CHAPTER 36

430 32 0
                                    


   HARVEY POV'S

Nasa bahay lang ako, may sakit ako dahil sa pagpapaulan ko kagabi. Dinalan ako ni manang ng mainit na sopas at nilagay iyon sa gilid ng mesa.
Inubos ko yun tsaka ako lumabas para puntahan ang apat.

   Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ni frank, hawak ko na ang doorknob ng pintuan para buksan ng hindi ko sinasadyang marinig ko ang kanilang usapan.

"Anong gagawin natin?" Dinig kong sigaw ni erwin.

"Kumalma ka erwin, baka marinig tayo ni harvey" aniya ni frank.

"Paano tayo kakalma kung ang babaeng gusto niya ay pinapapatay ng daddy niya" aniya ni jonas.

"Kung hindi natin susundin ang sinasabi ni master marvin lahat tayo ay mapapahamak, may piliin man tayo o wala" aniya ni erwin.

"Ikaw ryan, anong gagawin natin?" Tanong ni frank dito.

"Hindi ko susundin si master marvin" aniya ni ryan.

"Pero paano ang pamilya mo, baka ipapatay ni master marvin" aniya ni jonas.

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko" aniya ni ryan.

  Bumalik na ako sa kwarto, pumunta ako sa may balcony. Ipinatong ko ang paa ko sa mesa.

   Kung ganun balak pala ni dad ipapatay si ashley. Kahit pala iwasan ko siya binabalak niya parin patayin si ashley, hindi ako makakapayag na may mangyareng masama sa kanya. Buong buhay ko yung pagsisisihan.

Ala-sais na ng gabi, pinuntahan ko ang mga kaibigan ko ngunit sabi ni manang ay may pupuntahan daw ang mga ito. Kaya nagmadali akong umakyat para kuhanin ang jacket ko at lumabas ako pasakay ng kotse. Nagmadali ko iyong paandarin papunta sa lugar kung saan nagtatrabaho si ashley.

  Pagdating ko dun, hindi nga ako nagkamali dahil nandoon sila kausap si ashley. Lumapit ako para malaman kung bakit sila nandito.

"Harvey, bakit ka nandito" tanong ni frank, halatang kinakabahan.

"Kayo ang dapat kong tanungin niyan, bakit kayo nandito" seryosong sabi ko sa kanila.

"May pinuntahan lang kami. Kaya naisip namin na dalawin si ashley" aniya ni erwin na pilit na ngumingiti.

"Dalawin? Wala naman siyang sakit* angil ko.

"Oo nga wala siyang sakit pero ikaw meron" aniya ni ryan.

"Kami na ang maghahatid sa kanya" aniya ni jonas.

"Ako na ang maghahatid sa kanya" seryosong sabi ko.

"Teka ! sandali, nag-aaway ba kayo?" Tanong ni ashley.

"Hindi ashley," aniya ni ryan.

Hinipo ni ashley ang aking noo."May sakit ka harvey, bakit ka nandito" tanong ni ashley sakin.

"Gusto kitang makita" aniya ko.

"Harvey, may sakit ka dapat nag pahinga kana lang" aniya.

"Tama si ashley, bro" aniya ni frank sakin.

"Sa kanila nalang ako magpapahatid, umuwi kana harvey at magpahinga ka" aniya ni ashley.

Hinila ko siya. Palapit sa tabi ko. "Ashley, ako ang maghahatid sayo. Kahit ngayon lang" nakikiusap na tinig ko.

Ang mga mata niya ay halatang nag-aalala sa kalagayan ko. Pero sa huli ay pumayag din siya. "Sige na nga" ngumiti siya.

   Pinagbuksan ko si ashley ng sasakyan at ako ang naglagay ng seatbelt sa kanya. Pagkahatid ko sa kanya sa bahay nila ay nagpaalam na ako sa kanya. Pinaandar ko na agad pauwi sa bahay.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon