CHAPTER 45

416 29 0
                                        


  ASHLEY POV'S

Hanggang pag-uwi ko sa bahay iniisip ko pa rin ang ginawa ko.

     Sinaktan ko ang damdamin ni jasper para lang kalimutan si ace. Ginamit ko lang siya, hindi ko manlang inisip ang nararamdaman niya..

  Kinabukasan, tanghali na akong nagising kaya late na rin akong nakapasok, pagkarating ko palang ng ospital tumuloy na agad ako sa opisina ni jasper pero wala siya.

"Nasaan si Doc. Klein?" Tanong ko sa nurse na dumaan, paglabas ko ng opisina ni jasper.

"Nasa canteen po siya Doc. Smith, kasama pa ang ibang doktor" aniya.

  Naglakad ako papunta sa canteen at nakita ko nga siya kasama si Doc. Andrew at Doc. Lorraine, nagtatawanan sila mukhang maganda ang pinag-uusapan nila.

"Doc. Smith, akala namin hindi kana papaosok" sigaw ni Doc. Andrew.

"Halika dito Doc. Ashley" aniya ni Doc. Lorraine. Naglakad ako palapit sa gawi nila.

"Bakit ngayon kalang" aniya ni Doc. Andrew.

Hindi ko sila sinagot. Naupo nalang ako sa tabi ni Doc. Lorraine.

"May napapansin ako" aniya ni Doc. Lorraine . Alam ko na ang tinutukoy niya

"Ako din" aniya ni Doc. Andrew

Nakabuka na ang bibig ko upang magsalita. Ngunit patakbong pumunta ang isang nurse sa kinauupuan namin.

"Doc. Klein nandito po ang kuya mo. Si sir ace po" aniya.

Napatayo si jasper at naglakad papunta sa dinaraan ng nurse.

"Hanggang dito ba naman" angil ni jasper. Nasa harapan niya si ace.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito"

"Alam ko" mabilis na sabi ni jasper.

Naglakad si ace at nilampasan si jasper. Pumunta siya sakin.

"Ashley" aniya. Hinawakan niya ang kamay ko.

Ngunit nagulat ako ng paluin ni jasper ang kamay ni ace na nakahawak sa akin.

"Tigilan mo na nga ang kakalapit sa nobya ko" inis na sabi ni jasper. Halatang napupuno na.

"Chill lang guys" aniya ni Doc. Lorraine.

"Sir. Ace, umalis na kayo. Ayaw namin magkaroon ng gulo sa ospital" aniya ni andrew.

Bumuntong hininga si ace at humarap sakin. "Sige, magkita nalang tayo" aniya at tinalikuran na kami.

"Kaya pala parang may napapansin ako kanina pa, ngayon alam ko na ang dahilan" bulong ni Doc. Lorraine. Pero narinig ko yun.

Natuon ako kay jasper ng magsimula siyang umalis ng nakapamulsa ang mga kamay.

"May nagseselos" aniya ni Doc. Andrew.

Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa papalayong si jasper. Jasper i'm sorry...

  Nang mag-uwian ay hinila ni jasper ang kamay ko papasok sa kanyang kotse. Pero hindi niya parin ako kinakausap. Nakatuon lang ang paningin niya sa harap habang nagmamaneho. Tumingin ako sa kanya, seryoso ang mga mukha niya at may kasamang lungkot sa mga mata. Nasasaktan ako para sa kanya hindi dahil sa mahal ko na siya kung hindi dahil naaawa ako sa kanya, hindi ko maibalik ang pagmamahal na binibigay niya para sakin. Nagsisisi ako at sinagot ko pa siya dahil mas lalo akong pinahihirapan ng konsensiya ko.

"Jasper" tinawag ko siya. Nagulat ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan. Muntik na akong masubsob.

"Nandito na tayo" walang kagana-ganang sabi niya. Nagmadali siyang bumaba para pagbuksan ako.

THE FIVE GANGSTER AND MEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon