"Bakit naman natin susundan yan" aniya ni jasper.Hindi ko na siya nasagot ng huminto ang sasakyan na sinusundan namin. Tinabi niya ang sasakyan sa may kalayuan para masigurado na hindi kami makikita.
"Hindi ba si lexi yun" turo ni jasper sa may bintana. Nakita kong lumabas si lexi mula sa van na sinakyan.
"Oo, siya nga. Kailangan natin siyang sundan" aniya ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse pero hinila niya ang braso ko.
"Ashley, hindi pwede. Marami siyang kasama. Isa pa, masidayong delikado" seryosong sabi ni harvey.
"Pero kailangan natin malaman kung bakit niya kasama ang mga tauhan ng black gang" aniya ko.
"Ashley, makinig kang mabuti. Mapapahamak tayo" aniya.
Hindi nalang ako nagsalita, sumandal ako sa upuan ng kotse. Naramdaman kong paandarin na niya ang kotse pabalik. Pagkahatid niya sakin sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ko na pinabuhat sa kanya ang mga pinamili ko, ako na ang kusang nagdala nun. Naglakad na ako papasok sa bahay ng matanawan ko si ace nakaupo sa sofa at may nakahigang pusa sa kanyang mga hita. Lumapit ako sa kanya para tignan ang pusa kulay orange ito na may halong puti at ang mga nito ay kulay asul.
Nagulat ako ng buhatin niya ang pusa at iabot sakin. "Gusto mo?" Tanong niya.
Lumunok ako ng isang beses sabay tango. "Oo." Binaba ko ang mga dala ko at Kinuha ang pusa. Kinilik ko ito na parang isang sanggol. "Ang kyut mo naman, ang ganda ng mga mata mo" aniya ko sa pusa. Na akala mo ay magsasalita rin ito.
"Sayo na lang yan, kung gusto mo" aniya ni ace.
"Talaga?" Natutuwang sabi ko.
"Oo naman"
"Ayaw mo na ba sa kanya, kaya mo siya pinapamigay?" aniya ko kay ace pero nasa pusa ang paningin ko.
"Hindi ko siya pinapamigay, nandito lang naman tayo sa iisang bahay" aniya. Nakakalimutan ko lagi na nasa iisang bubong nga lang pala kami.
"May pangalan na ba siya" tanong ko kay ace.
Tumango siya. "Ashie" aniya.
"Ashie?" katunog pa talaga ng pangalan ko.
"Oo. Ashie ang pangalan niya. Ikaw ang mommy at ako ang daddy niya." Ngumisi si ace.
Namula ako ng sabihin niya yun. Si ace daw ang daddy. Bakit naman ako magpapauto sa lalaking ito. Nawalan lang ng memorya naging babaero na.
Dinala ko si Ashie sa may kwarto ko at nilapag ko siya sa may kama. Bumaba ako para kunin ang mga pinamili ko pero dala-dala na yun ni ace paakyat sa kwarto ko.
"Salamat" kinuha ko agad ang pinamili. Hanggang sa pinto lang siya ng kwarto, hindi ko siya pinapasok.
"Tsk" ngumisi siya at tumalikod na rin.
KINABUKASAN
Pagpunta ko sa ospital nandoon lahat ng mga nurse sa labas at puro ang tsismisan.
"Kay aga-aga puro kayo tsismisan diyan." aniya ni Doc. Lorraine, siya ang pinakastrikto sa mga doktorang nakilala ko.
"Pasensiya na po" aniya ng mga nurse na nagtuturuan pa.
"Kapag naulit pa ito. Sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng trabaho" sigaw niya sa mga ito.
"Hindi na po mauulit" aniya nila.
"Bumalik na kayo sa loob" sigaw niya. Mabilis na nasipag kilosan ang mga nurse patakbo sa loob.
Hindi ko maiwasang humanga kay doc. Lorraine dahil lahat na ata nasa kanya. Isa siya sa pinakamahusay na doctor kahit na may pagkastrikto. Ang alam ko sa kanya ay wala pa siyang nobyo dahil busy siya sa trabaho. Feeling ko tuloy ay bagay sila ni ethan walang oras para sa pag-ibig puro trabaho ang inaatupag.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...