ASHLEY POV'S
Napabangon nalang ako sa higaan ng malaglag ako sa aking kama. Kinusot ko pa muna ang aking mga mata at tsaka dumilat. Napansin ko sa may bintana na madilim na pala, Kaya naman lumabas muna ako para uminom ng gatas.
Pagbaba ko ng hagdan ay napansin ko si ace na papunta sa labas, kaya naman sinundan ko ito. Nagtago ako sa may pinto at marahan siyang sinilip, nakita ko na nakatulala ito habang nakatanaw sa liwanag ng mga bituin.
"Lumabas kana diyan, wag kang magtago baby." nakita ko ang tipid niyang pag ngiti.
Napakamot nalang ako sa aking ulo. Lumabas nalang ako at tinabihan siya. Tinanaw ko rin ang mga bituin gaya ng ginagawa niya. "Iniisip mo pa rin ba si david?" hindi ko alam kung bakit ko pa yun pinaalala sa kanya. Alam ko naman na hindi niya mapigilan ang magalit sa matalik niyang kaibigan.
Nang tanungin ko yun sa kanya ay bigla nalang nagbago ang kanyang awra. "Hindi ko kasi maisip na magagawa niya yun, Lalo na sa babaeng pinakamahalaga sa akin."
"Ace..." yun nalang ang tanging lumabas aking bibig. Hindi pa rin talaga nagbabago si ace, siya parin ang lalaking minahal ko.
"Hindi ako makakapayag na saktan ka ng kahit sino." aniya. tumingin sa akin at muling pinagpatuloy ang sinasabi. "Hangga't nabubuhay ako po-protektahan kita, Sayo lang ako ashley." nakangiti niya iyong sabihin, pero mababasa sa kanyang mga mata na seryoso ang kanyang mga binitiwan na salita.
Napayakap nalang ako sa kanya. "Sayo lang din ako ace." mahina kong sambit at naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakayakap sa akin.
Nagpunta kami ni ace sa balkonahe ng aking kwarto, doon pinagpatuloy ang pag uusap.
"Anong gagawin natin baby, kapag sumugod ang bloody gang." hindi ko mapigilan ang matakot dahil napakalakas ng hukbo nila.
"Ayoko muna pag-usapan ang bagay na yan baby." nakatingin ito sa akin sabay ngiti. "Gusto ko sulitin ang araw na ito na kasma ka, baka mamaya mawala kana nanan sakin." seryosong aniya.
Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam ang aking sasabihin. Hinawi niya ang aking buhok na napunta sa aking mukha ng lumakas ang hangin. Deretso siyang nakatingin sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi, marahan niya akong hinalikan. Bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko napigilan na bawian din siya ng halik.
Mas lalo akong nagulat ng buhatin niya ako at ihiga sa kama. Muli niya akong hinalikan habang nasa ibabaw ko. Niyakap ko nalang siya habang hinahalikan din siya. Bigla nalang nanlaki ang mata ko na maramdaman ko ang kamay niya na ipasok sa aking damit. Agad ko siyang tinulak palayo sa akin, nagulat siya sa aking ginawa. Napaupo nalang ako sa aking pagkakahiga.
"Ace, bakit mo ginagawa ito." yun nalang ang nasabi ko. niyakap ko ang aking sarili na tila bang nahihiya sa kanya, napatingin nalang ako sa may baba.
Hinawakan niya ang aking baba at inangat paharap sa kanya ang aking mukha. "Wag kang mag-alala baby, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa." nakangiting sabi niya, sabay halik sa aking noo.
Umalis siya sa aking kama at inayos ang aking pagkakahiga. Nilagyan niya ako ng kumot at muling hinalikan sa aking noo.
"Matulog kana baby." Tumalikod na siya at maglalakad na sana palabas ng pinto.
Mabilis akong tumayo at niyakap siya patalikod"Baby, salamat. " aniya ko.
Naramdaman ko na alisin niya ang pagkakayakap ko , humarap siya sa akin. " Tandaan mo, minahal kita para respetuhin hindi para bastusin." ginulo gulo niya pa ang aking buhok. "Sige na, matulog kana." nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...