CHAPTER 55

306 11 4
                                    

ASHELY POV'S
 
   Pagkarating ko sa bahay ni david, pagbukas ko palang ng pinto 'siya na agad ang bumungad sa akin. Nakapadikwatro ang pagkakaupo at magkakrus ang mga kamay, Deretso itong nakatingin sakin sabay tayo at lumapit sa akin.

"Saan ka galing?" aniya, halata ang pagsusungit.

"Sa park" nakangusong sabi ko, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsabi" inis na aniya.

Tumingin ako sa kanya ng deretso. " Bakit naman?"

"Dahil nag-aalala ako sayo, Alam mo ba yun" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Kung ganun salamat sa pag-aalala mo" aniya ko. nagsimulang maglakad papasok.

Ngunit pinigilan niya ako, hinarang niya ng braso niya upang hindi ako makaraan.

"Simula ngayon kailangan mong sabihin sakin, kung saan ka magpupunta" seryosong aniya.

Inis akong tumingin sa kanya. "Bakit ko naman kailangan sabihin sayo ang mga pupuntahan ko, Para sabihin ko sayo wala tayong relasyon." inalis ko ang nakaharang niyang braso at mabilis na umakyat papuntang kwarto.

  Ano bang akala niya sakin sakin. Hindi porket sa kanya ako nakatira ay pati ako ay kokontrolin niya. Hindi ko naman gusto sumama sa kanya dito eh. gusto ko lang magtago sa nga taong humahabol sakin. Hayysss!

Pumunta ako sa balcony at tinignan ang mga bituin sa mga kalangitan, napaluha nalang ako ng makita ang mukha doon ni ace. Hanggang ngayon umaasa pa din ako nasa ligtas sila na sana buhay pa sila. Dahil hindi ko magawang maniwala sa nga sinasabi ni david, Hindi ko alam kung bakit.

  Kinabukasan, Pag gising ko ay bumaba na ako upang magpahangin sa labas, pero bumungad naman sa aking harapan si aaron.

"Doc. Aaorn" aniya ko.

"Kamusta naman ang pamamalagi mo dito?" tanong niya, nasa magkabilang bulsa ang mga kamay.

"Mabuti naman Doc. aaron" nakangiting sabi ko.

"Wag mo na akong Tawaging Doc. wala naman tayo sa hospital" nakangiting sabi niya.

"Okay po" mahinang sabi ko.

"Sige, may gagawin pa ako" tinalikuran na niya ako.

Nagpunta ako sa may garden upang ako na ang magdilig ng mga halaman roon. sobrang ganda ng mga halaman dito mahahalata mo talaga na mahal ang bawat piraso nito dahil sa kakaiba nitong itsura.

  Naalala ko bigla ang binigay sa aking pusa ni Ace. Kamusta kaya si Ashie? Buhay pa kaya siya. Kasi pag-uwi ko nang bahay ay hindi ko siya nakita, ni anino ng akinv pusa. Namiss ko bigla si ashie.

Bumalik na ako sa loob upang magpalit dahil gusto kong mamasyal dahil sobrang nakakabagot sa bahay.

"Ashley" narinig ko ang boses na yun ni harvey ng papasok na ako sa sasakyan niya.

"Ano yun?" aniya ko. Tumingin ako sa kanya.

"May magaganap na pagdiriwang mamaya, Kaya magready ka" seryosong sabi niya.

"Bakit kasama ako?" turo ko sa sarili.

"Dahil wala kang kasama dito, Hindi naman pwedeng maiwan ka ditong mag-isa." paliwanag niya.

Napabuntong hininga nalang ako. "Okay" papasok na sana ako ng magsalita na naman siya.

"Saan ka pala pupunta?" nakayukong sabi niya.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon