ACE POV'S"Nakakapagod ang araw na ito, diyan na kayo magpapahinga na ako sa taas" aniya ni hendrix at umakyat na.
Nagpahinga na rin ang tatlo dahil sa pagod. Hinanap namin buong maghapon si ashley at kinagabihan ay pumunta kami sa isang salo-salo dahil hindi naman pwede na hindi kami pupunta dahil isa rin kaming gangster.
Naiinis talaga ako kapag naiisip ko si harvey. Lalo na kapag naaalala ko na siya ang prinsipe ng mga bloody gang dahil hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Simula ng masira ang pagkakaibigan namin dahil sa pagiging hari ko sa gang ay doon ko nalang nalaman na kasapi na pala siya sa bloody gang.
Lumabas nalang muna ako ng bahay dahil gusto ko rin maglakad lakad baka sakaling makita ko rin si ashley sa pagkakataong ito. Nahagip ng aking paningin ang kalangitan punong-puno ito ng mga butuin, napakaganda ng liwanag na dala nito. Bigla ko nalang naisip si ashley, nung nagtapat ako sa kanya sabay naming pinagmasdan ang mga bituin. Ashley, nasaan kana ba. kamusta kana ba, sana ay okay ka lang kung nasaan ka man.
Bigla nalang Bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na umuulan ay patuloy pa din ako sa paglalakad nang may narinig akong tumatakbo sa kabilang daan, mabilis akong nagpunta roon. Nakita ko ang isang babae na hinahabol nang kung sinong mga lalaki, nakamaskara ang mga ito kaya hindi ko maaninag ang mga itsura nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang tumawid ang babae na may malaking truck na parating. Tumakbo ako ng mabilis at hinila ko ito sabay yakap upang siguraduhing hindi siya masasaktan.
"Miss magpapakamatay kaba?" sigaw ko sa babae. Pero nagulat ako ng makita ko si ashley. "Ashely..." namuo ang luha sa mga mata ko. Ang tagal naming siyang hinanap pero ngayon nasa harap ko na siya.
"Ace, ikaw ba yan?" hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at inaaninag kung ako nga ang nasa harap niya pero bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.
"Ashley." tawag ko.
Bubuhatin ko na sana siya ng may lumapit sa akin. Yung mga lalaking humahabol kanina kay ashley. Bigla nalang nandilim ang paningin ko."Hindi ko kayo mapapatawad!!!" sigaw ko sa mga ito.
Lumapit ako sa mga ito, binuhat ko pataas sa kwelyo ang isa at hinagis ko ito sa may poste at sinigurado na hindi na ito mabubuhay. Bumaling ulit ako sa ibang lalaki, nakita ko ang nga paa nilang humakbang paatras. Naglakad ako palapit pero ganun nalang ang pag-atras nila sabay takbo.
Naalala ko bigla si ashley, Wala pa rin siyang malay. Nang bubuhatin ko na siya ay may bigla nalang may pumalo sa aking likuran kaya natumba ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ashley...
"Ace" unti-unti kong minulat ang aking paningin ko at nakita ko sila kevin. Napabangon ako ng maalala ko si ashley.
"Si ashley?" aniya ko sa kanila.
Nagtinginan sila. "Ano bang sinasabi mo?" aniya ni kevin.
"Nakita ka namin sa daan kagabi na walang malay" aniya ni drix.
"Pero si ashley, Nakita ko na siya. Magkasama pa nga kami kahapon eh." aniya ko sa kanila.
"Kung kasama mo ang kapatid nasaan siya, bakit hindi mo siya kasama" aniya ni jaxon.
"May pumalo sa likuran ko tapos hindi ko na alam" nalilitong sabi ko.
"Kailangan natin malaman kung sino ang kumuha kay ashley" aniya ni ethan.
"Yan talaga ang gagawin ko" seryosong sabi ko at napahawak ako sa kumot ng sobrang higpit.
Hindi ko mapapatawad kung sino man ang kumuha sayo ashley, gagawin ko ang lahat mabawi lang kita sa kanila kahit buhay ko pa ang kapalit.

BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomansAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...