ACE POV'S
Hinabol ni jaxon ang kapatid pero hindi niya iyon naabutan sa sobrang bilis ng pag paandar niya doon. Napaluhod nalang ako, sinuntok ko ng kamao ko ang lupa. Hindi ko pinansin ang dugo na pumapatak sa aking kamao.
"Ace bakit mo ginawa yun" hinawakan ako sa kwelyo ni harvey.
Nasa gilid lang ang paningin ko. "Hindi ko alam na nagyari yun"
"Ikaw ang nandoon, tapos wala kang alam" narinig kong sabi ni jaxon.
"Nagparaya ako kasi akala ko hindi mo sasaktan si ashley" galit na sabi ni harvey. "Pero nagkamali ako na pinaubaya ko siya sayo." Sinuktok niya ako sa labi. Napaupo nalang ako.
"Hindi ko alam kung magiging magkaibigan pa tayo 'matapos mong lokohin ang kapatid ko" aniya ni jaxon at tinalikuran ako.
"Jaxon, pag-isipan mo muna ang sinasabi mo" sigaw ni hendrix, patuloy parin ang paglakad nito palayo.
"Hindi kita mapapatawad ace sa ginawa mo kay ashley" nagbabanta ang tinig ni jasper.
"Susundan ko si ashley" aniya ni harvey.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Sasama ako" aniya ni jasper.
"Ako din" si kevin.
Umalis na silang tatlo.
"Naniniwala ako sayo ace" hinawakan ni ethan ang balikat ko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko" pumatak nalang ang mga luha ko.
"Gagawin natin ang lahat para maniwala sayo si ashley" nakangiting sabi ni hendrix.
"Tutulungan din kita ace, naniniwala ako na sinet-up kalang" aniya ni alex.
"Salamat sa inyo" tinulungan akong tumayo ni drix.
Pag-uwi namin ay bumungad samin ang mga master pati si tita lucy. Mukhang alam na nila ang totoo.
"Alam na namin ang nangyare" sabi ni master edward.
"Pero hindi kami naniniwala na gagawin mo yun ace" sabi ni master jake.
"Kilala ka namin anak, kami ang nag-alaga sa inyo hanggang paglaki" aniya ni master arthur ni daddy.
Lumapit ako sa kaniya "Daddy, sorry kasalanan ko lahat ng ito" umiiyak akong yumakap dito.
"Magiging okay din ang lahat hijo, sa ngayon kailangan ng anak ko ng panahon 'dahil ilang beses na siyang nasaktan. Kaya ganun nalang ang naging reaksiyon niya" paliwanag ni tita.
ASHLEY POV'S
Nahinto ako sa isang gubat, pinarada ko ang sasakyan sa may gilid. Naglakad ako paakyat, nandito ko sa harap ng bangin nakatayo kaya isang lakad ko pa ay malalaglag na ako. Tinaas ko ang mga kamay, pumikit ako 'naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat. Doon ako nagsimulang umiyak.
Akala ko ako lang ang mahal niya. Sinabi niya yun sakin.. parehas sila ni tristan, parehas silang manloloko. Kasalanan ko din, nahulog ang loob ko sa lalaki na yun kahit ako lang naman talaga ay may gusto saming dalawa.. Nagpakatanga na naman ako sa isang lalaki, akala ko siya na talaga ang tunay na magmamahal sakin pero mali na naman yata ako ng taong pinili ...
Nagpatuloy ang aking pag-iyak.
"Ashley" narinig ko ang boses ni harvey.
Tumingin ako kung saang lugar ko narinig ang boses niya. Kasama niya si kevin,jasper pati narin si kuya. Tumayo ako, pinunasan ang mga luha pero patuloy parin ang pagpatak nun.
Yumuko ako para hindi nila makita ang pag-iyak kahit na naririnig naman nila.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansaAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...