CHAPTER 46

401 32 2
                                        


   ACE POV'S

Paggising ko sa higaan ay naramdaman ko ang kumikirot kong ulo at parang ang bigat ng katawan ko. Kapag sinusubukan kong tumayo ay nahihilo ako.
   Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok mula roon si yaya, may dala itong palangana na may tubig at twalya.

"Sir ace, mahiga ka po muna" aniya ng makitang nakatayo ako. Nakahawak ako sa may cabinet para hindi ako matumba.

Bumalik ako sa kama at muling nahiga. "Nasaan sila kevin?" Tanong ko.

"Umalis po sila" aniya ni yaya. "Ang dinig ko po ay pupunta sila sa camille ata yun. Ewan ko"dagdag niya, napakamot nalang siya sa ulo.

Nilapatan ako ni yaya ng panyong basa sa aking noo. Pinunasan niya ang braso at aking paa. Kinuha niya ang baso at gamot sa gilid ng mesa, bago iabot ay binuksan niya muna ito.

"Uminom ka muna ng gamot sir. Ace" aniya. Sinubo sakin ang isang pirasong gamot at marahang pinainom sakin ang tubig.

 
  Pagkatapos nun ay nilapag na ni yaya ang baso sa mesa at lumabas na ng pintuan. Tumayo ako at di ko sinasadyang matabing ang baso sa may mesa at mabasag ito. Biglang may pumasok sa loob at napatakip ng bibig sa nakita.

"Nako, sir ace, anong nangyare. Okay ka lang ba" nag-aalalang tanong ni yaya.

"Okay lang ako, aalis muna ako" aniya ko.

"Sir ace. Kailangan mong magpahinga" aniya ni yaya.

  Hindi ko siya pinakinggan, deretso akong naglakad palabas ng kwarto. Hinabol pa ako ni yaya nagpupumilit na magpahinga ako pero hindi ko siya pinapansin. Kahit nahihilo ako sinikap kong magmaneho papunta sa bahay ni camille. Nasisiguro kong may hindi magandang mangyayare, sana ang kutob ko ay hindi totoo.

 
    KEVIN POV'S

Ilang oras na din halos nakainom na kaming lahat maliban lang sa mga babaeng kasama namin. Kanina ko pa napapansin na hindi ko nakikita si ashley.

"Nasaan si ashley, nakita niyo ba siya?" Saktong lumapit samin si lorraine para sabihin iyon.

"Hindi ba kayo ang kasama niya" aniya ni jaxon.

"Oo, pero bigla siyang nawala." Aniya ni lesley.

  Napalingon nalang kami sa bumukas na pinto at nakita namin si ashley na pumasok mula roon.

"Ashley, saan ka ba nagpunta" tanong ni jasper.

"Nagpahangin lang" ngumiti siya.

"Sa susunod sabihin mo samin ng hindi kami nag-aalala kakahanap sayo" sita ni jaxon sa kapatid.

"Pasensiya na kuya" nakangusong sabi ni ashley.

"Halika na, maupo na tayo" aniya ni camille.

   Pagtalikod namin, narinig namin si ashley na sumisigaw ng malakas. Kaya nilingon namin siya. Hawak niya ang magkabilang gilid ng noo na parang sumasakit. Nilapitan namin siya.

"Ashley, okay ka lang ba?" Tanong ni jaxon.

"Lumayo kayo" nahihirapang niya sabi. Iniinda ang sumasakit na ulo.

"Hindi ka namin maintindihan." Aniya ni jasper.

"Sabi ko LUMAYO KAYO SAKIN!" mas diniinan niya ang sasabihin.

"Bakit naman namin gagawin yun" aniya ko.

"Pakiusap, sundin niyo nalang ako" napaluhod siya at talaga hindi na niya kaya.

"Ashley..." Tawag ni harvey.

   Naupo si jaxon sa harapan ng kapatid at tinulungan itong tumayo, pero tinutulak lamang siya ni ashley.

THE FIVE GANGSTER AND MEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon