CHAPTER 31

409 30 0
                                    


  ASHLEY POV'S

  Abala ang lahat para sa gaganapin na graduation. Sobrang excited ko dahil hindi ako makapaniwalang nakatapos ako ng kolehiyo at isa nalang ang kailangan ko. Yun ay kumuha ng exam at ipasa ito, para maging isa na talaga akong doktor.

   Nagsimula na kami maupo sa upuan na nakalagay sa gitna ng court at ang mga magulang ay nakaupo sa gilid sa may bleacher. Tinuon ko ang sarili sa harap ng stage sa nagsasalita. Nang maibigay na ang mga diploma ay tinawag naman ang lahat ng nakakuha ng medal, certificate at iba pa.

  Matapos nang mahabang oras na nakakaboring ay nagpaalam na ako sa mga kaklase ko. Meron pa ngang mga nag-iyakan dahil mamimiss daw nila ang mag-aral. Pagpunta ko sa parking lot ay nandoon na lahat sila, ako nalang pala ang wala. Nakangiti saking lumapit ang mga ito, niyakap ako ng mga masters. Si mommy ay hindi mapigilang maiyak dahil sa tuwa.

"Congrats sa inyong lahat" bati ni master arthur. Saba'y group hug.

Nang lumipas ang gabi ay nagtext ang master na magdidinner kami sa labas.  Naghanap ako nang isusuot dahil gusto ko maganda ako sa araw na'to.
Pagdating ko sa resto. na sinabi ng masters ay pinakita ko sa gwardya ang aking card at pinapasok na ako sa loob.

Pagbukas ng pinto ng isang staff ay ang malaking mesa agad ang natanawan ko. Nakaupo na roon ang lahat pero wala pa doon si ace.

"Excuse me" nangibabaw ang boses na yun sa likod ko.

Natulala ako ng makita si ace. Nakaakbay sa kanya si lexi. Akala ko ba pamilya lang, pero bakit nandito siya.. Tumabi nalang ako ng makadaan sila. Pinagmasdan ko sila hanggang alalayan ni ace na makaupo si lexi na dapat sakin niya ginagawa.

"Anak, ano pang tinatayo mo diyan maupo kana" aniya ni daddy.

"Magccr lang po ako" aniya ko.

Patakbo akong pumunta sa cr. Sinarado ko ang pinto, naglakad ako paharap sa salamin.

"Ashley, ano ba umayos ka. Wag kang magpaapekto sa kanila. Nangako ka sa sarili mo diba lalayuan mo na siya para hindi kana masaktan pa" aniya ko sa sarili ko. Hawak ang sariling dibdib at ang isang kamay ay nakahawak sa gripo.

  Pagbalik ko ay hindi pa sila nagsisimulang kumain. Puro lang silang kwentuhan habang tumatawa pati si lexi ay nakikitawa rin. Ano yan gusto na ng mga master si lexi kaysa sakin... Hindi ako papayag na pati sila kukunin sakin ng babaeng linta na yan..

"Ehem!" aniya ko ng nasa harap nila.

"Hija, nandiyan kana pala." aniya ni master arthur.

"Maupo ka na at kumain na tayo" aniya ni kuya jaxon.

"Bakit hindi pa kayo kumain at hinintay niyo pa ako" aniya ko ng makaupo.

"Syempre dapat sabay-sabay" aniya ni alex.

Kinuha ko ang kutsara at humigop ng soup. Habang ang paningin ko ay na kay ace, masaya silang nag-uusap ni lexi. Nang sikuhin ako ni kevin.

Tumingin ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.

"Napapansin ko kanina ka pa tahimik" aniya. Patuloy sa pagkain.

Tumingin ako sa soup at pinaglaruan ito. "Nagsalita naman ako kanina"

"Kanina yun. Pero ngayon ang tahimik mo,'hindi ako sanay" aniya ngumisi.

Pilit akong ngumiti. "Masanay kana dahil lagi na akong tahimik" aniya ko.

"Dahil ba yan sa kanila" ngumuso siya sa gawi nila ace.

"Hindi ah." Palusot pero alam kong hindi siya maniniwala.

THE FIVE GANGSTER AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon