ACE POV'S"Baby, gumising ka" aniya ko kay ashley, habang nakahiga siya sa braso ko.
"Ashley" lumapit sakin si harvey at pilit na ginigising si ashley. "Ace, ano nangyare kay ashley" dagdag niya pa.
Hindi ko siya sinagot. Binuhat ko si ashley pasakay sa kotse ko. Pinaharurot ko iyon ng mabilis. Pagdating ko sa ospital saktong pagdating ng sasakyan ni harvey kasama ang mga kaibigan niya.
"Anong nangyare sa kanya sir ace" tanong ni chloe. Dito ko dinala si ashley sa ospital na pinapasukan niya.
"Bigla nalang siyang hinimatay" aniya ko.
"Sige, dito nalang muna kayo" aniya ni lesley. Hiniga ko si ashley sa may strecher at hinila nila iyon palayo samin at pinasok sa isang sulok na may harang na kurtina.
Naupo ako sa mahabang upuan at niyukom ko ang aking mga palad sa aking mukha habang nakapatong ang siko ko sa magkabilang hita ko.
"Ace, sabihin mo. Bakit bigla nalang hinimatay si ashely" narinig ko ang boses na yun ni harvey.
Tinanggal ko ang mga palad ko sa aking mukha at nag-angat ng tingin sa kanya, nasa harapan ko na siya at nasa likuran ang mga kaibigan niya. Tumayo ako at hinawakan siya sa may kwelyo niya.
"Hindi siya magkakaganito ng dahil sayo" galit na aniya ko sa kanya.
"Ace, tumigil ka." awat sakin ni ryan. Hawak niya ang braso ko at pilit inaalis.
"Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito ace" galit na sabi ni harvey, tinulak niya ako paatras.
"Ako pa ngayon, ikaw ang unang sumugod at pinagbibintangan kami" angil ko.
"Nasa ospital ngayon si frank, hindi maganda ang kundisyon niya. Dahil yan sa inyo" sigaw sakin ni harvey.
"Hindi mo pa nasisiguro na kami talaga ang may gawa, kaya wag mo kaming pagbintangan" mas lalo akong nagalit.
"Tumigil na kayo. Nasa ER pa si ashley at hindi natin alam kung ano na ang lagay niya ngayon" awat samin ni jonas.
"Mas mabuting maghiwalay muna kayong dalawa" aniya ni erwin.
Magkahiwalay kaming naupo ni harvey. Nasa pagitan namin sila ryan. Magkakrus ang mga kamay ko at hindi mapalagay ang aking isip, sana ay maging okay na si ashley dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sakin. Tumayo ako at pumunta sa may sulok, kinuha ko ang phone ko upang tawagan sila jaxon.
"Hello" sagot nito sa kabilang linya.
"Jaxon..." Mahinang sabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga sa nangyare.
"Ace, bakit anong nangyari" mabilis nitong sabi.
"Si ashley..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ng bigla nalang namuo ang mga luha sa mata ko.
"Anong nangyari sa kapatid ko ace,?" Halata sa boses niya ang biglang pag-aalala.
"Nandito ako ngayon sa ospital, bigla nalang siyang nawalan ng malay" marahan kong sinabi iyon ng hindi nauutal.
"Ano!!!" Sigaw niya. "Sige, papunta na kami diyan" dagdag niya, pinatay niya na agad ang linya, kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Pagbaba ko ng phone ko ay kausap na nila harvey si Doc lorraine, agad akong lumapit upang malaman ang lagay ni ashley.
"Doc Lorraine, kamusta na si ashley?" Agad kong tanong pahlapit ko. "Okay na ba siya, gising na ba siya" sunod-sunod kong tanong. Halos mapaatras nalang si Lorraine sa bilis kong magsalita.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...