"Dahil ikakasal kana kay drix pagkagraduate,'hindi ba." Kinuha ko ang juice at ininom.

"Oo nga excited na ako" nilagay niya ang siko sa may mesa at hinawak ang magkabilang palad sa mga pisngi. Animo'y kinikilig.

  Dapat kami rin ni ace ikakasal,'sana. Kaya lang nawalan siya ng memorya. Matagal ko pa naman itong hinintay pero mukhang hindi matutupad ang maging asawa ang isang maurer..

Biglang nalang napalitan ng lungkot ang kaninang ngiti sa aking labi ng maisip iyon.

"Paupo kami" nakatulala lang ako hindi pinapansin kung sino ang kausap ni alex.

"Sige" aniya ni alex.

"Ashley, okay ka lang" bumalik lang ako sa wisyo ng igalaw ni jasper ang sariling palad malapit sa mukha ko.

"O---oo" utal kong sabi. Nagbaba ako ng tingin sa juice na iniinom ko.

"Alam ko na kung sino iniisip mo" aniya ni harvey.

Tumingin ako sa kanya. Ngumuso ako. "Kung sino man ang iniisip mo. Hindi siya" kinuha ko ang sandwich ni jasper at kinain.

"Siguro gutom lang siya." Aniya ni jasper. "Gusto mo pa ba ng sandwich. Ibibili pa kita" aniya pa.

"Hindi na okay na sakin ito" sinubo ko ang isang buong sandwich halos maging siopao na ang pisngi sa sobrang lobo.

"Ashley, ano kaba magdahan-dahan ka nga" hinagod ni harvey ang likod ko, kinuha niya ang bote ng tubig at binuksan niya iyon bago ibigay sakin.

"Pasensiya na" sabi ko kahit punong-puno pa ang bibig. Natakpan ko ang aking bibig na akmang masusuka dahil sa sandwich.

"Uminom kapa" abot ni jasper ng tubig. Kinuha ko iyon at inubos ang laman.

"Salamat." kinuha ko ang tissue na nasa mesa at pinunasan ang aking labi.

  Natigil lang ako sa pagpupunas ng makita ko si ace. Nakaakbay sa braso niya si lexi, naupo sila malapit sa pinto ng canteen. Umikot ang mga mata ni lexi ng makitang nakatingin ako.

"Ang hilig talagang dumikit ng linta na yan" mahinang sabi ni alex. Pero narinig siya ng mga kasama namin.

"Linta? Sinong linta?" Tanong ni jonas.

"Sino pa ba yung taong dumidikit kay ace," aniya ni alex magkakrus ang mga kamay. Lahat sila ay tumingin sakin.

"Bakit kayo nakatingin sakin. Mukha ba akong linta?" Tanong ko sa kanila.

Lahat sila ay umiling. "Hindi ka linta ashley, alam mo kung sino ang linta?" Tanong ni erwin sakin.

Tumango ako. "Si lexi" aniya ko.

"Meron pang ibang linta dito" natatawang sabi ni erwin.

"Hah? Sino naman?" Tumingin ako kay alex. Pero nagkibot balikat lang siya.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon